Chapter 44 "Ano na ang balita sa kanila?" tanong ni Coen kay Jackson na kasalukuyang nakatitig sa Millenium sphere. Napabuntong hininga si Jackson habang nakatingin sa Sphere sa kaniyang harapan. "Ganoon pa rin. Hindi talaga sila tumitigil sa pagpasok sa mundong ito kahit na namamatay din naman sila." Napabuntong hininga rin si Coen dahil sa ibinalita ni Jackson sa kaniya. Ang tagal na nila itong problema pero hindi pa rin nila malaman kung ano talaga ang kailangan ng mga nilalang na ito na pilit pumapasok sa mundo ng mga tao. Wala silang masamang ginagawa sa mga tao kaya hindi nila alam kung ano ang pakay nila. Hindi nga sila nakadidikit sa lupa ng mundong ito pero paulit-ulit pa rin sila. Parang hindi sila nagsasawa hanggang sa tuluyan silang makaapak sa lupa. "Kailangan pa rin nati

