Naratnan na naman ni Collen ang kanyang kuya at kasama nitong umiinom sa unit nito. Naiilang siya sa kasama ng kanyang kuya, dahil lagi niya itong nakatitig sa kanya at ngumingiti. Hindi niya ito pinapansin, hindi nga niya alam ang pangalan nito. "Collen, h'wag kana magluto bibili na lang ako ng pagkain sa labas. Saka pulutan na rin, iwan ko na muna kayo dito ha," saad ng kanyang kuya Zandro. Agad naman itong lumabas ng unit. Kasalukuyan siyang gumagawa ng suman ng lumapit sa kanya ang kaibigan ng kapatid niya. "Hi, anong ginagawa mo?" tanong nito. "Suman.. Kumakain kaba nito?" tugon ni Collen, pero nanatiling nakatutok sa kanyang ginagawa. "Oo, ganyan lagi kasi ang malimit na kainin na meryenda ni Zandro," tugon nito. "Matagal na kayong mag kaibigan ni kuya?" tanong muli ni Co

