Third Person POV:
"Sorry kung trinaydor kita..." sambit ni Yvvo at napaluhod ito sa harapan ni Luna.
"Nagmakaawa din ako sa iyo, Yvo... Lumuhod din ako, ilang beses akong humingi ng chance sayo para magpaliwanag." hikbing sabi ni Luna. "Pero hindi ka nakinig... Hindi mo lang ako trinaydor, tinalikuran mo rin ako..." dagdag na sabi nito.
Sinubukan naman abutin ni Yvo ang kamay ng dalaga pero agad naman niya tong nailayo. "Naging selfish ako. Nabulag ako sa pansariling kagustuhan ko. Naging immature ako. And I'm sorry for that..." naiiyak na sabi ng lalaki.
"Hindi mo lang alam Yvo, pero ikaw at ang eskwelahan ang naging takbuhan ko para sa makatakas sa reyalidad, sa mga Sia. Ikaw yung naging kakampi ko kahit wala kang kaalam-alam sa mga nangyari sa buhay ko sa bahay. I trust you. I f*****g TRUST YOU!!" umiiyak na sabi ni Luna.
"Sorry...I'm so sorry.."
"Ang sabi mo... You'll stay kahit na ampon ako, pero you just used it, against me. Nakakatawa lang kasi imbes alamin mo yung kalagayan ko bilang isang Sia, eh mas dinagdagan mo pa yung pagdurusa ko... Fun fact Mr. Genius, living with them is like living with my demons in hell..." napangiti ng mapit si Luna na agad naman ikinataka ni Yvo.
"Anong ibig mong sabihin?" napaawang ang bibig ni Yvo nang tanongin niya iyon.
"Totoong Sia ako, bastarda nga lang. Bunga ako ng pagkakamali ng ama ko sa isa lawyer na naging kasosyo niya minsan sa business. Hindi ko alam kung bakit ako binuhay ng totoong ina ko kung ipamamimigay niya lang din pala ako sa mga demonyo. Baby pa lang ako, mga kasambahay na ang nag-alaga sa akin at sa mismong kwarto ng mga katulong ako lumaki. Mula ng pagkabata, palaging pinamumukha sa akin ng totoong asawa ng ama ko, si Lucille na isa lang akong ampon, na sampid lang ako sa pamilya nila. Palagi nila sinasabi yun sa akin, kaya yun din ang sinabi ko sayo noong nagtanong ka minsan sa akin. Pero hindi lang yun ang naranasan ko sa kanila, Yvo. Ito rin..." sambit ng dalaga, at kasabay nun ay ang pagtanggal niya ng kanyang mask at jacket.
Naging dahilan ito para mapatayo sa gulat ang binata at pinagmasdan ang kabuuan nito. Namumula ang pisngi at may pasa sa gilid ng labi. May sugat at pasa din ang kanyang mga braso. At higit sa lahat, hindi nakatakas sa mga mata niya ang nakabendang pulsohan ni Luna.
"W-what the hell did they do to y-you?..." mahinang tanong ng binata.
"Ganito palagi ang sumasalubong sa akin sa tuwing uuwi ako sa bahay na yun. Mas nagiging malala sa tuwing, nagkakamali ako...Alam mo ba kaya wala akong choice kundi ang mag-aral ng mag-aral? ay dahil sa bawat maling sagot ko ay katumbas nun ay isang sampal mula mismo sa ama ko. Kaya hindi mo ako masisi kung bakit..." naiiyak na sabi ni Luna at napasinghap ito.
"Kung bakit nagawa kong hindi tanggihan iyon. Kahit alam kong magiging dahilan iyon ng pag-aaway natin dalawa..."
"PERO BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN ANG TOTOO?!" nagmistulang bulkan na sumabog si Yvo ng malaman lahat ng nangyari sa dalaga. Hinawakan niya ang balikat ni Luna at pinaharap sa kanya. Kapwa umiiyak at nagmamakaawa ang mga mata.
"Kasi ikaw na mismo ang nagsabi, Yvo... na mayaman sila. Ayokong may mangyaring masama sa iyo at sa pamilya mo kaya nagawa ko iyon. Akala ko maiintihan mo ko kahit hindi ako magsabi sayo, pero hindi Yvo... maling-mali ako sa pagkakilala sa iyo." napaluhod ang dalaga sa sobrang bigat ng nararamdaman.
"Simula noong trinaydor mo'ko, hindi lang ang bahay ang naging impyerno para sa akin, kundi pati eskwelahan na din. Araw-araw Yvo... araw-araw ako umuuwi at pumapasok na may mga pasa at sugat sa katawan, habang ikaw... nagpapakasaya."
"H-hindi ko a-alam..." nahihiyang sambit ng binata.
"Paano mo nagagawang sumaya, habang ako nagdurusa?..."
"Walang araw na hindi ko pinangarap na mamatay, Yvo. At dahil yun sa kagagawan mo..." napaluhod sa harap ni Luna si Yvo a hinawakan ang pisngi nito.
"I'm sorry, Luna. I'm so f*****g sorry..." naiiyak na sambit ng binata.
"Wala ng silbi pa ang mga sorry mo, Yvo. At hindi ko alam kung mapapatawad pa ba kita." sabi ng dalaga at tumayo na. "Wag mo na kong kulitin pa tungkol sa bagay na iyan bilang respeto na din kay Carter." sabi nito at akmang aalis na.
"Alam ba ni Carter ang lahat ng to?" tanong ni Yvo.
"Hindi pa..."
"Pero boyfriend mo si carter, Luna. May karapatan siyang malaman ang lahat!"
"Huwag kang mag-alala, sasabihin ko din sa kanya ang lahat. Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon." sambito at tuluyan ng umalis.
Ang hindi alam ng dalawa ay may isang tao ang nakarinig sa buong usapan nila. Mula sa bubong ng hagdanan ng rooftop, ay naroon ang isang dalaga na nagngangalang...
Trisha De Silva.
Nakababatang kapatid ni Tristan at isa sa mga natulungan ni Luna noong mga panahon na iniwan siya ng lahat. Matagal ng gusto ng dalaga na maging kaibigan si Luna pero napapalibutan ito ng iba. Kaya ngayon alam na niya ang lahat tungkol kay Luna ay hindi niya mapigilang maawa sa sitwasyon nito. Kaya simula ngayon, nakapagdesisyon siya, na sa araw na iwan ng lahat si Luna ay siya mismo ang sasagip at tutulong dito.