Chapter 48 "Sigurado ba kayong kanina pa siyang umaga umalis?" Tanong ni Leighton na hindi na mapakali sa kalalakad sa sala nila. Nandoon silang lahat na magpipinsan, alalang alala sa dalaga at ilang ulit na tinatawagan si Ellaine pero hindi naman nila macontact. Hindi pa nga nakakpagpalit si Leighton ng damit pagkarating niya. Akala naman kasi nina Tyrell ay magkasama sina Leighton at Ellaine kaya hindi na sila nag-alala. Kaya lang, pagdating ni Leighton at napansing wala si Ellaine ay nagsimula na silang mag-alala. Tinawagan na rin nila si Tricia at Makino pero hindi naman daw nila alam. "Akala ko naman kasi magkasama kayong dalawa kaninang umaga. Hindi ba kayong nagkita man lang kanina?" Tanong ni Tyrell na kanina pa rin balisa dahil sa sobrang pag-aalala. Napatigil din sa pag

