Ugok

1915 Words
4 years later. .. FELIZA'S POV Four years have passed, and I'm already 3rd year high school at the age of 12! Tama po kayo. Paano nangyari? Dahil matalino ako, accelerated ako ng ilang beses. Dahil sa kagustuhan ni Daddy, sa Kingston's Academy ako nag-aral. The school is British owned and managed. Kingston is governed by the British Schools Foundation, a British organization that aims to promote quality British-style education worldwide. Halos lahat ng nakakapasok sa Kingston ay galing sa may kayang pamilya kung hindi man ay mga piling mag-aaral na nabigyan ng scholarship dahil sa katalinuhan. My high school life was daunting at first. Hindi ko inasahang dito rin pala nag-aaral yung si ugok na Manjoe na wala nang ginawa kundi pestehin ako. He's 16 years old na at nasa 4th year. Kung alam ko lang na magkaabutan kami, sana hindi ko na lang ginalingan para nasa elementary pa ko. I have a lot of friends. Girl friends. Kasi kahit mayaman at matalino ako, I'm kind to others. Mga ate at kuya ko ang mga classmates ko kasi I'm the youngest in class. Medyo distant ako sa mga boys kahit na lapit sila ng lapit sa akin kasi ang ganda ko daw. Kapag edad ang pagbabasehan, bata daw ako but physically dalagitang-dalagita na raw ako. Yung ibang boys nga nililigawan na ako. Pero todo iwas ako. Bakit ako distant sa kanila? Kasi may isa diyan na pakialamero. Makita lang niya na may kumausap sa akin na lalaki, isinusumbong niya agad ako kay Daddy. Kesyo ang bata-bata ko daw pero kumakarengkeng na daw ako. Paano daw kung mabubuntis ako lalo na nagkaroon na daw ako ng menstrual period. Pati yun alam ni ugok! Kaya si Daddy nagiging OA na rin sa pagka "Over protective" sa akin. Ewan ko ba kung bakit niya pinaniniwalaan ang ugok na yun na parang bayawak ang dila. Hindi pa yata sapat ang oras niya sa pangchichicks niya sa school kaya kina-career na rin niya ang pagiging reporter niya kay Daddy. Sa totoo lang may time na parang nasasakal na ako. It's a good thing that I'm an optimistic girl. Para hindi ko mapansin ang pambubuwisit ni Manjoe, sumali ako sa ibat ibang clubs sa school. Drama club, Filipino Club, dance troops, etc..hanggang sa ngayon na naging super duper busy ako both in academics and extra-curricular activities. Maliban kasi sa pagiging secretary ko sa SSG, ako pa ang editor in chief ng school paper namin. Well it's fun by the way. I learned to handle new responsibilities intelligently at young age. Kaya nga sinasabi nila na napaka-mature ko na daw kumilos at mag-isip. Sometimes high school life is funny because I get to see all of the retarded drama and the stupid things that high school girls and boys argue about. Teens have those kiddy side and a little mould of 'adult' hormones growing inside. It's a point to experience new things -the most dramas, issues, depression, and I think it's where we can see a little of ourselves when we've grown to an adult. It kinda pinpoints where our career goes. I think it has a little bit going on for the future life. Kahit 12 years old pa lang ako feeling ko talaga teenager na ako kasi teenagers mga nakakahalubilo ko. Palaging sinasabi ni Tita Ninang sa akin: "Enjoy your high school life because when you leave high school, you will be an adult for your whole life. Those things you experienced will never happen again. It all starts there. Mistakes do come and go but we are humans and that's normal. Teen years are the most fun zone!" Tama naman si Tita Ninang kaya I did my best to make my high school year pretty interesting too. Over the years though, I ended up forming some great friendships with other students, I found and explored my passions and talents, and by the end of it, sobrang na-enjoy ko na ang high school. Ang dami kong taga-hanga. Ang sarap-sarap ng feeling pag sinasabi nila. "Nakakainggit si Feliza! Mayaman, super ganda at talino na, very talented pa." Para akong lumulutang sa hangin kapag naririnig ko yung mga good remarks nila sa akin. Kaya heto ako parang baliw na nakangiti habang naglalakad papunta sa SSG office. Nahinto ako nang may marinig akong mga boses sa isang classroom. I wonder kung ano ang ginagawa nila sa loob. Intramurals ngayong week na ito kaya walang klase. Nakasara ang pinto pero ang lakas ng boses nila. "Please naman babe, huwag mo akong i-break. I love you. Ikaw ang first boyfriend ko." - Girl na umiiyak. "Eh ano ngayon kung first bf mo ako. Ikaw nga pang 98 nang girlfriend ko. Basta ayaw ko na sayo! Break na tayo! Tapos ang usapan!" - Boy "Huwag please. Parang awa mo naman Manjoe. Nakuha mo na ang vírgìnity ko. Papakasalan mo pa ako gaya ng pangako mo." - Girl What? 16 pa lang sila naggaganun na? Pambihira talaga oo! Ma-po-pollute pa yata ang napakainosente kong isip sa pakikinig sa kanila. Tumawa si boy. Bakit kaya eh hindi naman nagjojoke si girl? Ipinagpatuloy ko ang pakikinig. But wait Manjoe ang pangalan ng boy? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at inawang ng kunti para ma-confirm kung si Ugok nga. My goodness! Siya nga. Nakapamulsa ang dalawang kamay at bored na nakatayo habang nakaluhod si girl sa harap niya. "Hindi ko na problema kung tanga ka at nagpaniwala sa sinabi ko. Vìrgìnity? Ni hindi ka nga dumugō! Ni hindi ka nakaramdam ng kirot sa unang sabāk ko. Iyan ba ang vírgin na nakuha ko? Ayaw ko na sa'yo. Mabuti pa, umuwi ka na lang sa bahay niyo at maglaro ng barbie." Agad akong umalis sa pinto nang makita kong lalabas na si Manjoe sa room. Nagtago ako sa isang pader. "When you are young and stupid and have a carefree attitude, life is more fun! Girls are fun! La La La La La. Na na na na na" At pakanta-kanta pa! Mabigat ang loob kong tinungo ang SSG office. I don't know why some boys are like Manjoe. Napaisip ako bigla. Kaya ba mahilig maglaro ng barbie ang mga girls para masanay silang mapaglaruan din? Para ipaintindi na kapag sawa na sa lumang manika ay iiwan sa tabi at laruin na naman ang bago? Napailing-iling ako. Panigurado may bago na namang target si Manjoe. "Feliza, tara na sa gym. Malapit nang magsimula ang basketball. Seniors vs. Sophomore team ang maglalaban. Tayo ang taga-score." Salubong sa akin ni Rodel. Officer din ng SSG katulad ko. "Okay. Saglit kunin ko lang ang ilang gamit ko." Agad kong tinungo ang locker ko at kinuha doon ang bag ko. Dumaan muna kami ni Rodel sa canteen para bumili ng bottled water at chips bago tumuloy sa gymnasium. "Ako na ang magdadala sa mga ito Feliza." Presinta nito. Hindi naman ako umangal. Sadyang mabait kasi. Matapos naming umupo ni Rodel sa puwesto namin kung saan kami ang mag-score, napansin kong nakatingin sa akin si Ugok. Inirapan ko lang siya. Aba! Player din pala sa team nila? Ano kaya ang alam niya sa pagba-basketball? Panigurado puro sablay lahat ang tira niya. Hindi ko alam kung nagkamali lang ako pero matapos mag- shoot si Ugok, sumulyap siya sa akin. Marunong pala kasi na-shoot niya ang bola sa ring at 3 points pa! Nagpatuloy ang laro. Ganun pa rin ang ginawa ni Manjoe. Kapag naka-shoot siya, sumusulyap siya sa akin. Na-conscious tuloy ako. Feeling ko nga pulang-pula na ang mukha ko. Hindi kaya may lihim na gusto si Ugok sa akin? Hindi ko mabilang kung ilang beses akong sinulyapan ni Ugok matapos siya makapag-shoot ng bola. Basta maraming beses. I lost count nga eh. Ewan ko ba pero parang kinikilig ako. Parang lang ha. It means hindi ako sure. Kinuha ko ang face powder ko sa bag ko at pasimple akong nagpulbo. Mahirap na baka ang shiny na ng mukha ko. Pagkatapos kong magsalamin, naramdaman kong tinabig ni Rodel ang braso ko. "Naka-shoot ulit si Manjoe Feliza." Sabi ni Rodel. Tinignan ko si Manjoe na nakatayo sa court. Nakatingin na naman sa akin. Nakakahiya naman. Ba't ganun ang klase ng tingin niya sa akin? Talaga yatang crush niya ako! Paano kaya kung ganun nga at ligawan ako? Ay ang suwerte naman niya kung sasagutin ko agad. Kailangang pahirapan ko muna ng todo ah. Parusa sa pagka-chickboy niya. Bigla akong ninerbiyus nang maglakad si Manjoe patungo sa table namin ni Rodel. Oh my, huwag naman sanang magtapat dito sa gym. Nakakahiya ang daming tao. Baka sugurin pa ako ng mga girlfriends niyang nanonood dito. Sana sa bahay na lang siya manligaw! Hayan na nakatayo na siya sa harap ko. Ang lakas ng kaba ko. Ano kaya babastedin ko agad or sabihin kong pag-isipan ko muna? "Miss SSG officer." Sabi niya saka ako tinitigan. Goodness parang hindi na ako makahinga. "Bakit hindi mo dinagdagan ang score namin? Naka-shoot ako. 2 points yun!" Sabi niya at saka walang paalam na kinuha ang bottled water ko na kalahati na lang ang laman. Ininom niya saka bumalik sa court. Para akong inilublob sa suka sa matinding kahihiyan. Kung ano-anu ang iniisip ko dahil sa pagsulyap-sulyap niya sa akin tuwing nakaka-shoot siya. Yun pala tinitignan niya kung tama ang pag-score ko. Akala siguro dadayain ko sila. Grrrrrrr! Nakakahiya! Nakakahiya na naisip ko yung ganun! Buwisit talaga siya kahit kailan! Natapos ang laro na ang sama ng mood ko. Pero siyempre hindi ko pinahalata. Kailangang jolly pa rin akong tignan. Matapos ang isang oras na paglagi ko sa SSG office, lumarga naman ako kasama ang ilang officers. Mag-score ulit kami ng volleyball. I mean sila lang pala. Kasi Junior team vs. Senior team ang maglalaban. Ayukong mag-score kasi Junior ako baka kung ano pa ang sabihin nila. Sumimangot ako nang mamataan ko ulit si Ugok. Aba at feeling coach yata ng team nila. Hindi ko na siya titignan promise! Baka magkamali na naman ako ng akala. Hindi ako feeler noh! Lalo na kung sa kagaya niya rin lang na Ugok! Sa ganda ng laban napatayo ako at nagpalakpak. Naka ilang minuto din yata akong nakatayo. Pag-upo ko sa upuan ko, nabigla na lang ako nang may kumandong sa akin. Napatayo ako dahil sa gulat at tinignan ang upuan ko. Nakaupo na ang mayabang na si Ugok. "Upuan ko naman yan!" Gigil na sabi ko sa kanya at itinuro ang upuan ko. "Umalis ka eh." Nakangising sabi niya. Naku! Ang sarap sarap niyang ingudngod sa putik! Inirapan ko na lang siya at lumayo ako sa kanya ng ilang hakbang. Tapos tinali ko ang basa kong buhok kasi pinagpawisan na ako sa init ng ulo ko. Nag shower kasi ako kanina matapos kong mag-score ng basketball. Ang init kasi sa gym at talagang pinagpawisan ako kanina. "Pawis yun?! Grabe naman parang gripo ka pala makapawis." Si ugok yan. Sino pa nga ba? Natalsikan siguro nang itali ko ang buhok ko. Aba! Ang kapal ng mukha at may balak pang kausapin ako! Gusto na naman siguro akong ipahiya. "Aba'y hindi! Tubig lang yan, bagong ligo ako eh." Mataray kong sagot. "Ah, kaya pala ang bango mo!" Ano daw? Namula ako sa sinabi niya. Hindi na lang ako umimik. "Yun ang diskarte!" Rinig kong sabi ng isang kabarkada niya. Saka sila nagtawanan. Kahit wiling-wili ako sa panonood ng volleyball, hindi ko na tinapos. Wala eh masisira lang ang araw ko kapag nasa malapit si Ugok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD