Kinabukasan naabutan ni Zarah si Jeric na nakatingin sa cellphone nya habang hinihintay sya. "Kanina ka pa?" tanong ni Zarah. "Hindi naman. Tayo na," sagot ni Jeric na naglakad kasabay si Zarah. Sinubukan muli nyang tinawagan ang kapatid pero walang sumasagot. "Sino ba 'yang tinatawagan mo?" tanong ni Zarah. "Just checking in kina Kuya Addy at Kuya Luis. Hindi kasi nakauwi si Kuya Addy kagabi. Hindi kasi ugali ni Kuya na hindi mag-iwan ng mensahe kay Ate," ani Jeric na nag-aalala. "Maayos lang si Kuya. Baka natambakan lang sya ng trabaho," wika ni Zarah. "Siguro nga," ani Jeric. "Natanggap mo ba ang e-mail ko?" tanong ni Zarah. "Oo. Salamat nga pala. Pero hindi ko nakuha 'yung page five," banggit ni Jeric. "Nalibanan ko 'ata. Teka lang ipapadala ko!" sabi ni Zarah na binuksan ang

