22

2060 Words
Mahangin sa Lunes na iyon. Tumingala ako at tinanaw ang mga dahon ng punong sumasayaw dahil sa hampas ng hangin. Nasa forest area ako ng aming paaralan. Nakaupo ako sa may lilim ng puno at pinag mamasdan ang iilang matatayog na puno habang hawak ko ang ballpen at may notebook sa aking kandungan.   Tuwing lunch time, nakaugalian ko na ang pagsusulat dahil nararamdaman kong hindi ako nag-iisa habang ginagawa ito. Tama nga si Vincent, kailangan ko lang maghanap ng mapagkakalibangan ko na ma-eenjoy ko siya kahit mag-isa ako.   "Ano? Maglaro ako mag-isa? Tumawa tawa mag-isa? Edi mas wala ng makikipagkaibigan sa'kin dahil akala nila baliw ako." Sinimangutan ko siya.   "Maraming pwedeng gawin kahit mag-isa. You're fond of imagining things so use it to distract yourself during your free time. Write."   Ngayon na sinusubukan ko ay unti-unti kong na-aappreciate ang pagiging mag-isa. Hindi ako nalulungkot lalo na't okyupado rin ang aking isip na mag-isip ng pwedeng isulat.   Inabot ko ang tumakas na liwanag sa lilim ng puno at tinitigan ng malalim ang kamay kong lumiliwanag.   Unti-unting dumagsa ang eksena sa aking isipan. Nakita ko agad si Vincent na malalim na nakatitig sa kung sinong babae habang isinasayaw niya ito. Sobrang ganda ng babae na hindi niya iniaalis ang tingin niya sa kanya. Na siya lamang ang titingnan niya ng ganoon.   Pumikit ako at namula. Kung sakaling makahanap siya ulit ng babaeng mamahalin, titingnan niya ba ito katulad ng nasa aking isip? Isasayaw niya ba ito? Siguro nga ay hindi malabong ganoon siya sa babaeng mahal niya.   Ngumiti ako at nagsimulang magsulat. Sinimulan ko iyon sa paglalahad ng katauhan ni Vincent, kung gaano siya ka misteryoso at kagwapo. Ngunit sa dilim ng kanyang tingin ay maliligaw ka lagi sa kanyang paninitig at matatagpuan ang sariling nahuhulog na sa kanyang bitag.   He's always a beast. But this time he's cursed. He only needs that pretty girl who will dance with hin and looked at him with a gentle eyes. Ngunit s'yempre, ang halik ang makakapagpabago ng kanyang anyo. Isang halik na mahahanap niya lamang sa babae na handang mahalin ang kanyang kabuuan.   Hindi ko na namalayan ang oras. Nagulat na lamang ako noong tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ulit ang klase. Tahimik akong pumasok at nakokontento sa nangyayari.   "Napapansin ko laging mag-isa si Celeste. Ang weird niya naman. Wala ba siyang friends?"   "Wala atang gustong makipagkaibigan sa kanya. Masama raw kasi ang ugali niyan."   Hindi na bago sa akin ang naririnig kong tungkol sa akin. Itinatak ko nalang sa aking isipan ang sinabi ni Vincent sa akin.   "Pabayaan mo 'yang may mga nasasabi sa'yo. At the end of the day, what really matters is you know who you are more than what they think about you. Huwag kang magpapaapekto."   Tama nga naman. Kilala ko ang aking sarili at hindi naman ako tulad ng kanilang iniisip sa akin. Hindi ko kailangang baguhin ang opinyon ng isang tao para lang patunayan sa kanila ang aking sarili. Sapat na itong kilala ko ang aking sarili.   Tirik na tirik ang araw sa Sabadong iyon. Nakatirintas ang aking mga buhok habang naka rashguards hawak hawak ang salbabida lalo na't maliligo kami ni Dira.   "Kailan 'yong first period mo?" tanong niya habang nakaupo sa gilid ng pool nila at inilulublob ang kalahati ng kanyang paa roon.   "Noong Grade 6 ako. Ikaw, may period kana rin ba?" kuryoso kong tanong.   Tumango siya. "Oo... Last week... Nakakahiya pa kasi si Kuya 'yung nakapansin na natagusan ako."   Tinabihan ko siya habang tumatawa. "Talaga? Tapos anong ginawa ni Vincent?"   "Uhm binilhan niya ako ng pads. Nagdrive siya patungong convenience para bilhan lang ako..."   Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa bagay na iyon. Maalaga talaga si Vincent kay Dira. Para bang handa niya itong alalayan sa lahat ng bagay. Kahit sa akin ay ganoon siya. Pag nasusugatan ako ay siya rin agad ang gumagamot. Pag may ikinakalungkot ako ay pinapagaan niya ang aking pakiramdam. Kahit na naiirita ako sa pagiging mapang-asar niya, may mga araw na nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya.   Siya rin ang nagmulat sa akin tungkol sa pagsusulat. Marami siyang tinuturo sa amin ni Dira na napapakinabangan namin dahil sa kanya.   Nagsimula kaming maligo sa pool lalo na't dumating na rin iyong swimming instructor na magtuturo sa amin paano lumangoy. Si Tita mismo ang naghire no'n lalo na't nagrereklamo si Dira na hindi naman siya marunong lumangoy.   Ilang oras din ang pagtuturo sa amin. Noong umahon ako at mabilis na hinabol ang hininga ay nakita ko na ang naka topless na si Vincent, naka summer shorts at mukhang maliligo rin.   Umahon ako at umupo sa gilid para makapagpahinga lalo na't pakiramdam ko ay malulunod na ako sa sobrang kapos ng hangin.   "Mukha kang uod na inasinan sa tubig." Ngisi niya nang bumababa na sa tubig.   Sinamaan ko agad siya ng tingin. Deritso siyang nagdive at nakita ko kung paano siya lumangoy palayo. Kumurap ako at namilog ang mga mata. Ang galing niya. Parang napaka effortless. Paano siya natuto?   Umahon siya sa dulo at tinusok ang gilid ng tainga sabay suklay ng kanyang buhok paatras. Humalik sa kanyang mukha ang sinag ng araw kaya mas naging detalyado ang bawat anggulo sa kanyang mukha. Magkakasalubong ang itim at makakapal niyang kilay at tumatagas na naman ang kanyang kagwapuhan.   Noong tumingin siya sa akin ay mabilis akong umiwas ng tingin at nagpanggap na abala ako sa ibang bagay habang ginagalaw ang aking mga paa sa tubig.   Si Dira ay abala pa rin lalo na't nagpatuloy siya habang tinuturuan siya kung paano lumangoy. Napunta rin naman ulit ang aking tingin kay Vincent nang lumangoy na ito pabalik.   Sa sobrang linaw ng bughaw na tubig ay nakikita ko ang kanyang paggalaw sa ilalim at kung paano nagf-flex ang kanyang muscles.   Noong umahon siya ay nagulat na lamang ako at nasa aking harapan na ito. Ngumisi siya at hinila ang aking paa kaya mabilis akong sumigaw at natataranta siyang sinipa lalo na't ayokong mahulog.   "Bitiwan mo nga ako!" inis kong sigaw at pilit kumakapit sa kinauupuan kahit alam kong hindi sapat ang aking lakas para pigilan ito.   Humagalpak si Vincent. "Ano ka pusang takot sa tubig?" Saka niya ako mas hinila.   Deritso na ang aking pagkahulog. Halos mangapa agad ako ngunit hinawakan niya lamang ang aking baywang para makahinga ako nang hindi lumulubog ng tuluyan sa ilalim.   Humawak agad ako sa kanyang balikat at natatakot na bumagsak sa ilalim habang si Vincent itong pilyo ang ngisi at nag-eenjoy sa ginagawa.   "Nakakainis ka kahit kailan!" singhal ko.   Tumawa siya at hinaplos paatras ang kanyang buhok. Gusto ko siyang sabunutan nang maramdaman niya ang aking galit ngunit unti-unti rin naman akong kumalma.   "I'll teach you how to swim..." aniya at muli akong inihatid sa dulo nang may mahawakan ako.   "Baka lulunurin mo lang ako," sabi ko.   "Tss. Talagang malulunod ka dahil hindi ka naman marunong."   Sumimangot ako habang sumeseryoso naman siya para turuan na akong lumangoy. Kung ano iyong tinuro ng instructor kanina ay iyon din ang kanyang tinituro sa akin. Hindi talaga ganoon kadali lalo na't mukhang taon ata ang kailangan naming gugulin ni Dira para lang matuto kami sa paglangoy.   Sa huli ay tumigil din naman kami ni Dira sa kaka practice lalo na’t sumasakit na ang aming katawan. Naligo na lamang kaming dalawa at pinaglaruan ang bola kaya halos ang ingay namin doon.   Ganoon lamang umiikot ang aking araw. Abala sa paaralan tuwing weekdays at sa bahay naman nila Dira tuwing walang klase. Madalas kaming magkwentuhan sa aming mga araw habang naliligo sa pool. Tinuloy tuloy ko naman ang pagsusulat tuwing breaktime sa forest ng aming paaralan hanggang bigla ako nilapitan ni Janna isang araw.   Napatingala ako lalo na’t kasama niya ang iilan naming mga kaklase. Nakahalukipkip silang apat habang nakatingin sa akin.   “Alam ba ni Indira na ginagamit mo siya? Hindi man lang ba siya nagtataka kung bakit ang bait mo sa kanya eh samantalang isa ka sa nag-akusa ng kung ano ano sa kapatid niya?” si Janna.   Hindi ko agad alam kung ano ang sasabihin. Natanga ako ng ilang sigundo lalo na’t nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang bigla silang sumulpot sa aking harapan.   “O baka nga binaliktad mo kami eh. Baka pinalabas mong kami lamang iyon at wala kang kinalaman. Tingin mo magtatagal si Indira  bilang kaibigan mo pag nalaman niya ang lahat ng ito? Sa huli ay magiging mag-isa ka nalang dahil walang kayang sumikmura sa ugali mo,” giit niya.   Medyo kumirot ang aking pakiramdam dahil totoo ang sinasabi ni Janna. Hindi ako nagsasabi ng totoo kay Dira at hanggang ngayon ay inililihim ko sa kanya ang bagay na iyon.   Paano nga naman ako pagkakatiwalaan ni Dira kung naglilihim ako sa kanya? Sa oras na malaman niya ang lahat ng ito ay kakamuhian niya ako. Ngunit hihintayin ko pa bang malaman niya iyon ng kusa?   “Tara na nga. Nakakairita.” Saka umalis si Janna kasama iyong iba pa.   Bumuntong ako ng hininga at pinag-isipang mabuti kung paano sasabihin kay Dira ang lahat. Dapat noon ko pa ‘to sinabi sa kanya. Dapat hindi ko ito inililihim. Ayoko’ng dumating ang araw na pati siya ay mawala sa akin bilang kaibigan dahil sa aking ugali. Ayokong maging mag-isa ng tuluyan at wala ni isang kaibigan.   “You’re gonna tell her?” gulat na tanong ni Vincent nang muli akong mapadpad sa kanilang bahay.   Tumango ako habang pinipisil ang aking mga daliri. Nakaupo ako sa kanilang hardin habang kausap siya. Sinadya kong hindi muna sumali sa kanya habang tinuturuan siya sa pool area para masabi ito ng masinsinan kay Vincent.   “That’s good. You finally made up your mind. Talk to her...”   Napaangat ako ng tingin sa kanya. Iyon naman talaga ang gusto niya noon pa, na kausapin ko si Dira ngunit ako lamang itong ayaw. At akala ko ay malalaman din agad iyon ni Dira lalo na’t baka siya rin ang magsumbong sa akin ngunit hanggang ngayon ay walang kaalam alam ang kanyang kapatid. Itinago niya iyon.   “It’s not that bigdeal, y’know,” aniya sabay gulo ng aking buhok.   Iritado kong pinigilan ang kanyang kamay lalo na’t hindi pa ako maayos magsuklay tapos magugulo pa.   “Bigdeal ‘yon! Ayokong mawalan ng kaibigan dahil sinungaling ako at pangit ang ugali ko...” Sumimangot ako.   Nagkasalubong ang kanyang kilay. “Saan mo ba nakukuha ‘yang pinagsasabi mo? Hindi pangit ang ugali mo.”   Kinagat ko ang aking labi habang nakasimangot.   “Kung hindi... bakit walang gustong makipagkaibigan sa’kin?” mahina kong tanong na hindi nakaligtas sa kanyang pandinig.   Bigla siyang humilig sa may mesa nang makalebel ang aking mukha. Medyo nagulat ako sa biglaan niyang paglapit ngunit kalaunan ay kumalma rin naman ako.   “Sabi ko sa’yo na wala sa’yo ang problema. Nasa kanila. Stop sulking like you’re the most hated person. You can’t please everyone, Celeste. May mga taong hindi ka magugustuhan kahit pa ano ang gawin mo. Let them hate you. May mga tao namang gusto ka kahit pa talikuran kana ng lahat. May mananatili at mananatili sa’yong tabi.”   Nagloosen ang aking balikat dahil sa kanyang sinabi. Napaisip ako ng kaonti.   “Si Dira?” wala sa sarili kong tanong lalo na’t naglalakbay na sa kahit saan ang aking utak para lang isipin kung sino ang kanyang mga tinutukoy.   Tumango siya. “Yes of course... Si Dira...”   Napangiti ako at nahulog muli ang tingin sa aking mga daliring pinipisil ko. Oo nga naman... Mahalaga sa akin si Dira kaya mas mabuting magsabi na lamang ako ng totoo sa kanya kaysa hintayin ang araw na malaman niya iyon.   “At s’yempre ako,” wika ni Vincent sanhi para mapaangat agad ako ng tingin.   Umismid ako kahit na nangingiti sa kanya. Ngumisi rin siya pabalik.   “Ikaw eh wala ka ngang alam kundi asarin lang ako,” sabi ko.   “Tsss. Anong magagawa ko eh masarap kang asarin,” pag-amin niya sabay namulsa sa aking harapan.   “I will always stay by your side. I promise...”   Kumurap ako lalo na’t hindi ko gaanong narinig ang kanyang sinabi sa hina ng kanyang boses. Nagkasalubong na lamang ang aking kilay at walang ideya kung ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD