Kinagabihan ay ginising si Jeric ng masamang panaginip. Pawis na pawis sya at hingal na hingal. Kaagad nyang kinapa ang inhaler nya sa sidetable ng kanyang kama. Lumitaw si Akira sa paanan ng kama ni Jeric. "Master," wika ni Akira. "Ayos lang ako," ani Jeric. Nagbeep ang cellphone ni Jeric kaya kaagad syang bumangon at nagbihis. Kumatok sya sa kwarto ni Roche. "Ate lalabas muna ako," paalam ni Jeric suot ang REU jacket nya at bitbit ang backpack. "Mag-ingat ka," bilin ni Roche. Nang sumunod na gabi, nagmamanman si Jeric patago at dinadalaw na sya nang antok sa pwesto nya. "Cowboy, ayos ka pa?" tanong ni Ivan sa radyo nito. "Yes, Sir. Wala pa rin akong makitang opening," mahinang sagot ni Jeric. "Bumalik ka na muna rito para makapahinga," utos ni Ivan. "Sige po," ani Jeric. Pagb

