MISS Cosme, you can sign the contract now,” inabot ni Dianna---ang sekretarya ni Mr. Del Fredo---ang isang kontrata upang ma-pirmahan niya. Ito ang inatasan ng lalaki upang papuntahin sa kanya at ang magbibigay ng halagang kinakailangan niya. Hindi niya inaasahan na makakarating ito kaagad. Ngunit heto at narito na nga ang babae. She need a million pesos for her brothers operation. So she didn’t think twice and signed the paper right away. Hindi niya nais magisip pa ng mga bagay bukod sa katiyakan na dapat mailigtas ang kapatid niya. Hindi naman siguro siya ipapahamak ni Mr. Del Fredo. Mukha namang mabait ito na tinatago lang ng madilim na emosyon.
“Hindi mo man lang binasa ang mga nakasulat bago mo pirmahan.” Pormal na saad ni Dianna sa kanya.
“Kahit naman basahin ko o may makita akong hindi maganda sa mga nakasulat, wala pa rin akong mapagpipilian kundi ang pirmahan ‘yan.” Napapagod niyang sagot. Magdamag siyang puyat sa pagbabantay ng kanyang kapatid. Hapo rin ang katawan niya dahil paroon at parito siya upang bumili ng mga kailangang gamot ng kapatid. Kulang naman kasi ang supply ng hospital na pinag-admitan ng huli.
Hindi na niya pinapunta pa ang mga magulang rito sa hospital sapagkat matatanda na ang mga ito. Siya ang kumilos sa ngayon at walang karelyebo.
“I understand. Anyway, here’s the cheque. Unang pambayad tulad ng hiling mo. You can encash this anytime.” May inabot muli ito sa kanyang malutong na parihabang papel at may nakasulat roon na karampatang halaga. “Maliit pa lang ‘yan kumpara sa makukuha mo’ng halaga sa pinirmahan mo na kontrata.”
Walang alinlangang tinanggap niya iyon. “Maraming salamat. Pakisabi na rin kay Mr. Del Fredo, na pasensya na sa abala.”
“May isang salita si Mr. Del Fredo. Hindi abala ang bagay na ito kung alam niyang makikinabang siya,” ani Dianna. “Pinapasabi nga rin pala niya na kailangan mo’ng pumunta sa penthouse niya bukas upang mapagusapan ninyo ang mga dapat mong malaman.”
“B-bukas? Pero ako ang magbabantay sa kapatid ko.” Kailangan niyang i-monitor ang kalagayan ng kapatid.
“If I were you, Miss Cosme—”
“Olivia na lang dahil masiyadong pormal,” mabilis niyang sansala rito.
“Okay, Olivia. As I was saying, kung ayaw mo siyang makitang magalit, susundin mo siya. Co’z you won’t like him when he’s mad. Just a friendly advice.” Opinionated nitong sabi.
Napabuntong hininga siya. Pinasok niya ito kaya hindi na niya maaring atrasan o ayawan. Sa kasalukuyan ay hindi na niya hawak ang sarili. Si Mr. Del Fredo, na ang amo niya at kailangang sundin sa lahat ng oras. Kasehodang may importante siyang ginagawa.
Napipilitan man ay tumango siya. “Sige. Pupunta ako.”
“Good. I’ll text you the address later. Mauuna na ako.” Paalam nito at tipid na ngumiti. Pagkatapos ay nawala na sa kanyang paningin.
KAAGAD na in-encash ni Olivia ang tseke sa bangko. Pagkabalik sa ospital ay dumeretso siya sa cashier upang mabayad ng halaga para sa operasyon ng kapatid. Nang matapos ang pagbabayad ay bumalik siya kwarto ng kapatid na noo'y wala pa ring malay. Nagulat siya nang maabutan si Heat roon. Nakaupo sa sofa habang binabantayan ang Kuya Brando niya.
Lumingon ito sa kanya nang maramdaman ang presensya niya. “Bakit nandito ka?” tanong niya.
“Visiting him. What’s wrong with that?”
Napabuntong hininga siya. Dapat hindi niya ito sungitan dahil dumadalaw lamang ito. Kailangan niya din bawasan ang pag-kainis rito. Pero ang huli, consistent pa rin ata sa kayabangan.
“Paano mo nalaman na nandito sa hospital si kuya?” tanong niya habang inayos ang kumot ng kapatid.
“Sa mga magulang mo. Nagalala ako kay Brando, kaya pumunta ako dito sa ospital,” rason nito.
Napanguso siya. Marunong pala itong mag-alala. Sabagay, ay kaibigan ito ng Kuya Brando niya at malapit sa isat-isa. Sa pagkakaalam niya ay parang magkapatid ang turingan ng dalawa. Ang akala niya puro kayabangan lang ang alam nito.
“How’s Brando, anyway?” nahimigan niya ang pag-aalala sa boses nito.
Malalim ang pinakawalan niyang paghinga. “Kailangan niyang operahan. May mga vital organ siyang natamaan sa pagkakasaksak sa kaniya.”
Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni Heat at ang patago nitong pag-kuyom ng kamao. “How much it cost?”
“M-milyon ang kailangan.” Bakit naman kaya nito natanong?
“I’ll help you, Olivia. I will shoulder all the expenses. Sasagutin ko ang lahat nang gagastusin sa operasyon ni Brando.”
Hindi niya napigilan ang matawa. “Ikaw ang magbabayad? Alam mo nakakatawa ka, Heat. Alam ko mayabang ka pero hindi ko sukat akalain na kahit sa ganitong pagkakataon eh magyayabang ka pa rin. Huwag ka nga magbiro diyan.” Sumakit ang tiyan niya sa pagtawa.
“Mukha ba akong nagbibiro?” Seryosong sabi nito. “I’m dead serious.”
Mas lalo siyang natawa. “Aber, paano mo gagawin iyon? No offense sa itatanong ko ha. Kailan pa tumaas ang sahod sa pagiging bodegero? Mas may tiyansa pa nga yata akong kumita ng milyon sa pagkuskus ng inidoro eh.”
Hindi naman sa hinahamak niya ang uri ng trabaho at pagkatao nito pero totoo naman ang sinasabi niya. Walang yumayaman sa pagiging bodegero lamang. O, kahit nga magtrabaho ng walang humpay ay hindi yayaman. Ang nakapagtataka, parang hindi nito alintana ang mga iyon.
“Don’t laugh at me, Olivia. You don’t know me,” anito na tila nagbago ang ekspresyon ng mukha.
Ipinagsawalang bahala niya iyon at pinagpatuloy ang pagtawa. Hindi kasi siya makapaniwala. Ang taas talaga ng ere nito sa katawan. Hanggang sa bigla na lang itong dinamba ang braso niya at ipiniid sa pader. Nagulat siya sa inasal nito at napalunok. Nagtitigan silang dalawa. Nasaktan kaya ito sa sinabi niya? Hindi niya sinasadya na matamaan ang ego nito.
“Oy, nagbibiro lang ako. ‘Wag kang seryoso diyan.” Nakaramdam siya nang kaba at ligalig.
“Huwag mo ko’ng minamaliit, Olivia. Wala kang alam sa akin,” anito at mas idiniin pa siya sa pader. “Hindi ako marunong magyabang. Kapag sinabi ko, ginagawa ko. Sa susunod na maliitin mo ang tulad ko, hahalikan na kita,” pagkasabi nito ay saka lamang lumuwag ang espasyo nila sa isat-isa. Walang lingon itong lumabas ng kwarto.
Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Anong problema non? May topak ba ito?