27

2163 Words
“We’ll talk to your parents regarding this matter, hija, hijo...” Dismayadong tumango ang dalawa at hindi na makatingin sa akin ng deritso. Hinaplos ni Tita ang aking likod at ngumiti sa akin. Tipid lamang ang ngiting naibigay ko at hindi na makapagsalita. Sa huli ay magkakaroon sila ng punishment at iyon ang pag-uusapan sa susunod na mga araw kasama ang kanilang parents. “Salamat po Tita...” sabi ko nang lumabas na kami sa guidance office. “Walang anuman, Celeste. You know you’re important to us,” aniya at hinaplos ang aking pisngi. Ngumiti sa akin si Dira at niyakap ako. “Hindi namin hahayaan na saktan ka ng kung sino sino lang,” she whispered. Pumikit ako at parang may kung anong humaplos sa aking puso. Hindi ko na hinahangad na magkaroon ako ng maraming kaibigan. Sapat na ito sa akin. Alam ko kahit nag-iisa ay maaasahan ko siya sa lahat ng bagay. Umalis din naman silang dalawa. Bumalik naman ako sa classroom. Isa rin sa napag-usapan kanina kung lilipat ba ako ng classroom para maiwasan sila. Iniisip ko pang maigi kung ano ang mas maganda ngunit wala rin namang magbabago roon lalo na’t alam ko ay hindi rin ako magkakaroon ng kaibigan. Sa nangyari, parang hindi ko na rin kayang makisalamuha sa ibang tao. Tahimik lamang si Janna sa kanyang upuan ganoon din si James na walang imik. Nagpatuloy naman ang pangungulit ng aking mga kaklase sa akin tungkol kay Vincent at kahit kay Dira ay nakukuryoso sila. “Ang ganda naman no’n. Halatang napaka mayaman. Paano mo ba ‘yon naging kaibigan?” “Katulad niya ng uniporme ‘yung pinapasukan din ng gwapong sumundo sa’yo rito. Saan mo ba sila nakilala?” Pinapakita ko na lamang sa kanila na abala ako sa kung ano para tantanan nila ang kakatanong. Hindi ko rin talaga maisip kung para saan ang kanilang pagtatanong. Halatang gusto lang nilang mapalapit sa kanila eh. Halatang iyon lamang ang rason kaya lumalapit lapit sila sa akin. Sa tuwing nagkakasalubong ang aming mga mata ni Janna ay nakikita ko ang galit doon. Nagkukunwari na lamang akong nag-iiwas ng tingin at hindi siya pinagtutuunan ng pansin lalo na’t alam kong hindi na rin talaga kami babalik pa sa dati. Hindi naman ako nanghihinayang dahil unti-unti ko na ring natatanggap na may mga tao talagang hindi mananatili ng matagal sa ‘yong buhay. May iba na dadaanan lamang at walang balak na mamalagi ng matagal habang may iba naman na hindi na aalis sa iyong tabi at panghabangbuhay mo ng makakasama. Muli kaming pinatawag sa Guidance Office nang muling dumating ang parents nila. Mag-isa na lamang akong humarap lalo na’t ayaw ko na ring abalahin si Tita. “Celeste?” Nagugulat na tawag sa akin ng Mama ni Janna nang makita ako sa loob ng Guidance Office. Hilaw ang naibigay kong ngiti. Doon ko napagtantong kilala pala ako ng kanyang ina. Oo nga naman at magkapitbahay lang kami at madalas pa kaming maglaro noon ni Janna. Hindi makapaniwala ang kanyang ina na umabot kami sa ganoong sitwasyon. Humingi siya ng patawad sa akin sa nagawa ni Janna at pinagalitan niya ito sa aking harapan. Mabait din ang ina ni James at humingi rin ng tawad. Pumayag naman sila na may parusang ipapataw sa dalawa sa pamamagitan ng paglilinis sa school faculties. Pinatawad ko rin naman sila agad lalo na’t hindi rin naman ako ang klase ng taong nagtatanim ng galit sa kapwa ko. Mabilis kong napapatawad ang isang tao kahit gaano pa kabigat ang nagawa nito sa akin ngunit hindi ko na rin nasisigurado kung mabubuo pa ba ang tiwalang winasak nila at binali. Iyon ang mahirap ng ibalik. Mahirap na ulit magtiwala. “Kasalanan din naman kasi ni Janna. Masyado niyang gustong apihin si Celeste. Eh ‘di ba sabi niya pa na masama raw ang ugali ni Celeste? Pero sa nangyayari parang siya nga ang may masamang ugali. Pinahiya niya si Celeste tapos ginamit pa si James...” “Oo nga eh. Walang kaibigan si Celeste kasi akala natin pangit nga ang ugali niya pero si Janna pala itong pangit din ang ugali.” “Dapat pala si Celeste ang kinakaibigan natin...” Iyon ang naririnig ko lagi sa aking mga kaklase. Ramdam ko kung paano sila nagtatangkang kausapin ako pero ako na itong mailap. Pakiramdam ko ay hindi na gano’n ka pursigido na magkaroon pa ng kaibigan. Para bang may nabuong harang sa akin at gusto ko ay magsilbi iyong proteksyon nang hindi na maulit ang palaging nangyayari sa akin. Madalas na ulit ako sa forest at doon inaabala ang sarili sa pagsusulat. Mahangin din kasi roon at rinig na rinig mo ang hampas ng hangin sa mga dahon ng punong sumasayaw at tumatakas ang sinag ng araw para halikan ang aking mukha. Ipinagpatuloy ko ang aking pagsusulat. Ni hindi ko pa nakukwento ito kay Vincent na nangangalahati na ako sa aking pagsusulat sa notebook lalo na’t sa nagdaang araw ay iyong nangyari sa canteen napupunta ang aming atensyon kaya hindi na masyadong napag-uusapn ang ganitong bagay. “Ayon oh!” Kuryoso akong napaangat ng tingin sa kung anong boses na malakas. Nakita ko agad si Vincent na nakapamulsa sa kanyang suot na uniporme at sa kanyang likuran ay mga estudyanteng babae na nagkukumpulan habang nanonood sa kanya. Nagulat ako sa kanyang paglitaw ngunit hindi ko na inabala ang sarili na tumayo lalo na’t naglalakad na rin ito papalapit sa akin. Seryoso siyang nagtungo sa aking kinaroroonan suot ang kanyang supladong mukha. Nang makarating ng tuluyan sa aking harap ay tiningala ko na lamang ito. “Ba’t ka nandito? Siguro susuntukin mo na naman si James ‘no? Bati na kami! Humingi na siya ng tawad,” sabi ko lalo na’t naalala ko rin ang pasa sa mukha ni James. Yumuko siya at sinilip ang aking pinagkakaabalahan sa notebook. Nataranta ako at isasara na sana iyon ngunit huli na at kinuha niya na sa akin. Mabilis akong napatayo para bawiin ngunit sa kanyang katangkaran ay bigo ko na iyong mabawi agad sa kanya. “Akin na ‘yan! Hindi pa ‘yan tapos!” sigaw ko habang pilit iyong binabawi. “Vicentus, huh? Is this me?” Ngumisi siya sa akin. Humalukipkip ako at sumimangot. Nahulaan niya agad. Eh totoo rin naman na siya ‘yan. Medyo hindi nalalayo ang kanilang ugali at siya rin ang naiimagine ko sa bidang lalake. “I’ll read this,” sabi niya at isinara na iyon saka inilahad pabalik sa akin. “Tapusin mo ‘yan at kukunin ko ‘yan sa’yo pag natapos mo na.” Umismid agad ako lalo na’t umaarangkada na naman ang pagiging bossy niya. Iritado ko iyong kinuha sa kanya at napatingin sa mga babaeng tinatanaw kami. Ibinalik ko ang tingin kay Vincent. “Alam mo bang crush ka ng lahat ng mga estudyante rito? Pumunta ka pa talaga... Pagkakaguluhan ka nila,” sabi ko. Imbes na lingunin ang mga babae ay nagawa niya pa akong akbayan at iginiya na sa paglalakad. “I don’t care about the other girls. I’m here for my little princess...” aniya kaya ngumiwi agad ako. Talagang ang hilig niyang tawagin ako sa ganyan dahil alam niyang nasisira agad ang aking ekspresyon. Tahimik nila kaming pinanood at ramdam ko ang pagsisinghapan ng iilan habang tinitingnan nila si Vincent. “Saan mo ba ako dadalhin? Hindi ako liliban sa klase ‘no!” sabi ko lalo na’t parang palabas na kami ng school. “Sa labas lang. Kakain ng ice cream,” aniya. “Huh? Pumunta ka rito para lang d’yan?” kuryoso kong tanong. Ginulo niya ang aking buhok. “Of course I want to make sure no one’s bullying you. Maliit ka pa naman kaya mabilis kang naaapi.” Talagang sinamaan ko ng tingin si Vincent. Ngumisi lamang siya at kinurot ang aking ilong kaya halos nagpumiglas ako sa kanyang pagkakaakbay. Lumabas kami at muli akong sumakay sa kanyang kotse. May malapit naman na convenience store at doon siya ulit namili ng ice cream. Bumalik din naman kami sa kanyang kotse at doon namin iyon kinain. “Anong balita sa mga bully na umaway sa’yo? Hindi ka naman ba ginugulo?” Umiling ako lalo na’t tahimik lang naman si Janna at hindi na umiimik sa akin habang si James naman ay hindi na rin nanggugulo. At hindi na rin ako masyadong tinutukso ng iilan kong mga kaklase dahil sa kanya. Para bang natakot ang lahat at mas gusto na lamang akong kaibiganin para mapalapit din sila sa kanya, sa kanila ni Dira. “Hindi. At maraming nagkakacrush sa’yo. Ikaw ng bukambibig ng mga kaklase ko,” kuwento ko habang dinidilaan ang aking ice cream. “Eh ikaw? Baka may panibago kang crush at sa susunod ay tumakbo kana naman sa akin habang umiiyak.” Sinamaan niya agad ako ng tingin. Huh? Eh hindi ko naman talaga crush si James eh. Sadyang naisipan niya lang akong liwagan bigla at dumikit dikit siya sa akin kaya nag-assume tuloy ako na baka pwede kaming maging kaibigan. Pero talagang wala pa sa aking isip ang makipagrelasyon lalo na’t iniisip ko rin na masyado pa akong bata para roon. Kung meron man akong crush ay si Vincent pa rin iyon. Ngunit hindi katulad ng pagkakagusto ng iba sa kanya na parang handa na nila itong maging boyfriend. Mababaw lang naman ang akin at hindi katulad sa kanilang nararamdaman para sa kanya. “Wala ah... At wala na rin akong balak ‘no. Ayokong maulit ang nangyari. Imposible namang may magkagusto rin sa’kin. Tingnan mo nga... sa lahat ng mapipiling pagtripan ay ako ang napili nila. Gano’n ba ako ka pangit?” Medyo natawa ako sa sarili kong tanong ngunit napangiwi rin nang pinitik ni Vincent ang aking noo. “Aray!” daing ko at sumimangot lalo na’t masakit ‘yon. “Anong pangit? Sadyang bulag lang ang gago’ng ‘yon. And quit thinking about it. Hindi sila ang magsasabi kung anong klase kang tao.” Iritado niyang sabi. Itinagilid ko ang aking ulo para masilip ang kanyang ekspresyon. “Eh hindi mo naman alam ang gano’n kasi maraming nagkakagusto sa’yo... Hindi ka mamomroblema dahil alam mong gusto ka ng lahat.” Napalingon siya sa akin sabay angat ng kanyang kilay. “Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?” mataman niyang tanong. Tumango ako at muling dinilaan ang aking ice cream kahit medyo lito na rin ako sa aming topic. Palagi niya nalang talagang nililiko ang pananaw ko. Palagi niyang pinapamukha sa akin na wala sa akin ang problema at nasa mga taong nakapaligid sa akin. “Iba iba ang tao, Celeste. Hindi mo dapat kinukumpara ang iyong sarili sa iba dahil magkaiba tayong lahat. We’re all unique. You are unique.” Ngumisi ako sa kanya at nailing na lamang. Alam ko naman ‘yang ginagawa niya eh. Gusto niya lamang pagaanin ang aking nararamdaman pero maayos naman na ako. Unti-unti ko na rin namang tinatanggap ang aking kapalaran. Hindi niya na kailangang mag-alala sa akin dahil simula sa araw na ito ay sasanayin ko na ang aking sarili na mag-isa ako. Magiging kontento na lamang ako sa anong meron sa akin at hindi na maghahangad ng iba pa. “Tanggap ko naman ang sarili ko. Mahal ko ang sarili ko. Ayos lang sa’kin kahit walang gustong makipagkaibigan sa’kin... Ayos lang...” sabi ko at ngumiti para ipakita sa kanyang hindi niya kailangang mag-alala sa’kin. “At the end of the day, what matters the most is you know yourself better than what they think about you. Importanteng hindi mo mawala ang sarili mo.” Tumango ako kay Vincent lalo na’t may punto rin talaga ang kanyang sinasabi sa akin. “Huwag kanang mag-alala sa’kin. Eh ano nalang pag magkaka girlfriend ka? Eh kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ko. Umasim ang kanyang ekspresyon. Humagikhik ako at muling dinilaan ang aking ice cream. “Sinong may sabi na pababayaan kita pag may girlfriend na ako? Patay pa rin sa’kin ‘yang mga manliligaw mo.” Saka niya ako inangatan ng kilay. Umismid ako. Kung nandito lang si Dira ay talagang aasarin namin siyang dalawa na masyado siyang overprotective. Eh dadating din naman ang panahon na magiging busy siya sa ibang babae. At dadating din ang panahon na hindi niya na kami dapat itinuturing na baby! “Hindi na ako baby ah,” diin kong sabi para lang marealize niyang malaki na ako. “But you’ll forever be my little princess, Celeste...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD