Chapter Nine

1401 Words

DAHIL sa kalokohan ni Ice noong nakaraang araw ay iniiwasan siya ni Dara sa school. Kung wala siya sa room nila ay nagpupunta siya sa library para tumahimik ang buhay niyang ginugulo ng lalaki. Si Ice naman ay busyng-busy sa pagngiti at pagpirma ng mga album at photocard na dala-dala ng mga estudyanteng babae na nakapila sa loob ng classroom nila pero wala sa kanila ang atensiyon niya kundi na kay Dara. Bakit hindi man lang niya ko kinakausap? tanong niya sa kaniyang isip. Nakita na nga niyang napapalibutan na ako ng mga babae tapos ni hindi man lang siya lumilingon dito sa kinauupuan ko. Okay lang ba sa kaniya na maraming babae ang dumidikit sa master niya? Hindi ba siya nagseselos? Napasimangot siya. "Ice!" Nabalik lang ang kanyang atensiyon sa pagpipirma nang tawagin siya ni Camille.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD