63

2446 Words

Pagkabalik nila sa palasyo ay kaagad namang ihinatid si Jeric sa kanyang silid. Makaraan ang ilan pang minuto ay pinuntahan sya ni Jude doon na magpapaalam sana sa kanya. Inabutan nya si Jeric na tinitingnan ang mga gamit na mula sa body bag nya. "Rem," tawag ni Jude. Napalingon si Jeric sa pinsan at ibinaba ang ID card na tinititigan nya. "Ikaw pala, Kuya!" bati ni Jeric. "Mukhang abala ka sa mga iyan," puna ni Jude. "Hindi naman po. May kailangan po kayo?" tanong ni Jeric. "Magpapaalam lang ako. Babalik muna ako sa Rose Mansion. Magtampo na si bunso kapag hindi ako nakapagpaalam sa kanya bago ako umalis," sabi ni Jude. "Aalis kayo?" tanong ni Jeric. "May karera ako sa susunod na linggo. May bootcamp kami kaya mawawala ako ng ilang araw," sabi ni Jude. "Mag-ingat po kayo. Hindi k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD