Kinabukasan dumating si Jeric sa Royal Medical gamit ang motor nya dala ang isang basket ng prutas at backpack nya. Kumatok sya sa kwarto ni Ivan. Nagulat syang na naroon rin sina Echo at Lira na binibisita ito. Nakasandal sa ulunan ng kama si Ivan na nakaupo habang nakikipagtawanan kina Lira at Echo. Nagulat naman ang dalawa ng makita si Jeric. "Tuloy, Jeremy," bati ni Ivan. "Kamusta na kayo?" tanong ni Jeric. "Maayos na naman. Nagpapahilom na lang ng sugat," sagot ni Ivan. "Maayos na kami ni Echo. Hinilom na ng mga Healers ang mga sugat namin pero pinagpapahinga pa kami hanggang bukas. Lumabas na ang Psyche Evals at binigyan na kami ng clearance bumalik," tugo ni Lira. "Ikaw? Kamusta na?" tanong ni Ivan kay Jeric. "Ayos lang po," sagot ni Jeric. "Malamang tinatawanan tayo ng Silve

