My Savior

1713 Words
FELIZA'S POV I have a good news po! I'm already 8 years old! Marami po ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon. 2 years na po'ng nasa Germany sina Tita Ninang kasama ang tatlong anak kaya po naging tahimik po ang buhay ko for 2 years dahil wala pong Manjoe na panira ng araw. Ang saya po! Kahit hindi po ako tumangkad, okay lang po iyon dahil tumaba na po ako at hindi na ako bungi. Lumiit na din ang tiyan ko. At higit po sa lahat, nagsimula na ang horse-back riding lesson ko! I showed interest in riding horse at the age of 6. But my Dad only allowed me take lessons when I turned 8. Kaya yung reward kong kabayo noong nanalo akong Little Miss Quezon City two years ago, eh nasimulan ko lang sakyan noong 8th birthday ko a month ago. Sabi ni Daddy, mag- ballet na lang or art class ako pero sa equestrian talaga ang hilig ko. Kaya iyon din ang kasunod. Sobrang love ako ni Daddy and I love him too. Daddy keep on telling me that I am a 'privileged child'. Pero kahit ganoon, hindi po ako iba sa mga ordinaryong bata. Pinalaki po akong humble. Kapag may time si Daddy o kaya'y sina Lolo at Lola, they take me on different provincial trips. Ipinararanas nila sa akin ang buhay ng mga ordinaryong tao. Naranasan ko na rin pong maligo sa mga banyo outside the house where the toilets are. My Dad always tell me, " You know Princess, you are so blessed. From the time you were born and until the time you die. Hopefully you'll never going to have to worry about your next meal". Hindi ko po alam kung ano ang next meal na iyon. Kung agahan po ba, tanghalian, hapunan o kung may iba pa pong kahulugan. Hindi po maarok ng aking katalinuhan. Siguro dahil I'm still too young to understand. Then sinasabi din po ng Daddy ko: "There's nothing that you need that you don't have, so you have to find a way to be a blessing to others because not everybody is like you." Kaya po tinuruan ako ni Daddy na magbigay ng mga things like clothes, shoes and toys sa mga poor kids. Kasi mayaman naman po kami. My Daddy has his own real estate business. Iba pa po ang negosyong pag-aari nina Lolo at Lola ko na si Daddy rin ang magmamana. Pero minsan po iniisip ko, may kulang kasi po wala po akong Mommy. And Daddy don't wanna talk about my mom. Minsan po, naiinggit ako sa mga batang kasama ang Daddy at Mommy sa church, sa park, sa mall and everywhere. Pero nalulungkot po si Daddy whenever I started asking him about my Mommy kaya tumigil na po ako sa pagtatanong. I don't want him to be sad. 'Coz I love my Daddy very much. "Princess. Are you ready? Kanina pa tayo hinihintay nina Tita Ninang mo." Sabi ng Daddy ko pagkalapit niya. Naglalagay ako ng panyo at chocolates sa maliit kong backpack. Kasi sabi ng Daddy kanina, aalis daw kami. "Talaga Daddy? Bumalik na sina Tito Jonathan at Tita Ninang?" Masaya kong tanong. "Yes, Princess. Noong nakaraang araw pa. Kaya pupunta tayo sa bahay nila kasi may party." "May pasalubong sina Tita Ninang sa akin Daddy?" Excited kong tanong kasi dati rati kapag namamasyal sila sa amin o kaya'y kami ni Daddy ang dumadalaw sa kanila ay lagi nila akong binibigyan ng pasalubong. "Meron Princess. Tatlo pa nga eh Sina MANJOE, JOEMAR at MARK JONATHAN." Tumawa si Daddy. Sumimangot ako pagkarinig sa pangalan ni Manjoe. "I hate Manjoe, Daddy. He's very naughty. Sana iniwan na lang siya sa Germany. Noong nandito po siya lagi niya po akong tinutukso." Sumbong ko. Totoo naman po kasi. Hindi niya ako tinatantanan hangga't di niya ako napapaiyak dati. "Hindi ka na niya tutuksohin anak dahil hindi ka na bungi. You're no longer payatot. Magugulat si Manjoe kapag nakita ka. And just in case he will tease you again, ibig sabihin man 'yon, namis ka niya dahil two years ka niyang hindi nakita. Be nice to him anak." "Yes, Daddy. I'm a good girl po naman talaga. Saka 8 years old na po ako. I'm a big girl na. Susuntokin ko po si Manjoe kapag binully po ako." "Hindi nanununtok ang good girl, Princess. Sige na, tawagin mo na si Yaya Ana mo nang makaalis na tayo." Nang makarating kami sa Mansion ng mga Labrador ay marami nang nagsidatingang bisita. Marami nang sasakyang nakaparada sa labas. Humigpit ang hawak ko sa kamay ng Daddy ko nang may makita akong group ng batang lalaki na nagkakatuwaan sa may gilid ng malawak na garden. Marami na ring bisita ang nandoon. "Relax, anak wala diyan si Manjoe. And besides he's already 12 years old. He won't do childish stuffs anymore. Let's go." 'Sana nga Papa Jesus. Kasi po ayaw ko pong magkasala. Ilayo niyo po ako sa away' Tahimik na dasal ko. Sinalubong ako ng yakap ni Tita Ninang at Tito Ninong pagkakita nila sa amin. "Feliza! Ikaw na ba 'yan Princess? 2 years lang kitang hindi nakita pero ang laki-laki mo na at ang cute-cute mo!" Gigil na pinaghahalikan ako ni Tita Ninang Meredith. Humagikgik ako dahil nakikiliti ako. "I miss you po, Tita Ninang. Ang ganda niyo pa rin po. I miss you rin po Tito Ninong. Ang guwapo niyo pa rin." Ang lakas ng tawa ni Tita Ninang Meredith sa tinuran ko. Pinisil din ni Tito Ninong ang aking pisngi. "Mana ka sa akin, Princess. Ang sweet-sweet mong bata. Sana naging anak na lang kita. Anyway, tara sa kuwarto namin, nandoon ang pasalubong namin sa'yo." Tuwang-tuwa akong sumama kay Tita Ninang. Naglulundag ako nang makita ko ang mga pasalubong nila. A 3-running horses bronze sculpture, chocolates at outfit para sa pangangabayo! I hugged my Tita Ninang so tight. "Thank you po, Tita Ninang. I love these gifts." "You're most welcome Princess." "Nasaan po si Kuya Joemar?" Tanong ko. Mabait sa akin ang kakambal ni Manjoe. Identical twin sila pero magkaiba ang ugali. Lagi akong pinapadalhan ni Kuya Joemar ng Christmas at Birthday cards kahit noong nasa Germany sila. "Baka nasa garden, Princess. Gusto mo puntahan natin?" "Opo. Pero ako na lang po ang maghahanap kay Kuya Joemar. Marami po kayong bisita na aasikasuhin." Nakangiting tumango si Tita Ninang bago ako niyaya palabas ng kuwarto nila. Nalibot ko na ang buong sulok ng garden pero hindi ko pa rin makita so Kuya Joemar. Ngunit naisip ko baka nasa swimming pool sa likod ng bahay nila. Lagi kaming pumupunta ni Daddy dito kaya kabisado ko na lahat ng parte ng bahay nila. Napakaliwanag dahil maraming ilaw. Wala namang tao sa may pool. Tumambay muna ako saglit. Naupo ako sa gilid at tinanggal ko ang sapatos ko. Inilubog ko ang mga paa ko sa tubig. Nang magsawa ako, binitbit ko ang mga sapatos ko at patakbo akong umalis. May kaluskos kasi. Baka naman multo! Sabi kasi sa akin ni Manjoe loko-loko na may nagpapakita daw na white lady dito. Kumaripas ako ng takbo ng maalala ko yun pero bigla akong may natapakang madulas na bagay sa gilid kaya nahulog ako sa may swimming pool. "Tulooooong!" Sigaw ko. Hindi ako marunong lumangoy. Saktong palubog na ang ulo ko sa tubig nang may biglang humila sa akin at tinulongan akong umahon. Paulit-ulit akong umubo dahil nakainom ako ng tubig sa pool. "Hey bata, okay ka lang? Nasaan ang parents mo? O kaya'y ang nanny mo? Ba't ka hinahayaang maglaro dito? Hindi ba nila alam na delikado iyon? Next time huwag kang pumunta dito'ng mag-isa baka magpakita sayo ang white lady." Nakatingin lang ako sa lalaking tumulong sa akin. Siguro kasinlaki siya ni Kuya Joemar. White Lady daw? Tinignan ko si Kuya guwapo. May nunal sa taas ng bibig. Parang si Manjoe. Si Manjoe nga! Ba't ang laki na niya? "Hoy bata, okay ka lang? Ba't di ka naimik?" Tanong niya. Hindi niya po ako nakilala. "Okay lang ako. Thank you." Sabi ko. "Halika, ihatid kita sa loob baka maligaw ka na naman." Sabi niya. Pagkahatid niya sa akin umalis ulit siya. Sinundan ko si Manjoe. Bumalik siya sa swimming pool. Tapos bigla siyang nawala. Nasaan na kaya? Baka kinuha na siya ng white lady! Papa Jesus huwag naman po. Kasi he's my savior. Mabait na po siya at guwapo na. Nakakatakot naman dito. Aalis na kaya ako? Pero si Manjoe I need to help him. Bigla akong may narinig na boses. Baka yung white lady. Naku po! Dinig ko yung boses. Parang galing sa kubo. Dahan-dahan akong lumapit. Yung white lady yata kasi boses ng babae. Baka papatayin ang savior ko! Pagkarating ko sa tapat ng pintuan, bigla kong itinulak. Ang galing, si Manjoe kinakain ang bibíg ng white lady?! "Shìt!" Biglang binitawan ni Manjoe ang white lady na nasa sofa. "Hey bata! Ba't ka nagawi dito, ha? Sinabi na ngang bumalik ka sa loob ng bahay." Sabi ni Manjoe sa akin. "Baby, sino ba yang batang 'yan." Tumayo ang white lady at lumapit sa akin. Ah hindi po pala white lady kasi nakasuot po ng red na blouse na maiksi. Kita po ang pusod. At nakapalda ng itim na maiksi rin. "Hey kiddo, what are you doing here? Umalis ka na. Distorbo kang bata ka." Sabi ng babae. Siguro ka-edad lang din ni Manjoe. 12 years old siguro. "Bata, bumalik ka na sa loob. Baka hinahanap ka na ng magulang mo." Sabi ni Manjoe. Hindi pa rin ako gumagalaw. "Tara na bata, ihatid kita sa loob." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Baby, hayaan mo na yang bumalik mag-isa." Sabi ng babae. "No baby. Ihahatid ko muna. Bisita namin sila. Don't worry babalik ako agad." Sagot ni Manjoe. Papa Jesus, hindi na po naughty si Manjoe. He's my savior po. At ang guwapo na po niya. Pero ba't ganoon? Kinain niya ang bibíg ng babae. Bakit hindi sinabi ng teacher ko na kasama ang bibig sa Go, Grow and Glow foods? Mas magaling si Manjoe kaysa sa teacher ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD