Chapter 45 "Saan punta mo, Ellaine? May lakad ba kayo ni Leigton? Nakita rin kasi namin siyang lumabas kanina, hindi pa kayo nagsabay. Sabi niya pupunta lang daw siya ng mall para magpahangin. Don't tell me hindi parin kayo ayos?" Tanong ni Gaige sabay lapit sa'kin. Sa tingin ko katatapos lang nila maghugas ng pinagkainan pero hindi naman ako kumain. Mukhan nahahalata na nilang hindi talaga kami ayos ni Leighton pero kailangan ko paring itago sa kanila. At sabi ko na nga ba, aalis si Leighton ngayon kaya ito na ang pagkakataon ko para makita kung saan siya pupunta. Kung dati, tuwing nag-aaway kami ay sinusuyo niya agad ako? Kagabi ay hindi. Walang Leighton na pumunta sa kwarto ko para magsorry. May mali talaga sa kaniya. Hindi na ako pwedeng magkamali at kailangan ko na gawin ito. "Ok

