Dumaan ang ilang araw at napalagay na ng kaunti sina Luis at Jeric sa palasyo. Minsan ay naglakad sa pasilyo ng palasyo si Jeric para hanapin ang daan patungo sa hardin. Habang naglalakad ay tinitingnan nya ang mga painting na nakasabit sa mga pader nito. Napatigil sya at nanlaki ang mata ng makita nya ang painting ng isang dalagang maganda at mahaba ang buhok. "Nandito ka pala. Kanina pa kitang hinahanap," wika ni Luis. "Kuya sino sya?" tanong ni Jeric na tinutukoy ang larawan ng babae sa pader "Bakit?" tanong ni Luis na tiningnan ang naturang painting. "Sya ang babaeng nakikita ko sa panaginip ko," sabi ni Jeric. "Jeremy sya si Mama. Si Prinsesa Jessie Ann ng Valle," ani Luis. "Mama!" ulit ni Jeric. Parang may sumilaw sa dalawa nyang mata nang mapapikit sya dahil sa flashes ng ala

