Chapter 8: Apology

1167 Words
Luna's POV:  I am currently preparing my things when I hear some noise outside in my room. Mas binilisan ko pa ang aking kilos at ng macheck ko na wala na akong naiwan pa ay bubuksan ko na sana ang pinto ng naunahan ako nito sa pagbukas. Napaatras ako ng bumukas ang pinto. Sinalubong ako ng sampal ni Mrs. Lucille. Napaawang ang aking bibig at napahawak ako sa aking pisngi. Malakas ang pagkakasampal niya at alam kong namumula at nag iwan ito ng bakas. "Akala mo ba hindi ko nakalimutan ang ginawa mo noong nakaraang araw ha?!" sigaw niya sa akin na naging dahilan para mapayuko ako. "Kabilinbilinan ko diba na wag kang lalabas ng kwarto mo dahil makikita ka ng mga bisita?! Ano! nabagok na ba yang utak mo at hindi ka nakaka intindi?!!" Patuloy na sigaw nito at sinampal ulit ako but this time, mas malakas ito kumpara kanina. "Manang! Akin na yung baston ko!" utos nito at agad naman binigay ng katulong ang baston. Agad niyang pinalo sa aking braso ang baston. Halos manginig ako sa sakit. Narinig ko ang pagsinghap ng mga katulong na nakakita. "SINUSUWAY MO NA TALAGA AKO HA! PARA MAGTANDA KA, WALANG ALLOWANCE FOR TWO MONTHS. BAHALA KA NA SA BUHAY MONG PUNYETA KA!" sabi niya at tumalikod sa akin. Bago pa man siya makalabas ng kwarto ko ay tumingin siya sa mga katulong. "walang magpapakain sa babaeng yan kundi tanggal na kayo sa trabahong ito." bilin nito, saka tuluyang lumabas sa kwarto. Agad naman lumapit sa akin ang mga katulong at tinulungan ako tumayo. I hissed when the maid touch my left arm. Tiningna ko ito napansing nagkapasa pala yung pagkakapalo sa akin. "Napaka salbahi talaga ni ma'am Lucille. Kung di ko lang talaga kailangan ng pera, matagal na kong umalis dito." sabi ni manang Feli at inalalayan ako umupo. Pumasok naman sa aking silid si yaya Mildred na may dalang first aid kit. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko. "Pasensya ka na Luna, ha? Ang akala ko ay di na siya magagalit sayo pero mukhang mainit ang ulo niya kagabi dahil nag-away sila ng daddy mo. Siguro naalala niya yung ginawa mo noong sabado kaya ikaw na naman napabuntungan niya ng galit." kwento nito at sinimulang gamutin ang aking sugat sa mukha. Nagkaroon ng cut sa gilid ng labi ko kaya kinakailangan kong takpan ito ng mask mamaya. "Okay lang po, yaya. Kasalanan ko din naman po." sabi ko. "Papasok ka rin ngayon?" tanong ni manang Luz, sabay abot sa akin ng isang basong tubig. Kinuha ko ito at sinagot siya. "Opo, kailangan po eh pero mamayang lunch na lang siguro po ako papasok kasi di na po kaya sa oras ngayon eh. Late na po ako." sabi ko at ininom ang tubig na binigay nito sa akin. "Kunin mo to." mahinang sambit ni Manang Feli at agad naman ako napatingin sa inabot niya. 500 pesos iyon. Nagtataka ko siyang tiningnan pero bago pa man ako makapagsalita ay inabutan din ako ni Manang Luz at yaya Mildred ng pera. "Wala kang makakain sa dalawang buwan kaya tanggapin mo na yan." sabi ni manang Luz. "Yan lang ang kaya naming ibigay sa iyo. Pagpasensyahan mo na." sabi ni yaya Mildred. Tuluyan naman nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Npahikbi ako. Naramdaman ko naman ang pagyakap nila sa akin. "Magiging masaya ka din balang araw, Luna. Kagaya ng buwan, liliwanag ka din." Yaya Mildred said as he caressed my hair. Pagkatapos ng iyakan naming apat ay umalis din ito sa kwarto ko. Naiwan naman ako mag-isa habang nakatingin sa salamin ko. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok at napagdesisyonan na hindi muna magtali para matakpan ang pasa sa batok ko. Magsusuot din ako ng mask para matakpan ang pasa sa gilid ng labi ko at ang pamumula ng mukha ko. Napaluha ako ng maramdaman ang sakit ng katawan ko. Dati-rati, palagi kong sinasabi sa sarili ko na masasanay din ako sa trato nila sa akin pero mahirap pa din pala. Kahit ilang beses ko man ipagsawalang bahala ang lahat, talagang sila mismo ang gagawa ng dahilan kung bakit nasisira ako. This is not home. This is f*****g hell. Napaupo ako sahig at hinayaan ang sarili umiyak. Paano na lang kung wala sila manang Feli? Paano na ako ngayon? Nakakapagod na mabuhay, parang binuhay lang nila ako para maging isang punching bag. Napakasama nila. Bakit ba hindi na lang ako pinalaglag ng totoong nanay ko? Bakit kailangan ko maranasan ang lahat to? 'Panginoon, kailan ba ako sasaya?' Sinubukan kong pigilan ang sarili ko na tumingin sa gilid ko, dahil sa oras na tumingin ako doon ay hindi ako magdadalawang isip na kunin ang gunting. Pero tangina, alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamatay sa simpleng laslas lang. Dahan-dahan ko itong inabot.Nang maabot ko ito ay agad kong tinanggal ang relo ko. Ang relo ko pala ang nagsisilbing pantakip ko sa peklat ng mga sugat ko sa pulsohan. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaalam-alam si Carter na may suicidal tendencies ako. Ayokong mag-alala pa siya. Sariling demonyo ko ang kalaban ko kaya haharapin ko itong mag-isa. Napatingin muli ako sa aking pulsohan at sinimulang sugatan ito. Madiin ang pagkakabaon sa gunting kaya alam kong magkakaroon ito ng malalim na sugat. Nakahinga ako ng maluwag ng magsimulang umagos ang dugo. Hinayaan ko lang saglit na kumalat sa sahig ang dugo ko saka ko binendahan. Masarap. Masakit. This is the way, I relieved myself. Sinuot ko ang jacket na hinanda ko para matabunan ang benda at mga pasa ko sa braso. Napatingin ako ulit sa harapan ng salamain at inayos ang sarili saka lumabas ng silid. ---- Nang makarating sa skwelahan ay nakita kong nakasandal sa locker ko si Yvo. Lumapit ako sa locker ko para ilagay ang ibang gamit ko doon. Napansin din agad niya ako umalis doon sa pwesto. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagpasok ng mga gamit ko. "Luna, can we talk?" tanong nito sa akin. "May dapat pa ba tayong pag-usapan?" sagot ko sakanya at di nag-abalang tiningnan siya. "Please...this will be the last time, promise. Hindi na kita kukulitin after nito." sabi niya. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at pinag-isipan ang sinabi niya. Napatingin ako sa orasan sa cellphone ko at napansing, may 2 hours pa para bago ang klase ko. "Sa rooftop. Sumunod ka." sabi ko at tinalikuran siya. Agad naman itong sumunod sa akin. Nang makarating kami sa rooftop ay agad ko naman chineck kung may ibang estudyante pa ba. Nagpapasalamat ako na walang ibang gumamit nun maliban sa amin kaya nilock ko na ang pinto. Lumapit ako sa grills ng rooftop at tinanaw ang mga estudyante sa baba. "Spill." I said. "I'm sorry. I'm so sorry. Alam kong di ko deserve ang kapatawaran mo pero gusto ko pa rin humingi ng tawad. I'm so sorry for being a jerked to you, Luna." sabi niya ng makalapit ito sa akin. "Sorry kung trinaydor kita..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD