64

2663 Words

Unang araw ng pasukan. Malungkot na pumasok mag-isa si Zarah sa gate ng unibersidad. Naaalala nya ang paghihintay ni Jeric sa gate kaya napalingon sya sa madalas na paghintayan sa kanya nito. Sumilip din sya sa tambayan nilang kubo pero hindi nya nakita ito. Dumaan ang ilan pang araw at halos naka-adjust na sya ng kaunti sa schedule nya. Katatapos lang nila ng unang klase nila at bakante pa. "Pupunta muna ako sa canteen," anang isang kaklase nya. "Hintayin ko na lang ang klase natin sa kubo. Babasahin ko 'yung kanina. Medyo hindi ko kasi naintindihan," tango ni Zarah. "Ok. Kita tayo mamaya," anang kaklase nya. Nagtungo sya sa tambayan nila at nagulat syang nakita nya si Jeric na nagbabasa mula sa tablet nya habang nakasuot sa isang tainga ang isa sa earphones nya. Wala itong suot na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD