FELIZA'S POV
"Look Feliza, I won't say sorry. Kasi nagustuhan ko ang paghalik ko sayo. It's different. It's wonderful. I won't regret it because I love it. Sana ganoon ka rin."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagustuhan niya ang paghalik sa akin? Wala sa loob kong sinalat ang ibabang labi ko. Tila nararamdaman ko pa rin kung paano niya ako halikan. Banayad at may pagsuyo. At tila ba may kuryenteng dumaloy sa aking katawan. No! I shouldn't think of that disgusting kiss. Erase! Erase! Erase!
Namula ako nang mahuli kong nakatitig sa akin si Ugok at kinagat pa niya ang ibabang labi niya.
"Masarap ba, Izang? Gusto mo
i-replay natin? Kasi mukhang nabitin ka. Sabagay ako rin naman. Nagustuhan ko." Nakangising sabi niya.
"Manjoe, the thing is, I don't feel the same way. Nandidiri ako sa halik mo!"
Pinakatitigan niya ang mukha ko matapos kong sabihin 'yon.
Tahimik lang kaming pareho hanggang sa makababa ako ng sasakyan niya.
"I want you to be my girlfriend."
Halos lumuwa ang mga mata ko sa tinuran niya.
Natigil ako sa paghakbang.
Did I hear it right? Gusto niya akong maging nobya?
For what? Dagdag sa listahan niya? Pandisplay? Parausan?
"Feliza, I said I want you to be my girl."
Seryuso at tila nangungusap ang mga mata niya. Hindi ko tuloy maarok ang takbo ng isip ni Ugok.
Hinarap ko siya.
"Manjoe look, I----"
Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko dahil nag-ring ang phone niya. Nakita kong dinukot niya ito sa bulsa niya at sinagot.
"Yes?----Oh Fritz, baby---
Okay. .....
Okay.....I'll be there. ....I miss you too. ..........
Wait for me baby."
Gusto kong tumawa ng malakas. .
A minute ago, he said he wants me to be his girlfriend then in just a few seconds may katawagan na siya. Baby pa talaga, huh?
I turned my back.
"Feliza, wait!"
Pigil niya sa akin pero hindi ko na pinansin. Tuluy-tuloy akong pumasok sa nakabukas na gate.
Hindi ko forte ang larong gusto niya. So why play with him kung alam kung dehado ako? A player will always be a player.
Hindi ako ipinanganak kahapon.
I have come across a few of them and they don't change.
A player like Manjoe is just a d0uch€ bag who's insecure and is afraid of commitment, and can't stick with one girl which more than likely has an STD from all the h0€s he's slept with. Because players need to look cool around their male friends and feel validated or accepted because they need to be the top alpha male, of course with how many women they sleep with and a score is like a bonus pack if it's a really hot chick that their other male friends think of because males need reassurance from their friends if she's hot or not, if they can get in her pants or not.
Usually these type of guys can't be trusted.
Its really hard to get involved with a player since he loves ho€s so much. It's all competition of who can scr€w that girl, that's how most men like him are like. Also they probably are insecure of how they have s€x, since women are players to and scr€w men and leave!
And if a player do fall for a lady it only takes a few months for him to lose interest and start with his old habits again. They will never be satisfied and will never realized that there will always be beautiful women every where but not all come with a good heart.
I know people change and grow up and learn along the way but not Manjoe! Manjoe is an exemption to that. He will never changed. He will always be a mānwhōre. Nothing or nobody can knock him out from being a jerk.
That's why I'm doing myself a favor. That is to avoid him because he will only cause me nothing but heartbreak.
******
A week have passed. And I'm so, so glad dahil hindi kami nagkabanggaan ni Manjoe. Hindi rin siya um-attend sa mga subjects kung saan magkaklase kami. Hindi naman iyon nakapagtataka. If I know, abala na naman sa mga babae niya. Lihim akong nagbunyi dahil hindi ko nakita ang hilatsa ng pagmumukha niya.
Habang naglalakad ako sa tapat ng CTE, hindi ko napansin na may plastic cup pala akong natapakan kaya nadulas ako.
May nakakita pala nang pagkadulas ko, grupo ng kalalakihan at parang nagtawanan sila. Paglingon ko sa kanila tumigil sila sa pagtawa maliban kay Ugok!
Yeah grupo ni Ugok 'yon! Sobrang nainis ako. How dare him para pagtawanan ako! Iniwas ko nalang ang tingin ko at naglakad like nothing happened.
"Izang, hintay! Sabay na tayong umuwi."
Habol ni Ugok sa akin. Ngunit tuluy-tuloy akong naglakad palayo. Laking pasasalamat ko nang hindi na niya ako hinabol pa.
Paglingon ko, namataan ko si Ugok na nakaakbay na sa isang babae. And wait, yung babaeng kahalikan niya noon sa kubo 8 years ago.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang sobrang pagkairita. Nakakabanas! Walang patawad ang kalandian. Kung maghalikan sila ng babae akala mo silang dalawa lang ang tao dito!
Hindi man lang nahiya sa mga estudyanteng dumaraan!
*********
Napawi ang hindi magandang mood ko pagkauwi ko sa bahay.
Nadatnan ko kasi si Tita Ninang sa aming sala.
"Princess! I'm glad nandito ka na! Kanina pa kita hinihintay."
Sinalubong ako ni Tita ng yakap at ginantihan ko naman. Kahit dalaga na ako princess pa rin ang tawag sa akin. Feeling ko ang payat-payat ko pa rin at bungi kapag tinatawag akong ganun. Pero sadyang matigas din ang ulo ni Tita Ninang. Kasi ganun pa rin ang tawag sa akin.
"I miss you Tita Ninang!"
Sabi ko sabay halik sa pisngi nito.
"Ikaw naman kasi, Iha, hindi ka na dumadalaw sa bahay. Siguro may nobyo ka na kaya hindi mo na ako maalala." Naka-pout na turan nito.
"Wala po. Busy lang po ako sa studies ko. Lalo na malapit na po akong magtapos".
"Oo nga pala. Graduating ka na at candidate for Summa c*m Laude pa! Kahit kailan talaga ang talino mong bata at ang ganda-ganda pa. I'm so proud of you! Nakakainggit talaga ang Daddy mo for having you as his daughter."
Nginitian ko lang si Tita Ninang. Sanay na kasi ako sa ganyang papuri na paulit-ulit.
"Are you okay, Tita Ninang? May problema po ba?"
Nag-aalalang tanong ko nang mapansin kong lumungkot ang mukha nito.
"Naisip ko lang si Manjoe, Iha. Sobrang namomroblema ako sa kanya. Kung sino-sinu ang iniuuwi niyang babae sa kanyang condo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa anak kong iyon. Ayukong magkaroon ng mga apong puro bastardo."
Tahimik lang akong nakinig sa paghihimutok nito. Mabuti nga't napipigilan ko ang bibig ko. Sasabihin ko sanang ipabartolina na lang nito ang anak niya para magtanda o kaya'y ipatapon sa gubat na puno ng maiilap na hayop.
"Mas lalo akong nababahala ngayong bumalik ang dating girlfriend niya, Iha. Nalaman kong hindi na uma-attend sa klase niya si Manjoe. At tanging ang babaeng yun ang kasa-kasama niya. Hindi ako pabor kay Fritz Asuncion para sa anak ko. Lalong naliligaw sa tamang landas si Manjoe."
"I'm sorry to hear that, Tita Ninang. Hindi naman kayo nagkulang sa pagpapalaki sa kanya. Kung may magagawa lang sana ako para magtino ang lalaking iyon."
Umiiling-iling kong sabi.
"May magagawa ka, Iha."
Maang akong tumingin kay Tita Ninang.
"Kaya ako nagpunta dito kasi may hihingin akong pabor sa'yo."
"A-ano po iyon?"
"I want you to be his girlfriend, Feliza."
"Po?"
Hindi ko alam kung namali lang ako ng pagkakarinig.
"Be my son's girlfriend, Iha. Alam ko ikaw lang ang makakapagpatino sa kanya. Sigurado ako, mababago mo siya."
Puno ng kumpiyansang sabi nito.
"I don't think so Tita Ninang. We can never changed a person unless he wants to. Hindi po natin mababago ang takbo ng isip ni Manjoe. He makes his own choices in life like we do. It's very difficult to make that type of change we want him to do. Hindi po robot si Manjoe. Baka mas lalo lang po'ng lumala ang lahat. He has this attitude na kapag pinigilan natin siya sa isang bagay ay mas nagiging pakawala siya."
"He needs you, Iha. My son needs someone like you.
When a boy becomes a man he realizes having one special woman is precious and he won't want to mess that up by playing with some random chick that is just a few minutes of pleasure. He needs a special woman who can touch his heart so that he won't want to mess that up.
Iha, I know you have a
special space in my son's heart. I can feel it, the way he look at you."
"Baka nagkakamali lang po kayo. Hindi namin gusto ang isa't isa."
"But there's a lot of what if's, Iha.
What if ikaw nga ang makakapagpabago sa kanya? What if ikaw ang gusto niya na hindi niya makuha-kuha that's why he ends up playing to cover up his insecurities? What if mahal ka ng anak ko?"
"I don't know what to say Tita Ninang. I want to help pero...pero hindi solusyon ang pagiging girlfriend ko sa kanya."
" I understand you, Iha. But can you atleast give it a try?"
Puno ng pagsusumamo ang mga mata ni Tita Ninang. Hindi ako sanay na makita siyang ganito kadesperada. Siguro bilang isang ulirang ina gagawin nito ang lahat mapabuti lang ang anak. Manjoe is just a lucky ungrateful son for having a mother like her.
Dahil sadyang nabiyayaan ako ng
malambot na puso, pumayag ako.
What will I get? Yan ang hindi ko alam. Sana lang hindi masisira ang buhay ko sa gagawin kong ito.