FELIZA'S POV
"Feliza, wait!"
Binagalan ko ang paglalakad at nilingon ang kung sino mang tumawag sa pangalan ko.
"Ryan, ikaw pala. Tapos na rin ba ang klase mo?"
Nakangiting tanong ko dito. Kilala si Ryan sa buong campus dahil nanalo ito sa search for Mr. Princeton University. Hunk ito at matalino. He's taking up AB Political Science. Ako naman BS Psychology. Pareho kaming nasa 4th year at iisang department kami. Ang College of Arts and Sciences.
Ang bilis ng panahon. Apat na taon na ang lumipas. 16 years old na rin ako!
"Yeah katatapos lang. Kumusta nga pala? Siguro chicken lang yun sa'yo ang lahat. Ikaw pa ang talino mo kaya. Running for Summa c*m Laude eh? "
Natawa naman ako sa sinabi nito. Bagamat totoo yun ayaw kong ipangalandakan sa lahat. Hindi naman ako yung tipo na malaki ang ulo. As much as possible, nakatapak pa rin ang mga paa ko sa lupa.
"Okay naman. Nagsipag lang ako sa pag-aaral kaya ganun. So saan na ang punta mo?" tanong ko.
"Sa CAS. May isa pa akong subject. Ikaw, Saan ka galing? " Tanong nito
"Sumaglit ako sa Office of Student Affairs. May pinapirmahan ako sa Director ng OSA . Tapos aattend pa ako sa isa kong subject din."
Sagot ko.
"Kung ganun. Sabay na tayo Feliza."
Tumango ako at naglakad kami papuntang building ng College of Arts and Sciences. Nagulat pa nga ako nang akbayan niya ako. Hindi na lang ako umimik. Mabait naman siya. Saka para sa akin walang malisya yun.
"Ahm Feliza, may boyfriend ka na ba?"
Biglang tanong ni Ryan sa akin.
"Meron na! Kaya tanggalin mo yang madumi mong kamay sa balikat niya kung ayaw mong putulin ko!"
Natigilan kaming bigla ni Ryan nang sumulpot si Manjoe.
"Sorry. Sige Feliza mauna na ako."
Nagmamadaling umalis si Ryan. For sure ayaw nito ng gulo. Lalo na Presidente ng isang Fraternity si Ugok.
Alam ko naman ang purpose ni Manjoe sa pagsali ng Frat na yun since first year siya. Gusto niya lang makatikim ng mga babae. Balita kasi na isa sa initiation para sa mga babaeng gustong sumali sa kanila ang papiliin ang mga ito kung hirap o sarap. Alam na kung ano ang gagawin kapag "sarap" ang pipiliin.
Wala na sigurong chance na magbago si Manjoe. Nasa dugo at laman na niya ang pagkababaero. Nakakadiri siya!
"Ano ba ang problema mo? Basta-basta ka na lang susulpot at mambabastos ng kapwa. Kahit kailan wala kang modo!" Galit na sita ko kay Manjoe.
"Yung Ryan na yun ang bastos! Tsinansingan ka na nga't hinùbaran sa klase ng titig niya sa'yo, hindi ka pa lumayo. Nakipagngitian ka pa! Anak ng teteng naman Feliza, kung gusto mong magpahawak sa lalaki, magsabi ka lang! Ako ang hahawak sa'yo!"
"Hindi niya ako tsinansingan, Ugok! Sa balikat niya ako hinawakan. It's just his way of showing how gentleman he is to a lady like me! Palibhasa hindi mo alam yun dahil hindi ka naman maginoo. Saksakan ka ng kabastusan!"
"Hindi gawain ng matinong babae ang magpahawak sa lalaki lalo na't hindi mo naman siya boyfriend! And look at your outfit, kita na ang kalahati ng hita mo sa iksi ng palda mo. At bumabakat ang dibdib mo sa blouse mong masikip. School itong pinapasukan mo Feliza, hindi night club! Hindi night club!"
"Wala kang pakialam! Kaya "mini skirt" ang tawag dito kasi maiksi, you imbecile! Huwag ako ang pagsabihan mo ha, kasi mas masahol pa manamit ang mga chicks mo! Sila ang pakialaman mo, huwag ako!"
Feeling ko mapipigtas na ang ugat sa leeg ko sa kakasigaw. Napapalingon na rin ang ibang estudyanteng dumaraan.
Ewan ko ba. Parang sumabog lahat ng inis ko sa Ugok na ito. Mula first year college ako hanggang ngayong fourth year na ako ay nandiyan pa ring nakamatyag sa mga kilos ko. Ba't hindi na lang ang studies niya ang atupagin niya? 20 years old na siya pero nasa second year college pa rin! Palit ng Palit ng kurso!
Mabigat ang loob ko sa kanya kasi feeling ko presko ang dating niya sa akin. Iyong tipo ng lalaki na masaya kapag nasisira ang araw ko.
"Kapag nalaman ito ni Tito Adolfo, malalagot ka Feliza." Seryusong banta niya.
"Hindi naman malalaman ni Daddy kung hindi ka magsusumbong! Bakit may bago ba, ha? Sige magcutting classes ka na at nang makapagreport ka agad kay Daddy! Buwisit ka sa buhay ko!"
"Ano'ng sinabi mo?"
Mapanganib niyang tanong. Salubong ang kanyang kilay at ang talim ng tingin sa akin.
"So bingi ka na pala ngayon. Ang sabi ko BUWISIT KA SA BUHAY KO! ISA KANG MALAS. I HATE YOU! ISA KANG WALANG KUENTANG UGO----"
Naputol ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinila at hinalikan ng mariin. Hindi iyon nagtagal. Bago pa man magrehistro sa isip ko ang ginawa niya ay binitiwan na niya ako.
"Ngayon may kuwenta na ako. Ako lang naman ang nagbigay ng unang halik sa'yo."
Pinadaan niya ang dila niya paikot sa bibig niya at ngumisi bago ako tinalikuran.
Gusto kong lumubog sa kahihiyan. Lalo na't may mga nakasaksi sa ginawang paghalik ni Ugok sa akin.
Naiiyak ako. Ang sama-sama ng loob ko! Ninakaw niya ang first kiss ko! I hate him for being my first kiss! Nakakadiri siya!
Alam kong marami na siyang nahalikan. Nanliliit ako sa isiping isa ako sa mga iyon.
I know tumatawa na siya. Pinagtatawanan na ako ni Ugok.
Tumakbo ako sa comfort room. Ibinuhos ko lahat ng galit ko sa lalaking yun. Umiyak ako at pinagpupunit ang toilet paper. How dare him! Hindi ko pinangarap na siya ang unang makakahalik sa akin.
Nagtoothbrush ako ng ilang beses, nagmumog. Mahirap na baka mahawaan ako ng virus ng malanding si Manjoe.
Nang ako'y kumalma, naghilamos ako't inayos ko ang aking sarili.
May klase pa pala ako.
Literature.
Nag-alinlangan akong pumasok nang maalala kong classmate ko si Manjoe sa subject na yun. Pero napagdesisyonan ko ring huwag na lang siyang pansinin. I know mas lalong maglulundag sa tuwa kapag nakita niyang masyadong affected ako sa ginawa niya.
Naupo ako sa chair ko. Nasa likod ko nakaupo si Ugok.
At ang nakakainis, habang nagbabasa ako ng passage, naramdaman kong may nakatingin sa likod ko. I could literally feel his eyes on my back. Tumigil ako at lumingon sa aking likuran.
Ang buwisit na lalaki, pinagpipiyestahan nga ng makasalanan niyang mga mata ang puwet ko. Ang manyak talaga!
Naupo ako at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng passage.
Attentive akong nakikinig sa lectures ng professor namin nang may kumalabit sa akin sa likod.
Sino pa nga ba?
Hindi ko pinansin. Bahala siya sa buhay niya.
Asar ko siyang nilingon dahil sa walang tigil niyang pagkalabit.
"What!"
I mouthed. Ayukong ma-distract ang prof namin sa pagdi-discuss. Ipinakita niya ang isang lukot na papel. Hinalikan muna niya bago pasimpleng ibinigay sa akin.
Pahablot kong kinuha.
Babasahin ko o itatapon?
Baka apology note.
Out of curiosity ay binasa ko.
Izang,
Ang bilog-bilog ng puwet mo.
36 ba yan? Nakakalibog.
Kindat!
Manjoe tigasin
Gigil kong pinagpupunit ang papel. Grabe na! Nakakainis na talaga. Walang patawad ang kahalayan.
Nagpatuloy ang lectures ng Prof. namin ngunit wala akong naintindihan.
Saka ko na lang nalaman na tapos na pala ang klase nang magsilabasan ang mga classmates ko. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at patakbong lumabas ng room . Ayukong makasabay si ugok.
20 minutes na akong naghihintay sa parking lot ngunit hindi pa rin dumarating si Mang Caloy, ang driver ko. Ito ang naghahatid sundo sa akin.
Gusto ko na talagang umuwi kaya magco-commute na lang ako.
Nakakalimang hakbang pa lang ako nang may humintong sports car.
"Hop in!"
Si ugok. Hay buhay, kapag minamalas naman talaga, oo.
Hindi ko pinansin. Naglakad lang ako.
"Hindi ka masusundo ng driver mo. Kaya ako ang binilinan ng Daddy mo na maghahatid sa'yo pauwi."
Buwisit talaga! Bakit ba sobrang tiwala si Daddy sa lalaking ito. I hate their closeness! Kasi lahat ng sasabihin niya pinaniniwalaan ni Daddy.
"Huwag matigas ang ulo, Feliza. Sumakay ka o kakaladkarin kita."
Padabog akong sumakay at ibinalibag pasara ang pinto.
"Nang dahil lang sa halik nagkakaganyan ka?"
Punyemas!
At ipinaalala pa.
"Lang? Nila-lang mo ang paghalik sa akin? First kiss ko 'yon Manjoe! Dapat sa
karapat-dapat na lalaki ko iyon ibibigay. Sa disenteng lalaki hindi sa manwhore na kagaya mo! You took away something I valued! Something you don't deserve!"
Frustrated kong sabi. Ang hirap niyang paliwanagan. Para sa kanya laro lang lahat ng bagay.
"Kung gusto mong manghalik, gawin mo sa mga babae mo Manjoe! I'm not one of them! Huwag mo akong ibilang sa kanila dahil ayaw kong maging katulad nila!"
"You're different. I mean nakakasawa nang halikan ang mga yun. Lipstick ang nalalasahan ko sa labi nila."
Sinapo ko ang ulo ko. Kahit kailan wala siyang kuwentang kausap.
"Kung gusto mo isasauli ko ang ninakaw kong first kiss mo."
"P-paano?"
Curious kong tanong.
"Halikan kita ulit para maibalik ko."
Hinilot ko ang magkabilang sentido ko. Papanawan ako ng ulirat nito.
"Look Feliza, I won't say sorry. Kasi nagustuhan ko ang paghalik ko sa'yo. It's different. It's wonderful.
I won't regret it because I love it. Sana ganoon ka rin."