Isang pana ang pumigil sa pag-alis ni Korn tangay si Jeric. "Bitiwan mo sya!" galit na wika nang boses. "Sinong pangahas ang pumipigil sa akin?" ani Korn. Muling nagtangkang tumakas si Korn pero isang pana na malapit sa paanan ang tumama. "Nakalimutan mo na rin 'ata ako Korn?" tanong ni Arrow lumabas katabi si Fido. Nasa likod nya ang isang babaeng mas matanda sa kanya na nakasalamin at isang lalaki na parehong naka-REU uniform. "Narinig mo ang sinabi nya! Bitiwan mo ang binatang 'yan, kung ayaw mong dito matapos ang buhay mo," anang babaeng nakasalamin. "Arrow!" ani Korn na kinakitaan ng takot at hawak pa rin si Jeric. Nagsubok tumakas si Korn pero pinigilan sya ng babae gamit ang isang asero. Hinarangan din sya ni Fido. "At saan ka pupunta? Balak mong umalis agad?" tanong ni Pol

