Lumabas si Jeric sa kusina ng Cakehouse. "Saan po ako?" tanong ni Jeric na nakangiti. "Long time, no see," bati ni Andy. "Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Lester. "Nabalitaan ko po na kailangan nyo raw ng tulong. Ako po ang reliever po Ate medyo masama po pakiramdam nya," wika ni Jeric na tinali ang apron sa baywang nya. Nakalilis na ang manggas ng long sleeves nya hanggang siko. "Dito ka sa bar?" tanong ni Cienna kay Jeric. "Sa floor muna ka muna, Ric. Medyo mabagal ang floor works natin dahil kulang ang tao," wika ni Lester. "Ok po," ani Jeric na dinampot ang tray na may pagkain at dinala sa lamesang nito. Kaagad syang bumalik at dinala ang susunod na order sa lamesa nito. Nakatatlong balik pa si Jeric bago naubos ang nakapending na pagkain sa counter. "Maligayang pa

