May narinig na boses si Jeric na tumatawag sa kanya. "Jeremiah! Jeremiah!" anang boses. Napalingon si Jeric sa paligid at hinanap ang pinanggalingan ng boses. "Tinawag nyo po ako?" tanong ni Jeric na hindi makali. "Hindi. Anong problema?" tanong ni Echo. "Jeremiah! Jeremiah!" anang boses. Sa hindi nya alam na dahilan ay sinundan nya ang tinig palayo kay Echo. "Saan ka pupunta, Cowboy?" tanong ni Echo. "May pupuntahan lang ako saglit," ani Jeric bago naglaho. Samantala medyo tagilid ang pwersang nagbabantay sa Templo ni Esme. "Prinsipe Luis, umaatras na po ang mga kawal natin patungo sa bakuran ng templo!" wika ni Sally. "Masama ito," ani Adrian sa sarili. "Masyado silang marami," wika ni Sally. "Papasukin sa loob ng templo ang mga kawal. Ako na ang bahala," utos ni Luis. "Pum

