"DARA," pabulong na sigaw ni Andrei nang makita siya nito sa library nang nagbabasa ng libro. Hindi niya masasabing matalino siya pero kung pasipagan lang naman ang labanan, aba masipag talaga siyang magbasa, magbasa ng love stories.
"Bakit na naman ba? Ang ingay-ingay mo kita munang nasa library ka, silence nga daw oh. Keep quiet," sineniyasan pa niya ito na tumahimik.
Dahan-dahan naman itong naglakad papunta sa kanya, sabay kumuha ng isang silya at saka tumabi sa kinauupuan niya.
"Alam mo ba ang balitang kumakalat na may transfer student daw dito, artist daw iyon na sikat ngayon at ito pa, lalaki siya. Ang sabi pa ng iba isa daw iyon sa member ng Noble Power. Hindi ko pa alam kung totoo nga ang balitang iyon, pero kung totoo man, nakooo! Iyon na simula nang katuparan ng mga pangarap ko," tuloy-tuloy na kwento nito sa kanya na nagniningning pa ang mga mata sa tuwa.
"Eh ano naman? Edi gumulo lang dito sa school kung mangyari iyon. Hay, ang ingay mo na nga lalo pang iingay ang paligid ko," reklamo niya sabay ipinagpatuloy na ang pagbabasa ng librong hawak-hawak niya.
"Nako, ang kj mo talaga! Hindi ka ba masaya no’n? Biruin mo makakasama mo ang isa sa mga lalaking pinapangarap mo sa school. I mean, nasa iisang eskwelahan na lang kayo, oh di ba madali na siyang lapitan, kausapin, halikan at r**e-in, ano ka ba naman? Malay mo si Sky pala iyon na crush mo," sabi pa nito.
"Heh! Tigil-tigilan mo nga ako, hindi mo ako katulad at saka for your information hindi ko crush ang Sky na iyon. Oo, pogi siya at mabait na pero hinding-hindi ko magugustuhan ang mga mayayabang na Noble Power na iyon at lalong-lalo na 'yong Acer Kim Lopez na iyon, 'yong Ice na iyon. Pwet niya!" umirap pa siya.
"Beshy!" mahina na pagtawag nito sa kanya.
"Bakit ba? Hindi ko nga sabi sila bet, pwede ba?" inis niyang baling dito.
"Beshy, keep quiet! Ano ka ba? Ang lakas ng boses mo, luka ka!" sabay hatak nito sa kanya paupo sa upuan niya.
Sa inis niya kasi ay napatayo siya sa kinauupuan niya at sinigawan ito. Na-realize niya lang ang katangahang nagawa niya nang makitang nakatingin sa kanya lahat ng estudyanteng nandoon, ang iba ay nakataas pa ang kilay.
"S-sorry, sorry po!" paghingi niya nang paumahin sabay yuko. "Ikaw kasi, kasalanan mo ito!" baling niya kay Andrei.
"Bakit ako na naman sinisisi mo? Ikaw itong nanigaw diyan at ipinarinig mo pa talaga sa kanila na ayaw mo sa Noble Power, alam mo bang nakatingin sa iyo si Camille? Nako, patay ka do'n!" bulong nito sa kanya.
Si Camille ay ang cheerleader ng cheering squad nila sa school, mayaman, matalino, maganda pero spoiled brat at medyo matapobre in short kabaligtaran niya. Isa din itong kilalang fansite master ng Noble Power in short ulit patay na patay ito sa kanila.
"Bakit naman kasi hindi mo man lang ako pinigilan sa pagsasalita?" galit kong bulong dito.
"Malay ko bang maglalabas ka ng sama ng loob sa Noble Power, tara na nga bago pa tayo mapaaway dito," aya nito sa akin kaya agad kaming lumabas ng library.
Gabi na nang nakauwi siya sa apartment galing school, dali-dali siyang umakyat sa second floor pero napahinto siya sa tapat ng unang kwarto dahil may ilaw na sa loob no’n.
Aba, may ilaw na pala dito sa kabila! Nandito na tiyak iyong bagong mangungupahan. May makakadaldalan na ako sa wakas! Kakatok na sana siya sa pintuan ng maisip niyang gabi na at baka tulog na ang taong nandoon kaya naisipan niyang bukas na lang ito punatahan para makilala.
"Magkikita din tayo bukas, kapit-kwarto," bulong niya sa hangin sabay ngiti at masayang pumasok sa kwarto niya.
Maaga siyang gumising dahil naisip niyang gawan ng breakfast ang kapit-kwarto niya bago siya pumasok. Excited siyang nagluto ng hotdog, itlog at gumawa ng masarap na corn soup para dito. Ipinagtimpla niya din ito ng hot chocolate para kumpleto sa rekado ika nga.
Excited na talaga siyang makilala ito. Sana magustuhan niya ang inihanda ko para sa kanya, sana maging ka-close ko siya para may kasabay na akong pumasok at umuwi sa school. Napangiti siya sa isiping iyon.
Nausisa niya kasi si Aling Chonyang at nalaman niya dito na mag-aaral din daw ang bagong mangungupahan sa DHA.
Dahan-dahan niyang inilagay sa isang tray ang mga pagkaing inihanda niya at saka nagpunta sa kabilang kwarto. Huminga muna siya nang malalim dahil kinakabahan siya at hindi niya alam kung bakit.
"Okay, Dara. Count 1 to 3 then kakatok ka na, okay?" kausap niya sa kanyang sarili. "Fine, 1...2...3," saka niya kinatok ang kabilang kwarto. Nagulat siya nang bigla nalang magbukas ang pinto. Nakabukas!
Dahan-dahan na siyang naglakad papasok sa loob at marahang inilapag sa may mesa ang dala-dala niyang tray dahil iyon ang una niyang nakita kasabay naman no’n ang pagsara ng pinto. Napatingin siya sa may pinto na pinasukan niya pero hindi iyon ang nagsara kundi ang pinto sa kaliwa, pinto ng c.r.
"WAAAAAAH!" sigaw ng lalaking lumabas doon na nakatapis ng tuwalya na nadulas pa sa gulat.
"H-hello!" bati niya nang nakangiti dito. "O-okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.
"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong nito nang makahuma na sa gulat at tumayo mula sa pagkakadulas niya pero napatanga na lang siya sa kinaroroonan niya.
"WAAAAAAH! BASTOOOOOS!!!! BASTOS!!!" sigaw niya sabay takip ng magkabila niyang mga mata. OMG, ang mga mata ko! My oh-so-precious-virgin eyes!
"Teka, bakit?" naguguluhang tanong ng lalaki saka lang ito napatingin sa sarili at na-realize na wala na pala ang tuwalyang kaninang nakatapis sa katawan niyo. "WAAAAAAH!!! “ sigaw din nito.
“Nako! Pasensiya ka na talaga! Pasensiya na! Pasensiya na!!!!!!!! WalanamanakongnakitanagdalalangakongpagkainparasaiyodahilbagongnangungupahankaHindikotalagasinasadyanakabukaskasiiyongpintokayaakalakopinapapasokmonaako! Pasensiya na, sorry! Sorry!" sunod-sunod na paghingi niya nang paumanhin habang nakatakip pa din ang mga mata niya.
"Ehem...ehem! Tama na nga! You can open your eyes now," sabi nito. Dahan-dahan nga niyang binuksan ang mga mata niya at nakitang nakatapis na ang tuwalya nito sa kanyang katawan. "So, nagkita tayong muli sa hindi inaasahang pagkakataon, utak-talangka."
"U-utak-talangka?" pag-ulit niya. Aba naman talaga ang lalaking ito masarap lang balatan ng buhay at itali sa puno ng kamatis nang nakapatiwarik. Pwede ba? Kapag nga naman minamalas ka, sobrang malas talaga. Aba’t ang mayabang pa na ito ang kapit-kwarto niya!
"Yes, dahil sa tuwing nagkikita tayo lagi nalang may kapalpakan kang ginagawa, may balat ka ba sa pwet?"
"Hoy, hindi ko kasalanan na nadulas ka at nahubaran. Sisihin mo 'yang nadulas mong paa at pati na rin 'yang nahulog mong tuwalya at hindi ako," sagot niya. "Nakakakilala ng maganda ang tuwalya mo at sa akin pa ipinakita iyang itinatago mo, maswerte ka," bulong niya.
"Ano?" kunot-noong tanong nito.
"Wala!" inis niyang sagot. Akala pa naman niya ay mabait ang kapit-kwarto niya, excited pa naman siyang makilala ito pero ngayong nakita at nakausap na niya ito ay naisip niyang sana pala ay hindi niya na lang ito pinag-aksayahan pa ng panahong kilalanin. "Aalis na ako," paalam niya.
"Hoy! At saan ka naman sa tingin mo pupunta?" pagpigil nito sa kanya.
"Aalis na nga ako, di ba? Edi malamang palabas na ng pinto mo, naalibadbaran ako dito sa kwarto mo. Karima-rimarim ang view," umirap siya.
"Hindi mo na lang basta pwedeng iwanan ang pinsala at krimeng ginawa mo, kailangan mo itong panagutan," sabi nito.
Napataas ang kilay niyang napaharap dito, "at ano naman ang pinsala at krimeng nagawa ko? Wala akong nilabag sa batas kundi trespassing lang at saka nakabukas kasi iyong pinto mo, yabang!" paliwanag niya pero hindi ito sumagot at nagpaikot-ikot lang sa harapan niya. "Oh, ano na?" reklamo niya pero matimtim lang itong nag-iisip habang nakapameywang.
Aalis na sana siya pero bago pa man siya makalabas ng pintuan ay nagsalita na ito. "Pagkatapos mong makita ang lahat-lahat sa akin bigla ka nalang aalis? You have no sense of responsibility.” Umiling-iling ito, “you must pay the damages."
"Wala akong ibabayad sa iyo, oy. Huwag kang mukhang pera, singer ka di ba? Mayaman ka na!" umirap siya muli.
"Hindi naman pera ang hinihingi ko," sagot nito.
"Eh ano?" tanong niya.
"Matagal ko itong pinag-isipan at wala na din naman akong naiisip pang ibang solusyon bukod dito," paliwanag nito. "Dahil nakita mo na ang lahat sa akin. Responsibility mo na ako ngayon and now, be my pet," dugtong nito.
Ano daw? Mali ba ang narinig niya?