Third Person POV:
Nakalumbabang nakatingin sa kawalan si Trisha ng dumating ang sasakyan ng kanyang kapatid na si Tristan. Mula sa veranda nila ay tanaw-tanaw niya ito bumaba ng sasakyan. Agad naman ito napansin ni Tristan kaya lumapit ito sa kanya. Umupo ito sa katabing upuan nito at inilapag ang dalang starbucks coffee.
"Problemado?" tanong sa kanya ni Tristan. Agad naman itong napabuntong-hininga.
"Kuya, naalala mo yung kinuwento ko sayo dati? yung babaeng nagligtas sa akin sa rumaragasa na truck?" makahulugang tanong nito.
"Uh yeah? what about her?"
"Narinig ko silang mag-usap ng ex niya ata yun kanina sa rooftop. Nalaman ko yung sikreto niya."
"You mean, kaklase mo yun?"
"Schoolmate lang, kuya. Ay tama! di ko pala nachika sayo pero, alam mo bang noon nalaman ko na schoolmate ko pala siya, gusto ko sana siyang kaibiganin kaso napapalibutan siya ng mga seniors ko eh. Head din kasi siya sakin ng isang taon. Maraming kaibigan si ate Luna kaya sino ba naman ako para kausapin niya diba." kwento ng dalaga at sinimulan inumin ang dala ng kanyang kapatid.
"Luna?" takang tanong ng binata.
"Yep. Luna Sia ang pangalan niya. Bakit kilala mo ba siya, kuya?"
"I met her last week sa mall, and tita Lucille says that she is a daughter of a maid." sagot ng binata.
"MAID?!" gulat na tanong ng dalaga. Sino ba naman ang hindi, eh alam niya kung sino talaga si Luna sa pamilyang iyon.
"Yes, yun ang sinabi sa akin ni tita Lucille noong minsan pumunta kami sa kanila."
"What the f**k?! eh hindi naman anak ng katulong si ate Luna eh. Totoong anak siya ni tito Mike!" galit na sabi ng dalaga.
Hindi naman makapaniwala ang binata sa kanyang narinig. "What do you mean totoong anak?"
"Narinig ko yung sinabi ni ate Luna sa transferee namin, ex niya ata yun. Ang pagkakaalam ng lahat ay adopted child ng mga Sia si ate Luna pero hindi k-kuya. Anak talaga siya sa labas ni tito Mike, sa ibang babae..."
"W-what the hell? bakit nagsinungaling si tita Lucille?"
"Kasi ayaw matanggap ni tita si Luna. Kaya mula pagkabata nito, pagiging ampon a ang trato nito sa kanya. At hindi lang yun kuya, sinasaktan din nila palagi si ate Luna. Nakita ko yung mga pasa niya sa buong katawan. Kuya, please tulungan natin si ate Luna!" nagmamakaawang sambit ng nakakabatang kapatid nito.
Gulat na gulat man sa mga narinig ay nagawa pa din makaisip ng paraan si Tristan para kay Luna. "Bantayan mo siya sa school niyo. Mag h-hire ako ng private investigator para may magbantay at mag imbestiga sa kanya. Wag kang mag-alala, we will help her." sabi ni Tristan at binigyan ng assurance smile ang kapatid.
Napangiti naman si Trisha at agad niyakap ang kanyang kapatid. "Kung wala lang jowa si ate Luna, ship ko na sana kayo ni ate Luna, kuya." pabirong sabi nito. Pero para kay Tristan ay naghihinayang na ito. Paano ba naman kasi, alam niya sa sarili niya na gusto niya si Luna pero mukhang madedelay ang love story nila dahil may nobyo na pala ang dalaga.
Pagkatapos mag-usap ng kapatid ay sinimulan na ni Tristan ang pagpapaimbestiga niya sa dalaga. Kinausap niya ang iba't-ibang private investigator niya para alamin lahat ang tungkol kay Luna at sa mga taong nakapalibot nito.
Hindi rin makapaniwala ang binata na sa likod ng respetadong pangalan ng Sia at ang magandang reputasyon nito ay may mga baho pala silang tinatago. Mga hipokrito. Paano nila nagagawang tumulong sa ibang mga bata kung mismong kadugo nila ay inaabuso at sinasaktan nila. Walang ibang nararamdaman ang binata kundi poot at galit sa mga nanakit sa dalaga. Ipinangako niya sa sarili niya na darating ang araw, babalik din ang karma sa mga taong iyon.
At sa araw na yon, ay magbabago ang buhay ng mga karakter sa storya.