Lumapit sa kaniya si Andrei. "Uy! Hindi ba't nagpapasama sa iyo si Ice! Samahan mo na iyon. Masuwerte ka nga't pinansin ka pa ulit n'on! Dali! It's your time to shine, beshy!!!" kinikilig na hinihila siya ng bestfriend niya. "Ah-ahmm, nagbabasa pa ako," pagdadahilan niya pero pinilit lang siya nitong tumayo at itinulak palabas ng classroom. "Uy, ano ka ba? N-Nakatingin sila Camille," sabi niya. "Ako na ang bahala sa bruhang iyon, wala naman siyang magagawa at sa iyo nagpasama si prince Ice kaya naman sumunod ka na lang at magnilandi ka ro'n! Galingan mo! Fighting!!" advice pa nito na kinikilig talaga. Minsan gusto na lang niya na wala na lang siyang bestfriend kaysa sa isang ito dahil hindi niya alam kung nasa katinuan pa ito o sadyang baliw lang talaga kaya ganyan ang inaakto. Nang ma

