Sa Esmeralda, sa isang base ng mga kapanalig ni Roman ilang buwan ang dumaan. "Napasok tayo!" anang isang security. "Paano?" tanong ng isa sa mga pinuno. Naputol ang usapan ng isang pagsabog na sinabayan ng pagyanig ang nangyari. "Sor, tumatakas ang mga bilanggo!" anang isang sundalo. "Si Jeric at ang grupo nya. Patayin sila! Wala dapat makalalabas ng buhay!" anang pinuno. Sa basement, "Ate Jen kayo na po ang bahala," bilin ni Jeric. Tumango lang si Jen. "Sige. Ilabas nyo lahat ang bihag at dalhin sa base!" utos ni Jen. Sumunod naman ang mga tauhan ni Jen. "Parating na po ang mga kawal nila," anang isa nilang tauhan. "Time for Phase Two," wika ni Jeric. "Mag-ingat ka Jeric," ani Jen. Pinahabol ni Jeric ang mga kawal hanggang sa masukol sila sa isang kwarto. "Wala ka nang pup

