Nagising si Jeric ng madaling araw. Nangangalay ang balikat at braso nya. Mainit pa rin ang pakiramdam nya. Sinubukan nyang umupo pero walang lakas ang katawan nya. Napansin nyang nakaupo sa sofa si Jude at nakapikit. "Kuya Jude!" bati ni Jeric. Nagmulat at tumayo si Jude. Umupo ito sa gilid ng kama ni Jeric. "Bakit Jeremy?" tanong ni Jude. "Kuya tubig po," ani Jeric. Kumuha ng tubig si Jude at nilagay nya sa straw. "Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Jude. "Hindi po ako makakilos. Lambot na lambot po ako," wika ni Jeric. "Magrelax ka lang. Halos isang buong araw ka nang tulog. Epekto ng gamot na binigay nya para sa migraine mo at sedative. Tinaas ng doktor ang dosis mo dahil hindi mo na kinakaya ang sakit." ani Jude. "Parang bakal po ang katawan ko sobrang bigat," reklamo ni J

