Nagising si Luis sa kwarto. Nasa kamay pa rin nya ang kwintas nya. "Kuya Luis," bati ni Jude. "Keith, nasaan ako?" tanong ni Luis na dahan-dahang umupo. "East Palace. Mabuti at natagpuan nyo na po ang kwintas nyo," sagot ni Keith. "Binalik ng isang kaibigan. Iniwan ko ito sa kanya sa Esmeralda para pangalagaan sya. Kamusta ang base sa Esmeralda?" tanong ni Luis. "Nabawi po ng REU pero pinayo ni Tito Niño na pansamantalang iwanan ang base," sagot ni Jude. "Ang mga Templo?" tanong ni Luis. "Sa ngayon ligtas na po. May mga ulat po ng kakaibang kapangyarihan na nangalaga sa mga ito na bigla ring nawala," kwento ni Jude. "Sina Sally? Sina Theo?" tanong ni Luis. "Maayos na po ang grupo ni Meis Sally. Ginamot na po sila ngayon at nagpapahinga. Nakabalik na rin po sina Sir Theo at maayos

