23

2183 Words
Humugot ako ng lakas para masabi kay Dira ang tungkol sa ginawa ko kay Vincent. Pagkatapos ng aming pag-uusap ay nagtungo na ako sa pool para makatyempo at masabi kay Dira ang bagay na iyon.  Umahon siya sa pool at kinuha ang tuwalya para punasan ang sarili. Kinagat ko naman ang labi habang hinihintay lamang na masabi sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon.  “Naalala mo ‘yung pumunta sa bahay niyo para... para batuhin ng bawang si Kuya Vincent?”  Kumurap siya. “Iyong mga masamang bata sa baryo?”  Ngumuso at dahan dahang tumango. Kumunot naman ang kanyang noo at pinunasan na ang kanyang mukha.  “Bakit?”  Yumuko ako at pinisil ang aking mga daliri. Huminga ako ng malalim.  “Ako ‘yon...” mahina kong bigkas, na sana ay narinig niya nalang agad at hindi ko na kailangang ulitin pa.  “Huh? Ano ‘yon?”  Pumikit ako. “Ako ‘yon... Ako ang masamang bata na ‘yon, Dira. N-Napagkamalan kong aswang si Vincent at—“ Humagalpak siya kaya naputol ang aking pagsasabi. Kunot noo akong nag-angat ng tingin sa kanya.  “Napagkamalan mong aswang si Kuya?!” Mas lalo siyang tumawa ng malakas na kahit ang pagpupunas sa sarili ay hindi niya na nagagawa ng maayos.  Tumango ako ng marahan lalo na’t hindi siya matigil tigil sa kakatawa.  “Akala ko kasi vampire siya...” mahina kong daing na ikinayakap niya sa kanyang tiyan dahil sa pagtawa.  Huh? Hindi siya galit? Ba’t parang natatawa pa siya imbes na magalit sa akin?  Kinamot ko ang aking batok lalo na’t hindi pa rin natatapos sa pagtawa si Dira.  “I thought they were just throwing randomly at Kuya tapos ‘yon pala... isa ka roon at dahil napagkamalan mo siyang aswang!” ulit niya habang nanghihina na kakatawa.  “Akala ko talaga mga aswang ang pamilya niyo eh...” Lalo siyang humagalpak at nagawa pang hampasin ang sariling hita. Napaupo na siya kakatawa at pulang pula ang kanyang mukha. Ngumuso ako at medyo nabunutan ng tinik nang wala man lang gumuguhit na galit sa kanyang mukha.  “Hindi ka galit?” tanong ko nang unti-unti siyang matauhan kakatawa at pinupunasan ang kanyang mga mata.  Umiling siya habang nakangisi.  “Why? It’s funny! Ngayon lang ako nakarinig sa buong buhay ko na napagkamalan ang pamilya namin ng aswang at lalong lalo na si Kuya na isang vampire. Everyone’s telling him that he’s so fine and perfect. Tapos ikaw...” Muli siyang natawa habang naiiling.  Ewan ko ba. Mukha talagang halimaw si Vincent sa paningin ko noon. Kung hindi lang talaga nalinaw iyon ay baka hanggang ngayon gano’n pa rin ang magiging tingin ko sa kanya. Baka ako pa rin iyong babaeng panay dala rito ng bawang para maghanap ng tyempo na isaboy iyon sa kanya.  “Hindi ko agad sinabi sa’yo dahil akala ko magagalit ka sa’kin. Na baka ayaw mo na sa’kin bilang kaibigan...” sabi ko.  “Huh? Bakit mo naman iisipin ‘yon, Cee? We’re not just friends. We’re sisters!” giit niya at ngumisi habang nagpapatuloy na sa pagpupunas ng kanyang sarili.  Kung kanina ay para akong lalamunin ng kaba, ngayon naman ay para na akong nabunutan ng tinik na matagal tagal ng nakabaon sa akin. Pakiramdam ko ay lumulutang na ako sa hangin at maginhawa na ang aking paghinga.  Tama nga si Vincent. Maiintindihan ni Dira ito. Hindi siya magagalit. Hindi nga talaga bigdeal... Sadyang ayoko lang na ilihim pa ng matagal sa kanya at baka mauwi ang aming pagkakaibigan katulad nila Janna.  Hindi maka get-over si Dira sa bagay na iyon na nakwento niya na rin sa kanyang parents nang sumapit ang gabi at sabay akong nagdinner sa kanila bago umuwi ng tuluyan.  Tawang tawa ang kanyang parents. Si Vincent ay seryoso lamang sa pagsubo habang ako ay kinakain na ng hiya lalo na’t ako na ang naging pulutan nila ng tukso.  “Imagine, Kuya. Ang rami raming nagkakandarapa sa’yo sa school at halos sambahin ka tapos si Cee tingin sa’yo halimaw!” Natatawang si Dira. “Ang cute talaga nitong si Cee!” si Tita naman na halos sumakit na ata ang tiyan kakatawa lalo na’t nakasandal na lamang siya sa kanyang upuan yakap yakap ang kanyang tiyan.  “Paano nalang kaya kung allergic si Vincent sa bawang edi mas iisipin lalo ni Cee na totoong aswang ka talaga,” si Tito naman na natatawa rin.  Ngumuso ako at pinisil ang aking mga daliri habang si Vincent ay mariin pa ang tingin sa akin. Hilaw ko siyang nginitian na ikinailing niya lamang.  Iyon ang naging laman ng kanilang topic at grabe talaga ang kanilang tawa. Unti-unti na rin akong natatawa lalo na’t sa tuwing naiisip ko na talagang sinabuyan ko siya ng bawang ay para akong kinikiliti.  Naging magaan na rin ang aking loob kahit papaano. Ang sarap sa pakiramdam na wala na akong tinatagong sekreto kay Dira. Ang sarap sa pakiramdam na nasabi ko rin sa kanya ang totoo. Ang sarap sa pakiramdam na hindi ko na iyon iisipin pa dahil alam niya na ako iyon.  “Ikaw ‘di ba si Celeste Madrigal?” biglang sumulpot ang mga lalake sa aking harapan sa Lunes ng hapon habang nasa forest ako.  Kaklase ko silang tatlo. Si Jake, Clarence at Timothy. Hindi ko maalalang close kami lalo na’t hindi naman kami nagkakausap.  Tumango ako habang naka kunot noo. Nagtinginan naman sila at siniko pa iyong isa.  “Uh... Gusto kasi kita... Pwede ba akong manligaw?” si Jake habang kinakamot ang kanyang batok.  Kinagat ng dalawa ang kanilang mga labi at parang nagpipigil lamang tumawa. Si Jake naman ay nangingiti sa akin.  Gusto niya ako? At gusto niyang manligaw? Hindi ko maalalang may ginawa ako para magustuhan niya ako at mas lalong hindi ko maalala na kagusto gusto ako dahil na rin sa kumakalat na tsismis sa akin dahil kay Janna.  Ayaw ng lahat sa akin. Ayaw nilang napapalapit sa akin. Ayaw nila akong maging kaibigan. Ayaw nilang parte ako ng kanilang grupo. Kaya nakakapagtaka na may lumalapit sa akin at umaamin na gusto niya ako lalo na’t hindi rin naman ako magandang tingnan katulad ng iba kong mga kaklaseng babae na palaayos.  “Sorry pero hindi pa ako pwedeng mag boyfriend eh... At... At hindi kita gusto,” pag-amin ko na ikinagulat ni Jake habang humagalpak naman ng tawa ang dalawa sa kanyang gilid.  “Pasensya na... Um... Sa ibang babae nalang,” marahan kong sabi at nahihiyang ngumiti.  “Bakit naman? Eh ikaw nga ang gusto ko. Sige na. Hayaan mo na ako,” pamimilit ni Jake.  Umiling ako habang nanatiling nakaupo sa damuhan at tinitingala silang tatlo sa aking harapan.  “Hindi talaga pwede eh...” sabi ko.  “Pakipot ka pala,” sabi ni Timothy sa natatawang paraan.  “Huwag nalang siya, Jake. Iba nalang. ‘Yung kagandahan naman at malinis. Eh mukhang hindi nga ‘yan marunong magsuklay tapos wala pang kaibigan,” natatawang sabi ni Clarence nang tingnan ako mula ulo hanggang paa.  Medyo naging iba ang aking pakiramdam sa kanyang sinabi. Aware naman ako na hindi ako gano’n ka attractive katulad ng ilang mga babae at tanggap ko naman iyon lalo na’t kontento naman ako sa aking sarili.  Bakit kailangan pa iyong sabihin sa akin?  “Sige na, Celeste. Ayaw mo bang may manglibre sa’yo araw araw? Makakasama mo pa ako lagi at hindi kana magiging loner,” ani Jake habang ngumingisi.  Umiling pa rin ako lalo na’t hindi ko talaga makita ang dahilan para sa bagay na iyon. At wala pa iyon sa aking isip ngayon. ‘Tsaka ang hirap paniwalaan na nagkakagusto siya sa akin lalo na’t ang gwapo niya sana. Ang dami ngang nagkakagusto sa kanya na mga kaklase ko dahil may kaya rin daw ang kanyang pamilya at halata naman iyon kung paano niya dalhin ang kanyang sarili.  “Ah basta... Manliligaw ako...” aniya sa pinal na tinig at umupo sa aking tabi.  Nahihiya akong umusog lalo na’t hindi ako sanay na may ganoong lalake sa akin. Sa mga napagdadaanan ko sa mga tao sa aking paligid ay parang palagi nila akong pinagt-tsismisan ng palihim at napipilitan lamang akong kausapin.  Kaso ang sabi sa akin ni Dira ay normal daw ito sa pagiging highschool. May mga lalake raw na bigla biglang aamin sa’yo na may gusto sila sa’yo at manliligaw.  “Edi anong gagawin ko pag sa akin ‘yon nangyari?” tanong ko habang nakaupo sa kanyang kama at pinapanood siyang nagbabalat ng chocolate.  “Kung gusto mo siya edi pumayag ka. At least may experience ka. Pero kung hindi mo siya gusto edi prangkahin mo na para hindi siya umasa at hindi mo siya masaktan.”  “Eh paano kung nagpumilit?”  “Kung nagpumilit edi hayaan mo siyang patunayan sa’yo ang motibo niya. Sa huli, mapapagod din naman sila pero meron din kasing pagkakataon na ikaw ‘yung naf-fall sa kanila.”  Bumuntong ako ng hininga at napahiga sa kanyang kama.  “Parang ang hirap naman paniwalaan na gusto nila ako...” “Duh! You are pretty! Sadyang hindi ka lang talaga marunong mag-ayos. At isa pa, pwede ka namang magboyfriend boyfriend nang hindi ito masyadong sineseryoso. Payag nga sina Mommy at Daddy na magboyfriend ako ng maaga kaso si Kuya lang itong strict masyado...”  Hindi naman kataka taka kay Dira kung marami man ang manligaw sa kanya kung sakali. Kaso sa akin nakakapagtaka ‘yon lalo na’t hindi ako palaayos. Hindi ako maganda manamit. Hindi ako maalaga sa sarili. Wala ako noong pinapangarap ng mga boys sa isang babae lalo na’t wala naman talaga akong pakialam kung magmukha akong manang o ewan sa kanilang mga mata. Ni hindi ako nagpapaganda eh.  Kaya ngayong gustong manligaw ni Jake sa akin ay parang hindi magsink-in sa aking isip. Baka naman nagagandahan talaga siya sa akin? Baka gusto niya talaga ako. Kaso hindi ko naman siya gano’n ka gusto lalo na’t alam ko rin sa aking sarili kung sino ang aking crush.  Kaso wala rin naman akong balak na maging girlfriend ni Vincent lalo na’t natutuwa lang naman ako na crush ko siya. Hindi ko naman pinangarap na maka relasyon siya at mas lalong hindi na iyon umaabot sa aking isipan.  “Ano ba ‘tong pinagkakaabalahan mo lagi rito sa forest? Patingin nga...” Kinuha niya ang hawak kong notebook at sinimulang basahin sa kanyang mga mata.  Nahiya agad ako lalo na’t mabango siya. Medyo naiiba siya sa iilan kong kaklaseng lalake na dugyot. Ang alam ko ay may kaya ang kanyang parents lalo na’t may malaki silang grocery store sa bayan. Noong nakaraan nga ay may dala siyang cellphone at madalas iyong pagkaguluhan ng mga babae lalo na’t ang ganda rin.  Bumubungisngis ang kanyang mga kaibigan sa amin. Hindi ko alam kung anong meron ngunit parang tinutukso nila si Jake lalo na’t nakaupo ito sa aking tabi at tahimik na binabasa ang aking sinusulat.  “Nagsusulat ka pala ng ganito?” natatawa niyang sabi kaya napunta sa kanya ang aking atensyon.  Tahimik akong tumango at hindi alam ang sasabihin.  “Maganda naman. Balak mo ba ‘yang maging libro sa susunod?” Ibinalik niya sa akin ang notebook habang nakangisi sa akin.  Dahan dahan akong umiling lalo na’t distraction ko lang naman ito para may mapagkaabalahan ako habang lunch time. Wala akong mga kaibigan at wala akong nakakasama at ito lang ang nakikita kong pwede kong paglaanan ng oras.  “Sabay tayong maglunch bukas ha...” anyaya niya nang hindi na ako umimik.  “Huh? Dito ako kumakain eh,” sabi ko.  “Ba’t dito? Doon tayo sa canteen. Ililibre naman kita. ‘Tsaka wag kang mahiya sa akin.” Ngumiti siya.  Hindi agad ako makasagot lalo na’t madalas ang mga estudyante roon. Nagbabaon naman ako araw araw kaya hindi ko na kailangang pumunta sa canteen para bumili ng pagkain. At isa pa, doon kumakain sila Janna minsan kaya mas mabuting lumayo ako at umiwas dahil alam kong may masasabi lamang sila sa akin.  “Titingnan ko. Kaso baka hindi rin ako makasabay,” sabi ko na ikinasimangot niya.  “Huwag kanang mahiya. Ililibre kita promise.”  Hindi ako umimik at itinuon ang tingin sa ibang atensyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para tumigil siya lalo na’t nakakailang din. Noong nasanay na ako sa pagiging mag-isa ay nakontento na rin naman ako kahit papaano at hindi na naghahangad ng kaibigan pa. Ngayon na may lumalapit na sa akin ay parang mas gusto ko pang mag-isa.  At ang hirap pang paniwalaan na nanliligaw siya. Parang hindi talaga magsink-in sa aking isipan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD