HINDI PA sumisikat ang araw ay nagsimula na kami sa paglalakbay gamit ang aking kotse. Nasa passenger seat si Devon, tahimik na kumakain ng tinapay na nabili namin sa convenience store. Samantalang si Sythe ay tahimik na nagmamaneho, subali't magkasalubong ang kanyang kilay at tila hindi maganda ang gising. Nasa backseat naman ako kasama si Maui na natutulog sa aking hita.
"Nakatitiyak ka ba na nasa bukid ng Asmon mahahanap si Morana o kaya si Cozbi?" masungit na tanong ni Sythe. Puno ang bibig ni Devon kaya hindi siya makasagot, dahilan upang lalong mainis ang kanyang katabi.
"Just drive, Sythe. Don't waste your energy into starting an argument with Devon." Tumingin ako sa rearview mirror upang makita ang kanyang mukha at napailing dahil nag-isang linya na ang kanyang kilay.
"Devon, stop eating! Answer me!" Hindi na napigilan ni Sythe na mapasigaw sa inis. Kinuha pa niya ang hawak ni Devon upang hindi masubo ng huli ang kanyang pagkain.
Devon frowned at him but he didn't dare to open his mouth to speak.
"Just shut up, Sythe. Don't talk, please don't try to ruin my morning. For heaven's sake!" kunwa'y galit kong sabi upang tumigil siya.
Maui purred before getting up to stretch her body, she started licking her feet and meowing before turning around to go back to sleep.
"See, even Maui is irritated because of you."
Nang ibaling ko ang tingin sa rearview mirror ay nakita kong nakasimangot si Sythe samantalang si Devon ay palihim na nakangisi. Talagang hindi sila magkakasundo.
Sythe decided to shut his mouth, but Devon started to annoy him. So they ended up arguing until we reached the highest peak of the mountain called Asros. A mountain where the deities are living peacefully.
Kunot-noong napatitig ako kay Sythe at kay Devon na kalmadong sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri.
"I thought we're going to Asmon mountain? But why are we here in the Asros." Nakatitiyak akong narinig nilang dalawa ang aking tanong ngunit walang ni isa ang nagtangkang sumagot.
"Okay?" I said hesitantly after a few seconds of silence.
"We're here to ask some help," sagot ni Sythe bago niya tapikin ang balikat ni Devon.
Sabay-sabay kaming bumaba sa kotse at nagpalinga-linga upang magmatyag sa kapaligiran. Checking if there's a danger around the corner. Nang matiyak na ligtas ay nagpatuloy kami sa paglalakad. Umiihip ang malakas na hangin ngunit hindi manlang gumalaw ang dahon sa mga puno. Sa kabilang dako ay makikita ang bulkan na bumubuga ng nagbabagang putik. Ang tubig na dumadaloy sa batis ay kulay asul at ito'y kumukulo kahit na malamig.
Bawat elemento sa lugar na ito ay may kanya-kanyang buhay. They are the deities that was in their element form. Ngunit hindi sila ang hinahanap ni Devon, kundi ang elemento ng katotohanan. The deity of truth is the rarest, kaya tiyak na mahihirapan kami sa paghahanap.
"How can we know if it's the deity of truth?" Sythe asked in a stern voice while watching the water continuously flowing on the stream.
"Hindi ko rin alam, basta nagpapakita lang siya kung kailan niya nais."
Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa sinabi ni Devon. Talagang wala akong maaasahan sa dalawang ito.
We wandered around the vicinity just to look for a deity, but she's hard to find. Habang naglalakad kami sa gitna ng kagubatan ay napansin ko ang isang bulaklak. Nasa likod ito ng mayabong na damuhan. Kulay itim ito at may guhit na kulay ginto sa talulot. Ang kanyang dahon ay kulay itim din. Nakapagtataka lamang na hindi ito gumagalaw kahit na malakas ang pag-ihip ng hangin.
"Cessair, what are you doing? Hurry up!" may bahid ng inis na sabi ni Sythe. I hesitantly walked towards them, I have a gut feeling that the flower is a deity.
"Nay bumabagabag ba sa iyong isipan?" tanong ni Devon nang magkasabay kami sa paglalakad. I started shaking my head to respond. My head is in turmoil as we're walking away from the flower.
Muli akong napailing at nagdesisyon na bumalik. Tinapunan ko ng tingin ang dalawa na nagbabangayan nanaman. Sa tingin ko ay hindi nila mapapansin kapag nawala ako, kaya naman sasamantalahin ko na ang pagkakataon.
I used my speed to go back to that place, only to see that the flower isn't there anymore.
"Where did it go?" I asked in confusion while scratching the back of my head. A sudden light flashed right into my eyes for a split second and I turned blind for a moment. As I open my eyes, I saw a woman standing in front of me. She's wearing a black dress, her golden hair is like a sun that shines brightly, her lips is as red as blood, and her skin is pale just like a snow that falls every winter.
The woman that was standing in front of me is an embodiment of what we call beauty.
"Leave."
Bigla akong natauhan nang marinig ang kanyang boses. Pinapaalis niya ako, ngunit bakit? Hindi ko nagawang tanungin ang dahilan dahil bigla na lang siyang naglaho at nang ibaling ko ang tingin sa lugar kung saan ko nakita ang bulaklak ay nakita ko siya na unti-unting nagbabagong anyo.
"Miss! Kailangan kitang kausapin!" sigaw ko bago pa man siya tuluyang bumalik sa pagiging bulaklak.
She slowly tilted her head and examined my face. It feels like she is observing her prey.
"Leave, Cessair. You shouldn't be here."
Nanlaki ang aking mga mata na nakatitig sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ko. Tinuro ko ang aking sarili saka bahagyang natawa.
"You know me?"
She remained silent but her eyes says a thousand of words.
"You know me?" I asked for the second time but she kept her silence.
Naglakad ako palapit sa kanya ngunit bigla na lang siyang naging bulaklak. Narinig ko ang bangayan ng dalawa kaya batid kong papalapit na sila, marahil ay iyon ang rason kaya siya nagbagong anyo.
"Bakit ba kasi hindi mo binantayan si Cessair?"
"Why are you blaming me, Devon? Cessair is with you when you lost him!"
Napahugot ako ng malalim na hininga. Walang katapusan ang kanilang pag-aaway, kailan ba sila matatapos?
"I'm here, stop shouting," sabi ko nang dumaan sila sa aking harapan. Sabay pa silang napalingon sa akin at nanlaki ang mata nang makita ako. Mukhang hindi nila inaasahan na dito nila ako makikita.
"Why are you here?"
"Bakit ka nandito?"
Ituturo ko sana ang bulaklak nang may marinig akong boses sa aking isipan.
"Leave, Cessair. Don't tell them."
Pasimpleng tinapunan ko ng tingin ang bulaklak saka hinila ang dalawa palayo. Kung iyon ang kanyang nais ay hindi ko na siya gagambalain pa.
Eazare managed to bring Aine back to his place. However, he is bothered by the huge difference in woman beside her. Tahimik ang dalaga, hindi tulad nang dati na maingay at mahilig magbiro. She was also cold towards him. Naisip tuloy ni Eazare na baka galit sa kanya ang dalaga dahil sa nangyari. He didn't suspected his brother because he had so much trust in him.
Wala siyang kamalay-malay na pinalitan ni Agathon ang kaluluwa na nasa katawan ni Aine. So basically, he's not with Aine, because the real Aine is inside the necklace that she was wearing.
Sigaw nang sigaw ang dalaga upang kunin ang pansin ni Eazare, ngunit dahil sa kapangyarihan na nakabalot sa kwintas ay hindi siya naririnig ng binata. Abala siya sa pag-aasikaso sa huwad na Aine.
While on the other hand, Agathon was celebrating his simple success. Kapag sumapit ang kabilugan ng buwan ay tuluyan nang mawawala si Aine sa kwintas, mapupunta ang katawan niya sa babae na kanyang pinaslang.
Agathon was desperate to make her his wife. Kaya kahit na pagtaksilan niya si Eazare ay hindi siya nagsisisi. Agathon is selfish, and he doesn't think about the consequences of his actions. Hindi gaya ni Eazare na may malasakit sa ibang nilalang at gagawin ang lahat mapasaya lang ang mga ito. That's the reason why he is leaving in the forest and giving abundance. While Agathon would pretend to be him and hunt a lot of humans to strengthen his power. Iyon ang ginagawa niya kaya maraming tao ang tumigil sa pagpunta sa gubat upang kumuha ng pagkain.
"Why are you smiling, Agathon? Nabalitaan ko na narito ang iyong kapatid na si Eazare. Where is he? I want to see my son," ani ng dyosa. She is Moriana, the goddess of nature and the mother of Eazare and Agathon.
She is not powerful but she can control any types of plants, the water, and even the ground. She is sweet and friendly, and that's the trait that Eazare inherited.
Agad na sumama ang loob ni Agathon sa ina. Simula nang bata pa sila ay laging nakatuon kau Eazare ang kanyang atensyon. He won't admit that he is jealous, he just thinks that it was unfair.
Huminga siya ng malalim at tinalikuran ang ina. Moriana was used to it, but it is still painful for her that her first born is ignoring her.