"UHM, specially made for me," ngumiti lang muli si Ice pero nahagilap lang ng kamay ni Dara ang pipino sa ibabaw ng mesa kaya inihagis niya ito sa lalaki. "Oh! Ang brutal mo naman!" reklamo nito ng tamaan nga ng pipino. "Pasalamat ka at hindi kutsilyo ang naibato ko sa mukha mo kundi sira iyang maganda mong mukha!" sigaw niya sabay irap. Hindi niya kasi maipaliwanag ang kaniyang naramdaman at naiinis siyang aminin kung ano man iyon dahil kinilig siya sa mga sinabi nito. Kilig nga ba ‘yon o inis? "So... inamin mo rin na magandang lalaki ako?" sabi nito na tumayo at lumapit sa kinaroroonan niya. “Sabi ko na talaga, eh.” Ngumiti ito sa kaniya. "Huwag ka lang talagang lumapit dito at tutuluyan kitang hagisan ng kutsilyo!" banta niya. Napasimangot naman ito at bumalik na muli sa pag-upo sa

