Chapter 17

1760 Words
WE HAD NO idea where we are at this moment. All we know is we're surrounded by weird looking trees that are covered in snow. Naligaw kami at hindi na namin alam ang daan pabalik. Nasa 'di kalayuan si Sythe at panay ang kanyang pagmumura. Sinisisi niya si Devon na kami ay napadpad sa lugar na ito. Kahit na anong sigaw ni Sythe ay hindi siya pinapansin ni Devon. Ewan ko nga sa kanilamg dalawa kung bakit tila hindi nila gustong makasama ang isa't isa. Para silang aso't pusa. We are left with no choice but to stick with each other. "It is your fault, Devon! If you didn't tell me to turn left we shouldn't be here!" "Ang ingay mo," malamig na sagot ni Devon. Pinigilan ko ang aking sarili na matawa nang mapansin ang pamumula ng pisngi at leeg ni Sythe dahil sa inis. Nakakuyom ang kanyang mga palad habang tinatapunan ng masamang tingin si Devon. Tumalon sa aking balikat so Maui at umupo. Pinagmamasdan niya ang kanyang amo na tila nawawala na sa katinuan dahil sa sobrang galit. "You think he'll be fine?" pabulong na tanong ko sa pusa. Maui hissed at me but she licked my face and yawned before hopping into my head to sleep. "That's not nice, Maui. Ginawa mo akong higaan. You should go to Sythe and calm him before he does anything stupid." Nanatiling natutulog si Maui na tila hindi naririnig ang aking sinabi kaya napailing ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiling nang dahil sa aking mga kasama sa paglalakbay. All I wanted is to find Morana, not to be stuck in this situation. "Watch out!" Sythe shouted so loud that Maui's nails dug unto my flesh. Binalingan ko ang tinuro ni Sythe at nakita ko ang malaking kahoy na lumilipad patungo sa aking direksyon. Walang pagdadalawang-isip na dumapa ako saka hinawakan ang likod ng aking ulo upang protektahan ang aking sarili. Paglingon ko kay Devon at Sythe ay nakita ko na silang nakikipaglaban sa mga nilalang na walang mukha. Sapantaha ko ay nasa siyam na talampakan ang kanilang taas, ang katawan nila ay katulad ng sanga ng mga puno subali't kulay pula, may mahaba silang buhok na kulay puti at ang kanilang mga kamay ay umiilaw. Devon and Sythe was using their abilities but I noticed that they're lacking. Tila hindi nila alam ang kanilang gagawin. "Cessair! Get out of here! Run!" sigaw ni Sythe sa'kin. Nanlalaki ang mga mata niya nang balingan niya ako ng tingin, bakas ang takot at pag-aalala sa kanyang mukha. While Sythe was trying to get me out of this place, Devon was blocking all the attacks that were for me. Kaya naman ligtas ako at walang galos, ngunit kahit nais ko silang tulungan ay hindi ko magawa dahil may isinuot si Sythe sa aking kamay, isang pulseras na gawa sa itim na bato. Sa tuwing gagamitin ko ang aking kapangyarihan ay umiilaw ito at tila nagbibigay ng kuryente sa aking katawan. "Remove this, Sythe! Kaya ko silang pigilan!" angil ko sa aking kaharap. But he remained stoic, he didn't even flinched when I push him away. He was just staring at me blankly, like he was telling me to behave and act like a normal person. "Just go!" Sigaw niya sa akin. I can see the fury in the depth of his eyes, so I had no choice but to run away... even if it was against my will. Maghahanap na lang ako ng paraan upang matulungan silang dalawa na hindi ginagamit ang aking kapangyarihan. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo palayo hanggang sa maalala ko si Amarinthia. I know she could help me. Subali't likas na mahirap hagilapin ang tulad niya kaya mahihirapan ako. Maaaring malagay sa kapahamakan ang aking mga kasama kapag nagtagal pa ako nang ilang minuto. Tinaas ko ang aking kamay at masamang tiningnan ang pulseras. Sa tingin ko ay masisira iyon gamit ang lakas. I inserted two fingers in the bracelet that I'm wearing before heaving a deep sigh. "Walang mawawala kung susubukan ko." Buong lakas na binaklas ko ang pulseras ngunit hindi ito nasira. Lumabas bigla ang itim na guhit at pumasok iyon sa aking balat. Umawang ang aking labi nang maramdaman ko ang biglang paggapang ng hindi maipaliwanag na hapdi mula sa aking palapuluhan patungo sa aking dibdib. "f**k! I need to break this thing!" I frustratedly ran my fingers through my hair as I lick my lower lip in anxiousness. "They're safe." Natigilan ako sa ginagawa kong pagsira ng pulseras dahil sa malamig na tinig na aking narinig. I slowly diverted my gaze to my left side and I saw Amarinthia standing there, elegantly standing while twirling her hair. "What do you mean they're safe?" nagtataka kong tanong sa dalaga na aking kaharap. Mahirap paniwalaan na sila ay ligtas sapagkat dehado sila sa pakikipaglaban. Amarinthia didn't bother answering my questions, she just sat on the big rock with a mischievous smirk on her face. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngunit batid kong hindi iyon nakakatuwa. "Don't worry, Cessair. The deity of fire saved them. Hindi naman namin pababayaan ang mga nilalang na siyang nagpapanatili ng kapayapaan sa aming lahi." She stopped playing with her hair and she tilted her head. Mukhang may pumasok sa kanyang isipan kaya siya natigilan. Inayos niya ang kanyang buhok saka tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. Bigla na lamang siyang tumakbo palapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. "Pighati," she whispered. My body frozed and my mind went blank. There's only one person who calls me pighati, and it was Morana. How did Amarinthia know about it? "Help me, please. I'm dying." Nanginginig ang aking mga kamay habang unti-unti ko itong inaangat upang hawakan ang kanyang balikat. "Pighati, I need your help." Her voice cracked and she began to cry on my shoulder. I panicked because I don't know how to react. All I can hear was her painful sob. "Cessair! Lumayo ka sa babaeng 'yan!" "She's fooling you!" Naririnig ko ang sigaw ni Devon at Sythe ngunit hindi ko magawang sundin ang sinasabi nila. All I want to do is to protect this woman. She's Morana and I'm going to save her. Niyakap ko siya nang mahigpit saka nilayo sa aking mga kasama na pilit na nilalayo si Amarinthia sa akin. "Take me away from her, Pighati. Hirap na hirap na ako. I want to be free." Sa tuwing babanggitin niya ang salitang pighati ay bumibilis ang t***k ng aking puso. I carried her and began to run away but Sythe used his power to stop us. He keeps on throwing light arrows and it almost hit Amarinthia's face which angered me. Tumigil ako sa pagtakbo saka nilabas ang aking pakpak. Devon wasn't around and I guess he's planning something to get Amarinthia away from me. Sythe stilled and was frozen on his place as he saw me. Batid kong hindi niya inaasahan ang laki ng aking pakpak na halos umabot nang dalawang dipa at sumasayad na sa lupa kapag pinapagaspas ko sa kahanginan. "I don't want to hurt you, Sythe. Kaya hayaan mo na akong iligtas si Morana," sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. He was hesitant at first but he let me go. "I'll waut for you to come home." Iyon ang sinabi niya bago siya maglaho sa aking harapan. Buong akala ko ay hahayaan niya ako ngunit bigla na lang siyang lumitaw sa aking harapan at kinuha si Amarinthia mula sa aking pagkakabuhat at hinagis palayo. Sythe pushed me with his powers that I ended up flying in the air. Dahil hindi ko napaghandaan ang kanyang atake ay bumagsak ako sa lupa. Sinubukan kong itukod ang aking mga siko upang hindi ako masubsob ngunit ginamit niya muli ang kanyang kapangyarihan. He used the wind to create a rope and he tied me, so tight that I can't even move. "Stop pretending to be Morana, Amarinthia. Huwag mo nang gawin pa ang binabalak mo kung ayaw mong masaktan. I'll be the one to kill you if you try to talk to him again," banta niya sa babae kaya kunut-noong tinapunan ko siya ng tingin. Nagawa kong sirain ang tali na gawa sa hangin ngunit nang subukan kong tumakbo ay may lumitaw na pader sa harap ko. The walls are invisible and it's quiet powerful because I can't use my power. It was blocking my ability. I'M GLARING at Amarinthia but she was just smirking playfully. She must be enjoying what she sees. "Gagawin ko kung ano ang nais kong gawin, Sythe. You can try and stop me but you won't succeed. Lalo pa't alam ko na ang kahinaan ng alaga mo. I can kill him while making him trust me," she nonchalantly said and teleported inside the box where Cessair is. Nagngitngit ang aking kalooban lalo na nang hawakan niya ang kamay ni Cessair saka may ibinulong siya dahilan upang mahipnotismo ang binata at mawala sa sariling katinuan. She laughed so loud that it break the invisible walls that I built. "He's mine now, Sythe.You can't take him away from me." She laughed again like she was teasing me. Ako ang malalagot kapag hindi ko nailigtas si Cessair. Tiyak na papaslangin niya ako. "Sythe cannot take Cessair from you, Amarinthia... but I can't. Don't you dare underestimate my power." Sabay kaming napatingin ni Amarinthia sa babae na kadarating lang. I know that it was he because she was wearing her golden gloves that I gifted when I was five years old. Bigla aking nabuhayan ng loob dahil nakita ko siya. "And who the hell are you?" nagmamalditang tanong ni Amarinthia saka binato ng apoy ang babae. The latter manage to dodged the attack, in a simple snap Amarinthia was now rolling on the ground while touching her neck. "Die," she whispered and in a blink of an eye, Amarinthia stopped breathing. "Do your job properly, Sythe. I don't want this thing to happen again," she strictly said and vanished with Amarinthia's body. Nang mawala sila ay saka lang din bumalik si Devon na pawisan at kasama ang second Ruler na si Morrigan. "Why did you bring me here?" Morrigan asked coldly, and when our eyes met she raised her brow and left. Napailing si Devon saka ako nilapitan. Tinapik niya ang aking balikat at nagtatanong na tiningnan ang aking mga mata. "I killed her already. Buhatin mo na si Cessair, kailangan na natin siyang maiuwi dahil baka kung sino pa ang umangkin sa kanya," sabi ko saka natawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD