MATAYOG na penthouse ang nabungaran ni Olivia. Tulad nang sinabi ng sekretarya ni Mr. Del Fredo na si Dianna. Maaga pa lamang ay narito na siya kung saan nakatira ang magiging amo niya. Kahit nasa labas pa lamang siya ay na pa-wow na siya sa napakagandang disenyo ng naturang penthouse. Nag-desisyon siyang pindutin na ang doorbell ng entrance. Matagal ang inabot bago siya pinagbuksan ng isang katulong. Nginitian niya ang may kabataan pang maid. “Hello. Ako nga pala si Olivia Cosme. Pinapupunta ako rito ni Mr. Del Fredo.” “Ah. Si Sir Gaurish, ba? Hala sige pasok ka, ma’am.” Binigyang daan naman siya nito upang tuluyang makapasok. Nailang siya bigla sa pagtawag nitong ‘Ma’am’ sa kanya. “Anong gusto mo’ng inumin? Gatas na may tsoko o tsoko namay gatas? Endorser ba ito ng bearbrand? Na-wi

