Chapter 47 Kasalukuyan kaming kumakain ni Kenji sa isang restaurant na hindi ko alam kung ano. Wala naman kasing nakalagay na pangalan kanina pagpasok namin. Normal lang naman siyang restaurant gaya ng mga KFC at iba pang fast food chains pero pakiramdam ko ay pangmayaman ang isang ito. Ang pinaka-umagaw ng atensiyon ko pagpasok ay ang chandelier sa kisame. Ang mga waiter at waitress dito ay nakasuot ng isang itim na vest na may long sleeves na puti sa loob. Ang mga babae ay may pulang bow sa leeg at nakamasikip na palda pang ibaba, above the knee, samantalang ang mga lalaki naman ay pulang necktie ang nasa leeg at masikip na pantalon naman pang-ibaba. May counter dito na parang pangbar pero wala naman akong nabasang nagbebenta ng alak. Hindi ko alam kung nasa hospital parin ba kami

