Na-confine ng dalawa pang araw si Jeric. Ikatlong araw, ang unang araw ng Festival, nagulat ang lahat ng biglang pumasok si Jeric sa paaralan. Medyo mapulta pa ito pero nakangiti. "Akala ko hindi ka makakarating. Nabanggit ni Jude na kailangan mo pa raw magpahinga," anang kasama nyang isa. "Pasensya na, medyo tinrangkaso kasi ako," wika ni Jeric. "Maayos ka na ba? Medyo namumutla ka pa," tanong ng isa pa na nag-aalala. "Oo," nakangiting tanong ni Jeric. "Sige na. Magbihis ka na. Magbubukas na ang shop natin," anang isa. "Huwag mong masyadong pwersahin ang sarili mo Jeric baka mabinat ka," bilin ni Carmen. Nagpalit si Jeric ng damit. Pagdating nya sa shop ay nagulat ang iba nilang kasama kabilang sina Jude at Zarah nang nakita sya. "Maghanda na kayo," anang group leader nila. "Sus

