Chapter 43 "Dahil nanalo sina Shina at Shaun ay kayo ang mag-uutos... ng kahit ano... sa'min lahat!" Kahit na natalo ay mukhang game parin si Tricia sa consequence na ibibigay sa kaniya nina Shina. Napangiti naman ito at saka tumingin sa ibang mga tao sa resort nila. Mayroon silang hindi kilala na naglalakad lakad at nags-swimming doon pero wala namang nagbabawal sa kanila kahit kina Tricia ang resort na ito. "May naisip ako na consequence sa inyo Tricia at Shaira. Kanina ko pa naisip 'to. 'Diba may swimsuit ka naman diyan na suot? Maglakad ka do'n sa mga maraming lalaki. Kapag napatingin sa'yo kahit isa sa kanila nang matagal, you win! Ikaw muna Tricia." Utos niya sabay kindat. Lumawak naman ang ngiti ni Tricia dahil sa utos nito. "Iyon lang ba? Easy!" Sabi niya sabay tanggal ng bath

