Sa Rose Mansion Dalawang araw na nakaratay sa kama si Luis dahil hinang-hina pa rin ito. Nagkukuwentuhan sila ni Jude nang makaramdam sya nang isang matinding kabog ng dibdib na nagpabahala sa kanya. Isang tawag ang natanggap ni Jude. "Po? Opo. Sige po," ani Jude sa telepono. "Sino iyon?" tanong ni Luis. "Si Kuya Adrian po. Ipinatawag na po si Doc Drew," ani Jude. Nang marinig ang pangalan ni Doc Drew ay lalong kinabahan si Luis. "Anong nangyari?" tanong ni Luis na nabahala. "Isinugod si Rem sa ospital. Namimilipit po sya sa sakit. Tatawagan ko lang po si Papa," balita ni Jude. Lumabas saglit si Jude. Pagbalik nya ay nakaupo na sa gilid ng kama nya si Luis. "Anong gagawin nyo?" tanong ni Jude na nagulat. "Kailangan kong umalis," wika ni Luis. "Saan nyo po balak pumunta, Kuya?"

