Isa si Eustace sa mga bidang isinulat ko at siya rin ang mas malapit sa akin lalo na’t parehas kami ng nararanasan. Ngunit ang pinagkaiba lamang naming dalawa ay nasa pantasya siya ng libro habang ako naman ay namumuhay sa tunay na mundo. Nag-iwan ng tanong sa aking isipan ang sinabi ni Vincent. Si Leon ang manliligaw ni Eustace at naging unang boyfriend. Palaisipan sa akin kung bakit gano’n ang sinabi ni Vincent ngunit hindi ko lang iyon napagdedebatehan ng maigi sa likod ng aking isip lalo na’t may parte sa akin ang natatakot sa madidiskubri. Katulad ng payo ni Vincent ay tinanggap ko ang offer sa isang platform na magsusulat ako roon. Babayaran ako nila. Malaking tulong na rin iyon sa akin habang nag-iisip pa ako kung saan mag-aapply ng trabaho. Busy na ulit si Vincent kaya hindi

