Simula

2951 Words
Twist Of The Wind Panimula "Cerene!" Naalimpungatan ako sa umaalingaw-ngaw na boses ni Ate Martha mula sa kusina, I took my phone from the desk and look at the screen only to see what time is it. My eyes widened after seeing the late notice, 7:00 na ng umaga at mga 30 minutes na lang ay ma-l-late na ako. I was stunned and couldn't move as I ambled outside my room, naabutan ko sa saktong oras si Ate Martha na bihis na bihis na. Bumukas pa lang yung pinto ay magkasalubong na ang kilay ni Ate Martha. Kinagat ko na ang ibabang labi at huminahon sandali. "Ate Martha... kagabi kase po.. natulog po ako mga alas dos na po.. tinapos ko yung project namin para sa Research." I clicked my tongue inside my mouth, muntikan na ako doon. Tutok na tutok sa akin si Ate Martha para basahin ang aking emosyon. Nako talaga si Ate Martha.. hindi talaga nagkakamali si Mommy at Daddy na siya ang umalaga sa akin.. Lumaki kase akong hindi sa bahay kasama ang mga pinsan ko sa Bicol at kundi ay dito ako sa Quezon. Iyong bahay doon ay mana sa aming magpipinsan nila Lola Ysabelle at Lolo Felipe kaya hanggang ngayon ay magkakasama pa ang ilan.. isa na sana ako doon sa mga makakasama ko sa aming magpipinsan pero hindi natuloy nang dahil hindi nakauwi sila Mommy at Daddy mulang Thailand dahil may minamahalang negosyo doon. "Aba, oh, sige na! Mag-ayos ka na at nakahanda na yung sasakyan.. papuntang Bicol," Napabuntong hininga ako matapos masigurong hindi ako nabuking. "Ate.. sige po." "Sige na, ha? Naghihintay na iyong mga pinsan mo doon, Cerene. May mga kabataan din doon na makikilala mo sa Bicol, huwag ka nga diyang magdadahilan ng ibang bagay na alam ko namang imposible." Oh, f**k. "Kagabi nakita kitang nag-eempake, hindi na pwede at baka isama talaga kita sa Bicol, ha? Kung inaaya ka ng mga kaibigan mo don sa pa-party, huwag na. Hindi ba at-" pinutol ko na ang sinasabi niya. "Ate.. hindi po, nag-eempake ako para sa pag-alis ngayon.." Kinumbinsi ko pa si Ate Martha at nahirapan pa akong magawa iyon. Nagawa ko naman subalit ay hindi ganun kadali, ako ay napa-upo bago simulang mag-ayos ng mga gamit namin. Sa katunayan ay kaya ako nahuli ng tulog ay dahil nag-empake talaga ako, bukod doon ay hindi ako gumawa sa research dahil last week pa namin iyon napasa. I was just busy watching videos or compilations on YouTube. Iyon ang totoo. Nakasuot ako ng T-shirt plain white at ripped jeans, ang sapatos ko ay Nike, pasalubong nila Mom and Dad from Doha Qatar. Si Ate Martha ay nasa labas na at nagpapay-pay, iniinitan na rin ako dahil mag-s-summer na ay mainit na talaga. "Aba, aba! Napaka-init talaga dito!" sabi ni Ate Martha. Tagiktik na talaga ang pawis sa kanya nang ako ay tumapak sa may gate na katapat lang din ng Van. Mainit talaga dito sa Quezon ngunit nasanay na ako. "Ate Martha, ayos lang po ba kayo?" tanong ko. Ang init init nga talaga! Parang gusto kong ilublob ang sarili sa tubig at magbabad kahit sandali! Dapat pala ay nag-charge ako nung fan para ma-save ang aking buhay. Sinundan lang ako ni Ate Martha habang papasok sa Van, binuksan ko lang ang bintana sa bandang gilid at si Ate Martha ay sa Shotgun seat lang umupo. Si Kuya Paul ang nag-drive ng sasakyan. Naka-tanaw lang ako sa labas ng bintana hanggang sa humapon na. Nagutom kami pero may baon kaming mga snacks at lunch foods namin na kagabi pang hinanda nila Ate Martha. Sabi pa nga ay baka mamayang madaling araw ay nandon na kami sa Bicol. Sumakit ang buong katawan ko dahil sa maghapong nakaupo pero maliban lamang sa mga oras na kami ay hihinto para lang mag banyo. "Ate Martha, paabot po ng tubig.." I favored Ate Martha. Tumama sa akin ang nakakasilaw na ilaw na mula sa mga street lights nang kami ay lumiko, mas masilaw ang mga ilaw kumpara sa ibang street lights na ilang nadaanan na namin. Ang sakit sa mata.. napaidlip lang ako sandali pagkagising ko ay mga alas tres na.. binilang ko ang ilang minuto bago kami makarating sa Pili. Malapit na.. Ilang beses pahinto-hinto ang sinasakyan naming Van kaya medyo late kami sa ngayon. Inabot na lamang sa akin ni Ate Martha ang tubig habang namumungay ang mga mata sa akin.. Pagod na si Ate. Bakit hindi pa siya natutulog? "Ate.." kinuha ko muna ang bottle bago siya kausapin. "Matulog na po kayo, kapag dumating na po ako sa bahay ay doon ako matutulog.. napaidlip na rin naman ako kaya ako muna ang mag-aasikaso kay kuya Paul." sambit ko. Mas lalong namungay ang mga mata ni Ate Martha sa sinabi ko pero halata na talaga ang pagod sa kanya. Her eyes are wet na dahil sa sobrang antok, I can help kuya Paul naman kaya ayos lang sa akin. I slept well for hours kaya ayos lang sa akin. "Sige na po.." pilit ko. Ako ay napangiti nang sunod-sunod siyang tumango sa akin. Kaya gaya nang sinabi ko ay ako nga ang umasikaso kay Kuya Paul. Nakatulog ako nang kami ay malapit na sa Ocampo kaya ay si Ate Martha na ang gumising sa akin habang malawakan ang ngisi sa kanyang labi. Huh? Nandito na kami? I caressed my eyes as I closed it shut again, ang hapdi ng silaw ng araw nang gumising ako. Aray naman! Ate Martha chuckled and taps my shoulder. I flinched a bit kaya tinawanan lang ulit ako ni Ate Martha. Ate kase! Nagulat talaga ako... "Halika na, labas ka na at naghihintay na ang mga pinsan mo." puna niya saka hinawakan ang aking palad. Sinundan ko ang sinabi ni Ate nang hawakan niya ako. "Mabato dito, hinay ka lang.." aniya. Bago kami pumasok ay may Pavilion muna kaming dadaanan at may daan na papunta sa mga maisan, ang daan na tatahakin ay patungo na sa lupa ng mga Aberra, our race. "Hoy! Halika nga dito! Bumalik ka nga dito, Grasya!" narinig ko ang malinis na boses ng babae, pagkalingon ko sa pinanggalingan ay isang matangkad na babae ang bumungad. Kulot ang kanyang buhok at itim iyon, maputi ang babae at nakakasilaw ang kanyang ngiti habang hinahabol siya ng isang dalagita. Mga kalaro ko ba 'to noon? I felt Ate Martha's hand tapped me on my arm, tiningnan ko si Ate. "Si Graciela, pinsan mo..." turo niya sa babaeng biglang nahinto nang dahil siguro sa narinig na tinawag ang pangalan niya. "Ah.. Ate Martha? Ako po?" She looks young but has matured look still, hindi gaya ni ate Martha na sa lahat ng anggulo ay matured na siya. Ate Martha is 22 and yet she's matured, para siyang magulang ko ever since tumayo siya bilang magulang ko. Napadaop ako at kinilingan ako ng babae. "Hi?" aniya. "Hi, Cera!" the girl a while ago spokes, bumilog ang mga mata ko dahil pamilyar sila sa aking dalawa. Kumakaway na sila pero naiwan akong tulala. Oh, god.. Sila na mga ito? Ang lalaki na! "Oh, gosh! Ang tagal na!" Napahalakhak kaming tatlo, si Ate Martha ay namaalam na mauuna na at dahil atat na daw sila Tita Kae at Tito Joey na makita kami. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi ng oras na iyon dahil ang laki na ng pinag-bago ng mga pinsan ko! "Barbie?" singit ni Liu. Iyong pinsan kong hinahabol si Graciela. Maputi din siya ngunit straight ang kanyang itim na buhok, parehong hanggang dibdib ang kanilang buhok kagaya ng akin, parehong bilugin ang mga mata nila and their defined jaws are so attractive. "Kuya Paul, Ate Martha! Mauna na po kami!" paalam ko. Kumurba ang matamis na ngiti sa labi ni ate Martha nang ako ay tanguan, kumaway-kaway akong namaalam kay Kuya Paul na nakangiti din sa amin. Kakaiba talaga dito sa San Vicente. Ang mga Lupa ng Lolo ko ay nandito sa Bicol mahahanap. Nilibot ng aking paningin ang kapaligiran at dumeretso na sa maisan. I flipped my hair and ambled towards the Acacia tree. May sangang nakaharang sa mabatong dinadaanan bago pa makapasok sa hacienda nila Lolo at Lola. Malawak ang lupa at maraming mga puno ang nakapaligid.. may mga puno na din ng mangga at mga buko doon. May ilan pang bahay na nakatayo at maraming mga bulaklak ang nakaokopya. "Sino-sino ang mga nandito, Graciela at Liu?" pagbukas ko ng usapin. "Nandito lang sila Lola at Lolo, tapos may ilan kaming mga ka-jamming dito.. may mga lalaki at marami pang-iba." ang sabi sa akin ni Graciela. Marami ba? Hindi ako marunong mag-bicol kaya mas mabuti pa na magbasa na lang ako.. kaso hindi naman pwedeng ganun na lang palagi. "Tara pasok!" anang Graciela. Pinasok ko at ni kuya Paul ang mga bagahe namin sa loob ng bahay, I was stunned when I peered around. Masyadong fresh dahil purong simento ang walls, wholesale solid wood flooring ang tiles. Purong wooden tiles at walang glass tiles ang nakaokopya sa inaapakan. May'rong dalawang palapag ang bahay ng pagmamay-ari nila Lolo at Lola. Wow! So refreshing! Gustong gusto ko talaga dito dahil nakakagian sa pakiramdam. Huminto na si kuya Paul sa may tabi ko at doon ko siya sinabihan na ako na bahala doon. "Salamat ulit kuya!" sambit ko. Kumaway ito nang papaalis na. Babalik siya dahil pupunta pa siya sa Terminal upang magtake ng 3 weeks break at makasama ang mga pamilya niya.. sa katotoohan nga ay kulang pa ang oras na iyon upang makasama niya ang kanyang pamilya. That's the only thing to set him free and to be with his family. Magandang magkakasama ang buong pamilya.. that's what I really wanted the most. "Doon sa ikalawang palapag ang kwarto mo, Cerene.. pwede ka naming samahan papunta doon tapos tutulong kami nitong si Liu na ayusin ang silid mo." pagpunto ni Graciela at saka ginagap ang mga bagahe ko. Lumapad ang ngiti nilang dalawa sa labi habang nasasayahang buhatin ang aking mga gamit. "Hanggang saan ang lupa Graciela?" I asked while following them from behind. "Grace na lang for short.." Tumango ako habang iniisa-isang ni-c-check ang mga trophies na nakakulong sa mga cabinet na may salamin. "Kanino ang mga ito?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Ah.. Kila Mama iyan, sa kanya iyang isa sa Ms. Ocampo." puna ni Liu. Napatango ulit ako, ilan sa mga trophies ay paniguradong sa division na ng sport fest. Tumikhim ako at pinagpatuloy ang paglakad papunta sa ikalawang palapag. Hinahawakan ko ang stair railings habang ako ay tumataas. "Mabigat, ako na sana po ang mga bumitbit ng mga gamit ko." nahihiya kong sabi. Umiling ng sabay ang dalawa at kahit nakikiusap ako ay hindi sila nakikinig sa isang sabi. "Okay na nga na kami, eh.. excited lang kami kaya ganito. Asahan mo na din na pagsisilbihan ka namin dito dahil ganun kami kapag may mga bagong dating.." Grace explained. Hindi na lang ako kumibo bago pa kami makarating sa tapat ng kwarto ko. "Nandito na...." Tagiktik na ang araw sa unang araw ko dito sa Bicol, gumising ako mga alas dose na. Nakahanda na ang mga kakainin sa hapag kaya saktong makakakain na ako. Nakakahiya pa at dahil nagising ako ay lunch time na. Ayos lang 'to, Cerene.. gumising ka na lang ng maaga sa sumunod na araw.. Gulo gulo ang aking buhok kaya nag-ayos muna ako, pumunta saglit sa banyo upang mag-ayos ng sarili. Matapos ng pag-aayos ay bumaba na ulit ako sa sala at nakisalo. Hindi ko magawang makisingit sa usapan dahil nandito na sila Tita Kae at Tito Joey. This is so awkward for me. Napalunok ako nang tawagin ako ni Lola. "Ilang taon ka na ulit, Cerene?" Mahinhin ang boses ni Lola sa akin. Kahit hindi ako sanay na makipag-usap sa mga matatanda ay natitiyak akong may respeto pa rin ako. Tumingala ako kay Lola na nasa harapan ko lang at ginantihan ang kanyang matatamis na ngiti. "Sixteen po, 'La." sagot ko. "Wow.. dalaga na talaga! Naku, noon napakabata mo pa at natatandaan mo pa ba na tuwing gabi ay bumibisita ang Dad mo sa Sabang para mamingwit ng mga isda?" pag-open ni Lola ng usapin. Wala akong ka-alam-alam dahil sa pagkakatanda ko ay hindi si Daddy madalas na pumunta sa dagat.. hindi siya mahilig mangisda. Ang tanging alam lang niya ay sa business niya. I have no ideas about it, kahit ano.. wala akong alam. Wala akong masagot at kaya napahalukipkip ako sa kinauupuan. Narinig ko ang sunod sunod na buntong hininga ng lahat. "Lola.." Mahinhin ang pagkakatawag ni Liu kay Lola. Hindi ako tumingin sa kanya at nakangiti lang akong sumisimsim sa iniinom kong maligamgam na tubig. Kahit paano ay hindi ako nakakaramdam ng pangamba kapag sila ang kaharap ko.. medyo nakakaramdam.. ngunit alam kong hindi ito tatagal at masasanay din ako. "Tara na, Cerene! Nakahanda na ang sasakyang Tricycle!" nagmamadaling utas ni Ate Martha nang kami ay nakalabas na ng Hacienda. May isang bakuran ang aming nilakad palabas bago muli naming marating ang Pavilion, bumungad sa amin ang ilang mga studyanteng naka-uniporme na. I heard them murmuring when I came out from uor hacienda. Ang mga babae ay nagtipon-tipon habang sinusulyapan akong palabas ng open way sa Pavilion. I am wearing a plain shirt and black skirt, naka doll shoes akong itim na syang lumilikha ng ingay sa tuwing humahampas sa lapag ang takong nito. Lugay na lugay ang aking itim na buhok at dahil basa pa ito. Winds flew as we walked to the waiting shed. "Section A ka, Cerene.. ihahatid kita sa room mo at ako ay pupunta na sa amin." tinanguan ko si Grace. The atmosphere is so awkward for me lalo't halos lahat ay naka-uniporme na at maliban lamang sa akin.. it was like I am the center of attraction. Ganito lang talaga ito dahil nakakapanibago.. wala naman akong kailangang ipangamba sa mga susunod na panahon dahil ganitong ganito ang dadanasin ko.. masasabay ako. Ilang beses kong inulit iyan sa aking isipan para mabawasan ang tensyon sa aking paligid. I heavily sighed. "Kuya, Manuel!" napasigaw sila Liu nang tawagin ang isang nagmamaneho ng Tricycle. Lumantad ang malapad na ngiti sa labi nito nang makagawi sa aming harapan. Dito 'ata kami sasakay? Nagbatian ang lahat maliban lamang sa akin, magkakilala na siguro ang mga ito.. "Sakay na kayo.. magagandang mga anak! Tara!" malalim ang boses ng sinasabing si Kuya Manuel, isang beses siya sa akin napatingin at sa una wala lang iyon. Naibalik niya ang mga mata ss akin at napaisip. "Pinsan mo namin, Kuya.." inunahan na ni Grace. Pareho kaming napasinghap at ako ay lumapit upang magmano. "Pumasok na kayo.. naku, ang Anak ko ay kanina pa nauna sa eskwelahan kaya maaga ako ngayon!" pagk-kwento niya. Isa-isa kaming pumasok. Ang dalawa ay sa loob habang ako ay sumampa sa may likuran ng pagmamanenohan ni Kuya Manuel. Naglakbay ang kanang palad ko at pinasadahan ang basa ko pang buhok. Nakarating kami saktong mag-f-flag ceremony pa lang. Naabutan ko ang ilang guard na walang labis na taga-check sa mga ID's ng mga pumapasok. Wala akong ID! Kinakabahan akong huminto sa tapat nila. Sila Grace at Liu ay naghahagilap na ng ID sa bag nila. "Transferee po ako," sambit ko. Parang sa isang snap lang ay pinapasok na ako ng mga guards. Naiwan sa labas ang dalawa kong pinsan kaya kailangan ko pang maghintay sa tapat ng Guard's house. Huminga ako ng malalim nang makita ang nagkukumpulang mga studyante sa gitna ng field. Doon 'ata gaganapin ang Flag ceremony, I shrugged and rubbed my cheeks. Napasulyap muli ako sa gate at napagtantong nakapasok na sila. Umamba akong maglalakad na ngunit napasama ako sa isang grupong naka-line na sunod-sunod na naglalakaran patungo sa field. Halos mahulog ko pa ang sling bag kong itim nang magsampahan ang lahat sa linya. Tumingkayad ako para makita pa ang mga pinsan ngunit huli na ang lahat nang magtipon sa sumunod na linya ang mga naka knee socks na mga babae, may logong nakatatak sa gilid ng blouse nila na SSC. "10 SSC! Line up.." untag ng babae. She's petite, maliit ang boses niya. Nakasuot ng salamin na may grado. Nakatali ang kanyang kulot na kayumangging buhok at ang kanyang blouse ay tucked in sa itim na skirt. "Girls and boys... ayusin niyo ang line niyo.." sunod na narinig ko sa gurong ito ay pinarangalan ang mga kasabay ko sa linya. Nasa hulihan ako at malayo sa unahan ng mini stage. Nagkukumpulan pa rin ang karamihan kaya nabulabog nang magsalita ang matabang lalaki na may salamin din. "Happy Monday!" Nagsimulang mag opening ceremony ng mga oras na iyon. Kahapon ay nagising ako mga alas dose na ng lunch time. Kanina nagising ako maagang maaga. And now that I'm in a big trouble pa dahil hindi ko alam kung saan ako lalagay! Everything is so new to me. The people are so new to me! "Okay.. dear school mates.. Let us bow our head and pray together." Tutom ang aking labing nakayuko sa linya. Kahit hindi ako sigurado sa pinipilahan ko ay go na go pa rin ako. May nasagip akong mga nagmamasid kaya nakihalo na lang ako. Kahit subukan kong lumipat ng ibang pwesto ay hindi ko na magawa pa dahil nagsimula na ang Flag ceremony. I almost forgot to put my hand on my left chest! Ginawa ko kaagad iyon at nagpapasalamat na walang nakapansin. After the ceremony ay panunumpa naman ang sunod. I lifted my right hand in the air, sinusunod ang sinasabi ng naka-lead sa mini stage. I've seen a lot of badges of SSC on their upper part of their uniforms. Siguro ay marami talagang SSC dito. Just guessing? I don't even know anything about SSC. Soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD