NAGISING si Olivia mula sa kawalang-malay. Kaagad niyang inilibot ang mata sa lugar. Nasa loob siya ng opisina. Marangya, mabango at malaki. Sinubukan niyang kumilos ngunit ang kamay niya ay nakagapos, gano’n rin ang kanyang mga paa. Naka-lotus posisyon siya ngayon sa isang mahabang sofa. May busal ang bibig habang impit na umuungol.
“Glad you’re awake.”
Isang barotinong boses ang pumasok mula sa pinto pagkatapos ay iniluwa roon ang isang lalaking abuhin ang mata. Nanlaki ang mata ni Olivia nang makilala ito—si Mr. Gaurish Del Fredo.
Ito ba ang kumuha sa kanya sa bodega? Isip-isip niya.
Lumakas ang ungol niya. Nag-mistula siyang uod sa kagustuhan niyang makakilos.
“Stop moving, Miss Cosme. Mapapagod ka lang,” naglakad ito palapit sa kanya at saka inalis ang busal niya sa bibig.
“Pakawalan mo ko, Mr. Del Fredo! Mahirap lang ang pamilya ko kaya wala silang ipang-ra-ransom sa akin!” singasing niya kaagad rito. Alam niyang galit ito sa kanya sapagkat binato niya ito at sinipa sa tuhod. Ngunit hindi niya naisip na hahantong sa sukdulan na ipa-ki-kidnap pa siya nito. Mas lalong nagulo ang isip niya. Baka totohanin nito na ipatapon siya sa labas ng Pilipinas.
“You're right, Miss Cosme. Wala nga namang pera ang mga magulang mo para piyansahan ka. Pero ako, marami. At kayang kaya kitang ipatapon sa dead sea at ipakain sa mga pating,” pananakot ni Mr. Del Fredo sa malalim na boses.
Lumaki ang butas ng ilong niya. Pati na rin ata ang tumbong niya ay naki-join force. “Maawa ka! Gusto ko pa mapaayos ang bahay naming, Mr. Del Fredo! Gusto ko pang makapag-asawa ng AFAM at yumaman! Ayokong mamatay na virgin!”
Pagkasabi noon ay pumasok ang lalaking naka-cardigan na parang tulad sa isang detective. Nakagat niya ang ibabang labi. Bahagya siyang nahiya sa isinigaw niya.
“Finally you’re here, detective,” wika ni Mr. Del Fredo na hindi man lang tinablan sa pakiusap niya. Acting like a heartless billionaire ang peg nito.
“Mr. Del Fredo, ito na ang mga kontratang pinadadala niyo sa akin. Ang mga nalikom kong detalye tungkol sa nag-ngangalang, Olivia Cosme,” anang bagong dating na detective. Inabot nito ang folder kay Mr. Del Fredo at tinanggap naman ng huli.
“Ako ‘yon ah! Ako si Olivia Cosme! Bakit mo ko pinaimbestigahan, Mr. Del Fredo? Wala akong kaso! I’m clean. Malinis ang record ko! I-check mo pa sa National Bureau of Investigation!” nakakabinging sigaw niya sa mga ito.
Napatakip naman ng tainga ang detective at tumikhim. Tila naiirita sa pagsisigaw niya.
“Will you please shut your mouth o tutuluyan na talaga kitang ipakain sa mga pating?” asik ni Mr. Del Fredo sa kanya. Nadepina tuloy ng husto ang hugis ng jawline nito.
Naitikom niya ang bibig hindi dahil sa takot kundi dala ng kagwapuhan nito. Imbis na matakot ay tila hinahangaan pa niya pa ang pagka-dominante ng binata. “Gwapo ka sana kaso kidnaper naman,” nagmamarkulyong dagdag niya.
“So detective, anong masasabi mo sa kanya? Did she look like a Pajanel?” tanong ni Mr. Del Fredo sa detective.
“Kamukha nga siya ni Senyor Rodrigo. Magagamit mo siya sa mga pinaplano mo, Mr. Del Fredo. Sayang lamang at hindi siya ang totoong nawawalang apo. Kung nagkataon, hindi ka na mahihirapan pa,” komento ng detective.
Samantala, wala naman siyang pakialam sa pinaguusapan ng dalawa dahil nakaramdam siya nang pagkagutom. Hindi pa nga pala siya nagmemeryenda bago siya kidnapin ng damuhong Mr. Del Fredo na ito. Nananakit na ang kalamnan niya sa pagkakahiga. She wanted to sit but she canno’t move properly.
“Good. At least, I have found the perfect one. At first, I didn’t noticed her resemblance to the old Pajanel. But looking at her now, nakikita ko ang pagkakahawig nilang dalawa,” sang-ayon ni Mr. Del Fredo sa detective habang matamang nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito.
“Tama ka, Mr. Del Fredo. Ang problema na lang ay kung paano mo mapapapayag ang babaeng ito na magpanggap.”
“I have my ways.” Tipid lamang na sagot ni Mr. Del Fredo.
“Okay then, iwan ko na kayong dalawa. May aasikasuhin pa ako. Goodbye, Mr. Del Fredo,” paalam ng detective.
Tumango lamang si Mr. Del Fredo bilang pag-sangayon. He did not even smile to the detective. Walang ka-manner manner. Bagsak siguro ito sa values education noong nag-aaral ito. Iyon ang mga tumatakbo sa isip niya at hindi niya namalayang nasa harapan na niya si Mr. Del fredo. Hindi lamang basta nasa harapan, kundi hibla lamang ang layo nito sa mukha niya. Nahugot tuloy niya ang hininga.
Jusko! Gutom ako baka maamoy niya ang ulam na kinain ko kagabi kapag huminga ako! Tinamaan siya nang pagiging conscious.
“Listen, pakakawalan kita mula sa pagkakatali sayo basta makikinig at papayag ka sa mga sasabihin ko.”
Tumango na lamang siya rito. She doesn’t want to speak. Baka maamoy nito ang amoy ng ginamos na ulam niya kagabi.
“Good,” anito.
Muntikan na siyang maihi nang ngumiti ang lalaking mailap sa emosyon. That was a rare smile. And a genuine one.
Kinalag nito ang mga gapos niya at laking ginhawa niya nang makaupo siya nang maayos sa sofa.
“Paano mo ako nadala dito? Nasa bodega ako kaya paano mo ako nailabas sa mall?” gagad niyang tanong rito.
“Hindi kita nailabas. Narito ka pa rin sa establisyemento ko. Iyon nga lang, narito ka sa aking opisina. And yes, isa sa mga pagmamay-ari ko ang mall na pinagtatrabahuan mo.”
Namangha siya sa narinig. Wala siyang kamalay-malay na ang pinapasukan niyang mall ay isa lang sa pagmamayari ni Mr. Del Fredo. He was filthy rich. She cannot deny that.
“P-pero bakit mo ba ako dinala rito?” tanong niya.
“Nakalimutan mo na ba ang atraso mo? You kicked my knee and I got hospitalized because of that. Be thankful that I didn’t file a case. For now.”
For now? Ibig sabihin may chance?
Alanganin ang ngiti ni Olivia sa lalaki. “Patawarin mo na ako Mr. Del Fredo, alam mo kasi minsan talaga sadista ako. Kapag inaatake ako ng nerbyos, hindi ko mapigilan ang sarili ko manakit,” palusot niya. Hindi talaga siya ganoon. Napilitan lamang siyan gawin iyon upang makatakas.
“Don’t worry, I will forgive you once you agree to my proposal.”
Proposal? As in mag-po-propose ito sa kanya? Teka, hindi pa nga ito nanliligaw ay magpapakasal na agad sila? Ang bilis naman ata nito kumambyo. Hindi porket sinabi niyang virgin siya ay desperada na siyang ma-ikasal.
Napahawak siya sa kanyang dibdib na parang pinoprotektahan ang dangal. “Wag po koya, wag po. Marupok ako,” aniya na parang linya sa isang eksena.
Napakunot noo naman ito sa kanya. “What are you saying?” nagugulumihanang wika nito.
“Hindi pa ako handang ma-ikasal Mr. Del Fredo. I'm sorry but I’m declining your proposal. Humanap ka na lang ng babaeng mamahalin ka.”
Napangiwi ito sa kanya at naiiling na tiningnan siya. “I’m sorry to burst your bubble, Miss Cosme, but I’m not planning to marry you. Ang proposal na sinasabi ko ay ang magpanggap ka bilang tagapagmana.”
Siya naman ngayon ang nagulumihanan sa sinabi nito. Magpapanggap na ano? “Pakilinaw nga please.”
Tumayo ito at mala-toreng tumunghay sa kanya. “You need a job right? In fact, sa sobrang kailangan mo ng trabaho, you even stalked me anywhere. Nagawa mo’ng ipasagasa ang sarili mo para lang makausap ako na tanggapin ka sa trabaho. Am I right?”
Tumango siya nang sunod-sunod. Wala talagang maililihim kahit maliit na sekreto mula rito.
“Deretsuhin mo na ako.”
“I'm giving you a chance, Miss Cosme. Na maaring makapagpabago ng buhay mo. One hundred million pesos, kapalit ng pagpapanggap mo. Plus, hindi na kita idedemanda sa p*******t mo sakin.”
Tila nalula si Olivia sa lahat ng pinagsasabi ni Mr. Del Fredo. Hindi maarok ng tiny brain cells niya ang lahat. Willing itong bayaran siya ng isang daang milyon para lang pumayag na magpanggap? Ano namang klaseng pagpapangap ang kailangan niyang gawin at ganoon na lamang ito mag-waldas ng pera.
“Anong klaseng trabaho ba talaga ang gagawin ko?” Nagawa niyang itanong sa wakas. Bagamat may ideya na siya base na rin sa narinig niyang paguusap nito at ng detective ay kailangan pa rin niya ng kompirmasyon.
Ngumisi ito. Nakakatakot ang ngisi nito na naghatid nang kaba sa kanya. “I am finally hiring you, to be the fake heiress of Pajanel Clan.”