IT IS COLD and dark. The silence is terrifying, the wind feels strange, and the place is eerie. Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa lugar na ito, basta na lamang ako nagising mula sa malalim na pagkakatulog nang maramdaman kong nagbago ang temperatura sa aking paligid.
"Hello? Is anybody here?" I asked, hoping to get some answer but no one's answering me. I'm trying my best to remain calm because whoever they are, I don't want to smell my fear. They might hurt me.
Natigil ako sa paglalakad nang umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na tawa na nagmumula sa isang bata. The laugh sounds like it came from the underground. Binilisan ko ang paglalakad na halos madapa na ako, ngunit mas lalo lamang lumakas ang tawa at papalapit na ito sa akin.
Umihip ang malakas na hangin na siyang dahilan kaya ako natumba sa lupa at nagasgas ang aking siko nang itukod ko ito sa maalikabok na kalsada.
"Run, I'm going to chase you!"
Nanginig ang aking kalamnan nang may malamig na bagay na humaplos sa aking pisngi, mas lalong napuno ng takot ang aking dibdib dahil nararamdaman kong may nakaupo sa aking balikat. Isang batang babae na may mahabang buhok.
"Ahhh!" I shouted out of fear after seeing the blood dripping down on the child's face. She's scary and I was about to lose my sanity when she smiled at me and I saw her teeth that was made of razors.
"Stop it, Mila. You're scaring the human."
Napatingin ako sa kadarating na lalaki. Nakasuot siya ng itim na damit at may dalawang espada na gawa sa kahoy. Subali't tiyak ako na espesyal iyon dahil may kakaiba akong naaamoy. Isa rin ba siya sa nilalang na tulad ng batang nasa balikat ko?
"No, I am not an evil spirit. I'm here to bring her back to the Underworld," sabi ng lalaki. Napatanga ako dahil sinagot niya ang tanong na aking sinabi sa isipan ko.
Napaatras ako ng iangat niya ang hawak na espada at akmang ihahampas sa akin. Naipikit ko ang aking mata at tinaas ang dalawa kong kamay upang sanggain ang kanyang atake, subali't lumipas ang ilang segundo ay walang nangyari. Nang imulat ko ang aking mata ay wala na silang dalawa.
"Go home." Napatingin ako sa aking likuran nang makarinig ng boses. Dali-dali akong tumakbo hanggang sa marating ang aming bahay.
NAKATITIG LANG ako sa dalaga na nakayuko habang hawak ang kanyang dibdib. Tiyak akong takot na takot siya dahil sa kanyang nakita at baka magkasakit pa siya. Kaya naman palihim na pumasok ako sa kanilang tahanan at hinanap ang kanyang silid. Iniwan ko ang isang kahon na may laman na luya. Hindi ito isang simpleng luya, dahil ito ay may kakayahan na alisin ang masama niyang alaala tungkol sa masamang espirito na kanyang nakasalamuha.
Ang luya na iyon ay ang aking tinatanim sa hardin na nasa likod ng aking pamamahay. Mabuti na lamang at nabuhay ang mga iyon. Ang luya ay galing sa isang babae na minsan ko nang niligtas nang siya ay muntikan nang masagasaan ng 16 wheeler truck. Hindi ko malilimutan ang kanyang mukha.
Her fair complexion, her red curly hair, her blue eyes, and her sweet voice that sounds like a lullaby. Sana ay muling magtagpo ang aming landas upang siya ay aking mapasalamat dahil ang binigay niya ay nagagamit ko upang makatulong sa ibang mga tao.
"Maui!" bulalas ko nang tumalon ang pusa ni Sythe sa aking harapan.
Sythe also appeared out of nowhere and he was grinning at me.
"You helped that little girl. Now she thinks that you might save her again if she encountered another evil spirit. Tsk, she has a crush on you. Iba ka talaga, Cessair."
Tinalikuran ko na lamang si Sythe dahil wala akong panahon na makipagtalo sa kanya. Nagtungo ako sa aking silid saka kinuha ang aking telepono. Nagpasya akong tawagan si Devon sapagkat ayon sa kanya ay hindi pa rin nagpaparamdam at nagpapakita si Cozbi.
Mahalaga si Cozbi kay Morana kaya kung sakali man na nasa panganib ang kanyang buhay ay tulungan ko siya.
I have to find the two of them but there's a lot of things to settle first. Sa tuwing tatangkain ko na hanapin si Morana ay nagpapakita na lang bigla ang mga masasamang espirito, kaya nawawala sa aking isipan ang dapat kong gawin.
"Cessair? Napatawag ka? Do you need anything? Is there any problem?" sunud-sunod na tanong ni Devon sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako, para siyang isang ama na nag-aalala sa kanyang anak.
"I just called to inform you that I'm going to help. Hahanapin natin si Cozbi at Morana. Nang sabay nating mawakasan ang pagkalat ng mga masasamang espirito sa mundo."
"That's deep," he said in a soft voice. However, Devon agreed to help me. Kaya naman pinagplanuhan na namin ang gagawin nang sa gayon ay hindi masayang ang bawat minuto.
While we are talking, Sythe arrived and sat on the corner quietly, but I noticed how he stared at the telephone, like he was thinking something deadly. I slightly tilted my head coz' I'm wondering why he seemed so different when Devon is around.
"Iyon ang ating gagawin. Babalik ako muli rito upang masimulan na natin ang paghahanap sa kanilang dalawa. Susubukan kong humingi ng tulong sa aking kapatid."
Nag-isang linya ang aking kilay nang marinig ang sinabi ni Devon. Hindi ko akalain na mayroon pa pala siyang kapatid. Kunsabagay, ano naman ang pakialam ko?
"Okay, I'm just going to call you if I had something to say. Bye."
Tumango ako saka bahagyang ngumiti kahit na hindi ko nakikita ang mukha ni Devon. Tinapunan ko ng tingin si Sythe at napailing bago tuluyang tumalikod upang umalis ngunit natigilan din nang humarang si Maui sa harapan ko.
Sythe decided to break the silence.
"Where are you going? Can I come?" aniya. Nakatitig lang siya sa akin at hinihintay kung ano ang aking isasagot.
"No."
He started growling and his neck is turning red, he's annoyed because I wouldn't let him. Maui starting purring while looking at me.
"So the both of you are mad. Stay mad evil creatures," I mockingly said just to annoy them even more. I completely turned my back and smirked while walking towards the door.
"Sasama pa rin kami sayo!"
I shrugged my shoulders and left him without saying a word. Mas lalo lang siyang mangungulit kapag nagsalita pa ako.
I went to the mall to buy some things that I needed in my house. Napansin ko kasi na magastos si Sythe sa paggamit ng sabon, pati na rin sa pagkain. I often caught him in the kitchen with Maui but they are not eating.
Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may nakatitig sa akin sa bandang kaliwa kaya pasimple akong lumingon. Nagtagpo ang mata namin ng isang magandang babae. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi at kapansin-pansin ang pagkislap ng mata niya dahil sa tuwa.
Does she know me? I asked in the back of my mind before continuing to walk away. Subali't gano'n na lang ang gulat ko nang lumitaw siya sa aking harapan at basta na lang akong niyakap. Dahil sa gulat ay naitulak ko siya kaya napasalampak siya ng upo sa sahig. Lumingon ang ilang tao sa amin at napansin ko ang mapanuri nilang titig.
Right, I forgot how judgemental the society is. I offered my hand to the woman and gently pulled her up.
"Sorry, I might scared you. Ako nga pala si Satana. May I know your name?" tanong niya. Hindi pa rin nawala ang kislap sa mga mata niya. She seemed to like me very much that she cannot take her eyes away from me.
"I'm Cessair."
She giggled after hearing my name. She shyly tucked her hair in her ears and she clasped her hands while slightly swaying her body.
She likes me and I could tell base on her actions.
"I need to go, nice meeting you, Satana." Tinapik ko ang balikat niya saka nagmamadaling umalis ngunit napansin kong nakasunod siya sa akin. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa matapos ko ang pamimili. Kunwari ay wala akong alam na nariyan siya sa aking likod. Naglakad ako patungo sa banyo at pumasok sa isang cubicle saka naglaho papunta sa aking sasakyan.
I sighed heavily while putting the things that I brought on the passenger seat. Buti na lamang at hindi niya ako nasundan dito. Habang pinapaandar ko ang sasakyan ay may bigla akong naalala.
"I felt like I've seen her somewhere." I tilted my head thne shrugged my left shoulder to get her out of my mind.
AINE DECIDED to live with Eazare in the deepest part of the forest, away from the people that was after her. They live in serenity and abundance. Eazare fell in love with her sweetness, innocence, and bubbly personality.
Walang araw na hindi sila masaya. Nakalimutan ni Aine ang mga hinanakit niya pati na rin ang mga masasakit na pinagdaanan niya. Ito ang matagal na niyang pinapangarap, ang maging maligay kasama ng nilalang na tanggap kung ano siya.
Eazare would do anything for Aine... just to keep the smile on her face. Nagpatayo si Eazare ng malaking bahay malapit sa ilog dahil napansin niya na mahilig magtampisaw si Aine sa tubig, subali't ayaw ng dalaga na makita ang kanyang wangis.
"Why do you hate your reflection? You're beautiful, Aine." Malumanay ang mga mata niyang nakatitig sa mukha ng dalaga.
Aine frowned and snickered, "can't you see, Eazare? I have the face of the monster. Kaya madaming nilalang ang minimithing paslangin ako. It is because of this." Tinuro niya ang kanyang mukha. Hindi na nagsalita ang binata, hinila niya ang dalaga palapit sa kanya upang yakapin.
"But you're pretty to me." He kissed her forehead and tickled her to lighten up the mood.
Hindi nila alam na may nagmamasid sa kanila at naghihintay ng tamang panahon upang makuha ang kanyang nais.