Nakaramdam sya ng kirot ng braso nya kasabay ng sa ulo nya. "Anong nangyayari?" tanong ni Jeric na napatigil. "Hindi mo ako kaya! Sumuko ka na lang!" anang boses na narinig nya mula sa isip nya. "Hindi mo makukuha ang bulaklak. Ni hindi mo nga kayang protektahan ang sarili mo at mahal mo," anang boses. "Sino ka?" tanong ni Jeric. "Ako ang nilalang sa harap mo," anang boses. Lalong tumindi ang sakit na naramdaman ni Jeric. "Kailangan mo akong matalo kung nais mong makuha ang bulaklak ng aking binibini. Hindi mo ako matatalo sa ganyang kalagayan," hamon ng lobo. "Pag-aari iyan ng Duke ng Rose!" wika ni Jeric. "Ang rosas na iyan ay pag-aari ng aking binibini. Ako ang tagapangalaga nito. Hindi ako papayag na ibigay ito sa hindi karapat-dapat," anang lobo. Tumayo si Jeric. "Kung hind

