Yayo

2455 Words
FELIZA ' S POV "Bata, bumalik ka na sa loob. Baka hinahanap ka na ng magulang mo." Sabi ni Manjoe. Hindi pa rin ako gumagalaw. "Tara na bata, ihatid kita sa loob." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Baby, hayaan mo na yang bumalik mag-isa. Sabi ng babae. "No, baby. Ihahatid ko muna. Bisita namin sila. Isa pa, basa ang damit niya. Kailangan niyang magpalit baka magkasakit. Don't worry babalik ako agad." Sagot ni Manjoe. Tapos ibinalot niya sa akin ang isang puting towel. Ang bilis niyang maglakad habang hila-hila ako sa isang kamay. Naisip ko po baka iniisip po ni Manjoe na kambing ang hinihila niya at hindi bata kaya po kung makahila ay parang may tali ako sa leeg. "Bata nasaan ang magulang mo? Dadalhin kita sa kanila para 'di ka pakalat-kalat kung saan." Tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot ay sumalubong sa amin sina Daddy, Tito Jonathan at Tita Ninang. "Princess! What happened? Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Nag-aalalang sabi ni Daddy. Nagtataka kung paano ako nabasa. "Hinanap ko po si Kuya Joemar Daddy. Sa swimming pool po ako nagawi. Tapos nadulas po ako at nahulog sa swimming pool. Mabuti po at dumating si Kuya. Tinulongan po niya akong makaahon." Niyakap ako ni Daddy. "Thank you, Manjoe, Iho sa pagligtas kay Feliza." Bumaling si Daddy kay... kay Manjoe? Ngumanga ako dahil sa pagkagulat. "What? Si IZANG 'yan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Manjoe. "Oo anak. Si Feliza. Hindi mo namukhaan? Ang cute niya ano?" Nakangiting sabi ni Tita Ninang. "Wow! Tignan mo nga naman. Effective talaga ang peace offering kong Antiox noon. Hindi ka na payatot, Izang. Napuksa na rin sa wakas ang mga bulate mo sa tiyan. Double purpose pala ang Antiox kasi hindi ka na rin bungi. Magaling!" Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. "Hindi 'yon gawa ng Antiox mo! Noong mahulog ang ngipin ko, itinapon ko sa bubong ng bahay para makita ng mga daga at mapalitan ng maganda. Tignan mo. ..Eeeeeee." Totoo po yun. Iyon po ang sabi ng Yaya Ana ko. Ipinakita ko ang mga ngipin ko. "Aha! Kaya pala mukhang ngipin ng daga ang front teeth mo. Kamukha mo na si Nanny Mcphee at si Jerry na daga. Hahaha!" Nagalit ako sa sinabi niya. Ibinato ko sa kanya ang bitbit kong sapatos ko pero nakailag siya. "Princess, don't do that again. Hindi magandang mambato ng kapwa." Sabi ni Daddy. "Manjoe, itigil mo na yan. Ikaw ang mas matanda pero ang isip mo parang toddler." Saway ni Tita Ninang. Tumawa ako kasi parang toddler daw. "Gutom na po si Manjoe, Tita Ninang. Kasi po nakita ko pong kinakain niya ang möuth ng girl doon sa kubo." Sabi ko. "Whaaaat!" Sabay na sabi nina Tita, Tito at Daddy at tinignan si Manjoe. Bakit kaya nagulat sila? May lason kaya ang mouth kapag kinain? Naku po baka matigok na si Manjoe! "Manjoe! Go to your room, now!" Sigaw ni Tita Ninang. Tumakbo si Manjoe pero bago iyon, sinamaan ako ng tingin. Tapos nagpaalam si Tita sa amin. Susundan daw niya si Manjoe. Bakit kasi ang takaw niya? Kaya siguro hindi nabanggit ng teacher ko ang bibíg sa Go , Grow and Glow foods kasi nakakamatay. Nagkamali pala ako. Mas magaling si teacher kay Manjoe. "Princess, hindi tayo uuwi sa bahay natin. Dito tayo matutulog kasi sasama tayo kina Tita Ninang mo sa rancho nila sa Tarlac bukas." Sabi ni Daddy matapos akong makapagpalit ng damit. "Talaga po? Makakasakay na po ulit ako ng kabayo?" Excited po ako. I love horse-back riding po kasi. "Yes, anak. Nandoon na rin si Red. Pati ung trainor mo." Wow! Ang saya-saya! Namis ko na rin ang kabayo kong si Red. "Thank you, Daddy! Mag-sleep na po ako." Matutulog po ako ng maaga para may lakas po ako bukas at para mas mabilis po akong tumangkad. ******** "I-zaaaasaang! Gi-siiiiing! May su-nooooog! !!!" "Ha? Sunog???!" Agad akong nagising. Sumigaw ba naman sa mismong tainga ko. Tatakbo na sana ako pero nasa loob pala ako ng sasakyan. "Manjoe, behave! Hindi yan ang tamang way ng paggising kay Feliza!" Narinig kong saway ni Tita Ninang. "Say sorry to Feliza." "Izang. ..ssss-ry." Hindi naman sorry ang sinabi niya pero hindi ko na lang po pinansin. "We're here now, Princess. Tara na. May dinaanan lang ang Daddy mo at Tito Ninong mo sa bayan." Hinawakan ni Tita Ninang ang kamay ko at pumasok kami sa malaking bahay na yari sa bato. Villa daw nila. "Ang ganda po dito,Tita Ninang. Mamamasyal na po tayo ngayon din?" "Masyado pang maaga, Princess. 6 am pa lang. Ipagpatuloy mo munang matulog okay? Para mas lalo ka pang gumanda." "Okay po, Tita Ninang. I love you po." Sabi ko at niyakap so Tita Ninang Meredith. Sana po may mommy din ako. Sana yung katulad ni Tita Ninang. "Tsk! Sipsip!" Narinig kong sabi ni Manjoe at inirapan ako. "Manjoe, stop that. Sumusobra ka na." Saway naman ng mama niya. "Matutulog na din ako, Ma." Sabi ni Manjoe at binelatan ako. "Ito ang room mo, princess. Sleep tight okay?" Pinahiga ako ni Tita Ninang sa kama at inayos ang kumot ko. Ang bait bait po niya. How I wish may Mommy din ako. Yung katulad ni Tita Ninang. A week later. .. As usual, gumigising po ako ng 7 am para po makapaghanda sa horse-back riding lesson ko. Nandito pa rin po ako sa rancho nina Tita Ninang. Wala naman po'ng klase kasi nga bakasyon po. Two months pa bago magpasukan. Umalis din si Daddy kasi may aasikasuhin daw na trabaho kaya kami ni Yaya ko ang naiwan dito. Hindi na po ako ginigising ni Yaya Ana. Natuto na po kasi akong mag-set ng alarm clock. Daddy said, kailangan ko po'ng matuto at hindi iasa ang lahat kay Yaya o kaya'y sa ibang tao. Matapos akong magbihis at kumain ng breakfast, tumuloy po ako sa kuwadra. Nandoon na rin si Tito Hanzel ang trainor ko. "Tell me the importance of your gear, breech, gloves, paddock boots & half chaps and riding crop?" Pinigilan kong paikotin ang mga eyeballs ko. Nakakaumay na po kasi. Tuwing umaga iyon po ang laging tanong bago magsimula ang riding lesson ko. But since I don't want to be rude po, kailangan kong sumagot ng maayos. "According to you Tito, the gear is for the protection of my head from injury incase na mahulog ako." "Good. How about the breech?" " The breech is a sturdy, stretch tight fitting pants that provide comfort and traction in the saddle. This provides sores caused by friction po created between the leg and the saddle po. Riding gloves. They are closed-fitting grips on the palms to help hold the reins, extra stretch over the knuckles for easier control and reinforced stitching to stand up to wear and tear." "Pause!" Tumigil ako at napatingin sa trainor ko. "Huminga ka muna dear baka maubusan ka ng hangin." Nakangiting sabi sa akin. "Okay, how about Paddock Boots & Half Chaps?" "Ankle boots that are worn with half chaps and riding breeches. The boots has a small heel that deters the rider's foot from slipping through the stirrups and provides safety while on the ground and around ... should riders foot be stepped on." Sagot ko. Hinihingal na nga ako eh. "And the Riding crop?" "This is a short fiberglass shaft covered in leather or fabric with a leather tongue at the end. It is used to back up a rider's leg aids. It is important for beginners as they frequently don't have the leg strength needed to turn a request demand and because school horses can be a bit dead to the leg aids." Natapos rin. "Very well said. You're really a smart little girl. Ano ang gatas mo noong baby ka?" Sabi nito at ginulo ang naka-ponytail kong buhok. "Gatas po ng baka Tito. Yung fresh galing new Zealand." Hehe. Ang totoo hindi ko po alam. Nakalimutan kong itanong kay Daddy. "Kaya pala may sungay kang dalawa." "Ano po? Hindi naman po ako baka para magkasungay." Nagpout ako. Minsan naiisip ko, kung ampon si Manjoe panigurado si Tito Hanzel ang tatay pareho kasing mapang-asar. "Yang tirintas mo ang tinutukoy ko. Tara na magsimula na tayo." Sobrang nakakaenjoy po mag-horse-back riding. Bale 2 hours po yun. At sobrang love na love ko ang kabayo kong so Red. Matapos ang training ko, mabagal akong naglakad-lakad. Nahinto ako nang makita ko si Manjoe na tumakbo papuntang kuwadra. Hindi ko sana papansinin pero sabi ni Daddy dapat ko raw isipin lagi ang golden rule. "Do unto others what you want others to do unto you." Kaya kahit po bad si Manjoe sa akin I need to be good to him. "Manjoe!" Tawag ko sa kanya nang lumabas ng kuwadra. Hila niya ang kabayong itim. Wow! Ang ganda ng kabayo niya. "Ano na naman!" Masungit niyang sabi. Grabe kung umirap sa akin. "Gusto kong sumakay sa kabayo mo." Sabi ko. Mukha kasing mas mabilis tumakbo ang kabayo niya at ang shiny pa. Ang ganda! "Hindi mo na kailangang sumakay dito kasi ikaw pa lang mukhang kabayo na. Hindi puwedeng sakyan ng kabayo ang kabayo ko." Ang sama po niya. Siguro binulongan na naman siya ni Taning. Tamad sigurong magpray kaya si bad angel ang guardian niya. "Sige na please. We are friends naman." Nag-smile ako. Yon kasi ang ginagawa ko kay Daddy kapag may gusto akong ipabili. "Hindi kita friend! Pero hmm sige na nga. Pasasakayin kita basta umuwi ka na sa inyo bukas." Gusto ko po talagang sumakay kaya pumayag po ako. Tinulungan niya akong sumakay kasi mataas ang kabayo niya. Saka siya sumakay rin. Ang galing niya. "Manjoe. Ayaw ko dito sa likod. Diyan na lang ako sa harap mo. Baka mahulog ako." "No! Hindi kita girlfriend kaya sa likod ka. Kumapit ka sa damit ko." Sabi niya kaya sa damit niya ako kumapit at nagsimula na niyang patakbuhin ang kabayo. "Manjoe. Itigil mo na. Baba na ako!" Nakakatakot! Ang bilis na kasi pero hindi po niya itinigil. "Āaaahhhhhhhhhh-ray!" Malakas ang sigaw ko nang mahulog ako sa kabayo. MANJOE'S POV "You're grounded!" Malakas na sigaw ni Mama sa akin. "Siya po ang nagpilit na sumakay Mama at saka po lampa siya. Kasalanan niya 'yon hindi ako." Paliwanag ko kay Mama. "Pero mas matanda ka! Mas alam mo kung ano ang dapat sa hindi! Naku Manjoe, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa'yo. Nasa America ang Ninong mo. Ano na lang ang sasabihin niya 'pag nalaman niyang naaksidente si Feliza?" "Sorry na Mama. Huwag ka nang magalit." Mas natatakot ako kay Mama kaysa kay Papa. Sana bumalik na lang ako ng Germany. "Okay, listen. very. well. Madi-discharge ngayon si Feliza. Dito muna siya mag-stay hanggang sa gumaling siya. I want you to take care of her. Ikaw ang magdadala ng food niya, babantayan mo siya hanggang sa makatulog siya sa gabi, maglilinis ng kalat sa room niya at maghahatid ng lahat ng kailangan niya." Seryusong sabi ni Mama. Napatulala ako saglit. Ang seryuso naman ng joke ni Mama. Ni hindi ako natawa. "I'm not joking Manjoe!" Oh? Patay! "Gagawin niyo akong Yayo ni Izang Mama?" Hindi makapaniwalang tanong ko sabay turo ko sa aking sarili. "Exactly! Mula sa araw na ito ikaw ang Yayo ni Feliza hanggang sa gumaling siya. The doctor said, it takes a month for her to fully recover." Gusto kong masuka sa sinabi ni Mama. 'Yayo?' Ewww ang sagwa! ****** "Izang, bilisan mo namang kumain. Na we-wewee na ako." Nagdala ako ng food sa room niya kasi hindi pa siya makalakad. Sabi ni Mama huwag daw akong aalis hangga't 'di niya nauubos ang food. Hindi ako puwedeng pumuslit dahil mamaya magche-check si Mama dito sa room niya. Actually hindi naman talaga ako naiihi. Sabi ko lang 'yon kasi may usapan kami ni baby Fritz ko. Tatawagan niya ako within 15 minutes. Siyempre para-paraan lang 'yan. Nasa Manila ang baby ko. Siya 'yong kinain ko ang mōuth doon sa kubo. "Maghintay ka. Kita mo na ngang nginunguya ko pa ang pagkain alangan na susubo ako ulit." Ang hirap talaga kung mataas ang IQ ng kausap. Ang hirap isahan. Pero kung gusto may paraan. "Izang tignan mo si Little Red Riding Hood, nakaihi." Turo ko doon sa TV. Wahahaha Paglingon niya sa TV, agad akong sumubo doon sa food niya. Yung malaking-malaking subo saka ko tinakpan ang bibíg ko. Bilis-bilis kong nginuya at nilunok saka ako uminom ng juice niya. Paulit-ulit ko siyang pinalingon kung saan saan para makasubo ako sa food niya. "Wow Izang, ang bilis mong kumain. Good girl ka talaga. Ayan isang subo na lang." Pang-eengganyo ko. "Huwag na. Kainin mo na lang. Akala mo hindi ko nakita. Ikaw ang umubos ng food ko." Eh di kinain ko na. Sinabi niya eh. Ayos tapos na ang trabaho ko. Kinuha ko ang tray hehe. "Gusto kong matulog, Manjoe. Pero kuwentuhan mo muna ako like my Yaya Ana always do." Anak ng kabayong malandi oo. Akala ko naisahan ko na siya. Ano kaya ikukuwento ko. Isip. .. Isip. .. Isip isip. .... Isip ..isip. ..isip. .. Ting! Evil grin. . "Story? Sige Izang maganda ang kuwento ko. Noong unang panahon ng hapon, may isang tigreng hikab ng hikab. Nakakatakot kasi sa tuwing hihikab siya, lumalabas ang laki ng kaniyang bibig, matatalas na pangil, at mahabang dila. Dahil hindi makatulog ang tigre, naghanap siya ng makakain. Pero alam mo isang biglang nagsalita ang bituka ng tigre. Ang sabi: 'Huwag yang kamote! Ayaw ko ng kamote! Hindi ako kambing para yan ang kainin mo. Gusto kong kumain ng bata. Yung dilat pa ang mata at ayaw matulog ". Kaya yung tigre nagsimulang maghanap ng bata na dilat pa ang mata para yun ang kainin. Dahil choosy ang bituka ni Tigre, ayaw niya yung mga batang mahihirap kaya nang makita niya ang villa, dito nagpunta ang tigre. Ayan na nakapasok na ang tigre. Nagsimula sa kuwarto nina mommy. Eh siyempre hindi na bata sina mommy kaya hindi niya kinain ang mga magulang ko. Next ayan na siya. Papunta na sa kuwarto mo. Pikit na Izang baka kainin ka niya. Tulog ka na bilis!" Pagtingin ko kay Feliza, pikit na ang mga mata niya at naghihilik na. Hay, sana gumaling ka na Izang. Sana makalakad ka na. Kasi ang hirap maging Yayo. Hindi ko na maasikaso ang love life ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD