“Salamat sa paghatid.” Ngumiti ako nang harapin ko si Daniel. “Get in first… I want to make sure my girlfriend is safe,” aniya nang tingnan ang nakasarang pinto ng aking apartment. Mukhang wala rin si Dira lalo na’t nagpaalam iyon sa akin na sa condo siya ni Raf matutulog. Pumayag ako lalo na’t nasasanay na rin akong maiwang mag-isa. Binuksan ko ang pinto para mapanatag ang loob ni Daniel. Ito ang unang beses na nakapunta siya rito. “Uh, gusto mo ba munang tumuloy?” alok ko lalo na’t nakakahiya naman kung hindi ko siya iimbitahan. Umiling si Daniel. “I have work tomorrow. Matulog ka rin ng maaga. Tatawag nalang ako pag nakauwi na,” sabi niya habang nakapamulsa at may bakas pa rin ng ngiti ang labi. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Lumapit siya kaya medyo natigilan ako sa kinata

