Chapter 49 "Sino 'yong kasama mo?" Napatingin ako sa taong bigla na lang nagsalita sa likod ko at nakita si Leighton na nakatayo doon. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla at halos mapatalon na rin ako. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatayo at hindi man lang kumikilos. Napaisip kasi ako sa tinanong ni Kenji sa akin. Kailangan naming mamili. Hindi ko nga alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Sa huli ay inalis ko na muna iyon sa isip ko. Muli kong tinignan ang ekspresyon niya na ngayon ay nakakunot na ang noo. Nginitian ko naman siya bago nagsalita at nilapitan siya. Hindi ko pinansin ang tanong niya sakin. "Good evening! Nasaan sila kuya Tyrell?" Tanong ko sabay lapit at halik sa labi niya. Gusto kong iwasan ang tanong niya kahit ngayon gabi lang. Kapag nalaman

