Kinabukasan ay nagpulong ang konseho nang rebelyon. Naroon sina Sally, Jeremy at ilang mga ministro na nagsilbi sa ama nya - sina Ely, Randy, Benjie na ipinakulong ni Roman para makontrol ang kanilang kabisera at si Jose ang ministro na nagsisilbing espiya nila sa loob ng imperyo. Dumating din si Sol bilang kinatawan ng LeValle. "Nais ko pong ipaalam sa inyo na ang Le Coronacion del Roi ay magaganap dalawang araw mula ngayon. Kailangan nating mapigilan ang nasabing seremonya dahil magpapatatag ito sa hawak ni Roman sa buong kaharian," wika ni Sally. "Lapastangan sya! Matapos nyang palabasin na ang mga rebelde ang nagpapatay sa inyo ay pilit nyang kinuha ang trono. Dahil sa kautusan na kailangang palipasin ang sampung taon bago nya makuha ang trono ay kinailangan nyang maghintay. Kung sa

