chapter 18

622 Words
Chapter 18 ZAINNAYA's POV Nandito kami ngayon sa bahay ampunan dito kami matutulog ngayon ni Yanna dahil gusto kong makausap si sister Theresa. Ayuko sanang isama si Yanna dahil kararating palang nya at kailangan nya ng pahinga kaya lang mas gusto raw nyang kasama ako kaysa magpahinga sya. " Ate Naya! Namiss po namin kayo!" Masayang pagsalubong samin nila angel at Bea ang mga bata dito sa orphanage agad ko naman silang niyakap " Namiss rin kayo ng ate! Gabi na bakit narito pa kayo sa balkunahe malamig nadin!" " Hindi po Kasi kami makatulog ate kaya nagpaalam kami Kila sister na dito po muna kami, ate Naya sino po yang magandang kasama nyo? Kasama nyo rin po ba sila ate Era at kuya Gabby? " Tanong sakin ni angel kaya tumingin ako kaya Yanna " Sya ang ate Trisha nyo kaibigan ko rin, hindi ko kasama ang ate Era at kuya Gabby nyo dahil may ginagawa eh!" paliwanag ko sa dalawa " Hi there beautiful I'm glad to meet you! By the way you can call me ate sha-sha" saka ito ngumiti sa dalawa " Ayy! Engles sya magsalita siguro mayaman sya noh!" Bulong ni Bea Kay Angel sapat na para marinig namin kaya natawa kami " Maputi rin tapos ang sosyal ng damit nya tapos ang ganda rin nya! Siguro porenger sya!" Manghang sabi ni angel at Lalo lang kaming natawa sa usapan ng dalawang bata. Habang nagkakatuwaan kami ng mga bata bigla namang dumating si sister Ana. Agad naman kaming nag mano sa kanya. " Nagagalak akong makita ka Naya!" tumingin naman si sister Ana sa tabi ko bago ibinalik ang tingin sakin " At sino naman itong magandang dilag na Kasama mo Naya hija!" " Sya nga po pala sister Ana si Trisha ang aking kababatang kaibigan ko" pagpapakilala ko kaya sister Ana " Nagagalak akong makilala ka iha! At natutuwa ako na may iba ka pang kababata bukod kina Era at Gabby." Nakangiting sambit ni sister Ana. "oh! Sya samahan ko na kayo patungo Kay sister Theresa dahil naghihintay nga sya sa may library. Angel and Bea sumama na kayo at ihahatid ko na kayo sa kwarto nyo!" baling ni sister Ana sa dalawang bata. Pagpasok namin ng mini library dito sa MAO ay nakita namin si sister Theresa na may mga binabasang papeles. " Good Evening po Sister Theresa!" bati ko dito at ganon din si Yanna. Sa pagbati namin kay sister kaya naagaw namin ang atensyon nya pero nabaling ang tingin nya sa katabi ko. Tumayo si sister Theresa at lumapit kay Yanna sinuri nya ito mula ulo hanggang paa. " Ito na ba si Trisha Villaluna anak! ang kababata mo noon?" tumango ako kay Sister Theresa at ngumiti naman si Yanna Kay sister. " Ako nga po iyon sister Theresa! Kamusta na po kayo!" niyakap ni Yanna si sister at ganon din ito " Ito!... Mabuti naman anak, buti at napasyal ka dito..." tumingin sakin si sister Theresa na para bang nag tatanong. " Ahmm sister! Kasama ko po pala sya dito muna po kami matutulog ni Yanna Kong ok lang po." ang alam ni sister ay ako lang ang matutulog dito at hindi nya alam na Kasama si Yanna. " Nakaalala kana? Kailan pa anak?" tanong sakin ni sister na ikinagulat ko dahil alam nyang nawalan ako ng alala " S-sister.... B-bakit ho hindi nyo man lang sakin sinabi ang totoo, lagi ko po kayong kasama nandon rin po kayo ng magising ako pero bakit po!.... " garalgal kong saad dahil nagsisimula nanamang tumulo ang mga luha ko. " Patawarin mo ako anak ko! Hindi ko gustong maglihim sayo... Patawad!" Mahal na Mahal ko si sister Theresa kaya hindi ko magawang magalit sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD