Nawala sa paningin ni Zarah si Jeric. Isang mama ang nagligtas kay Zarah na bigla silang naglaho sa lugar at lumitaw sa kalapit na bangko. "Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" tanong ni Jeric na suot ang Speedstar na cap na suot nya dati ng una nyang niligtas ang kaibigan. "Oo," sagot ni Zarah na nagulat. "You have a knack in finding trouble, Zarah," wika ni Jeric na napapailing. "Salamat," ani Zarah. "Sige. Dito ka muna. Kailangan ko nang umalis, maghintay ka dito ng tulong," sabi ni Jeric. "Teka ang kaibigan ko. Naiwan ko ang kaibigan ko sa loob. Nagkahiwalay kami kanina noong magka-stampede," nag-aalalang wika ni Zarah. "Sige, hahanapin ko sya pero huwag ka na munang umalis dito," bilin ni Jeric bago tumayo. "Ok. Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanongni Zarah. "I know things," an

