"Good morning, pinagtimpla nga pala kita ng coffee. Ayos ka lang ba?" tanong ni Collen kay Sean. Naratnan kasi ni Collen si Sean na nakasandal sa kanyang upuan at nakatingala. May panyo sa ulo habang nakapikit, tila alam niyang masakit ang ulo nito dulot ng alak. "Ok lang ako salamat sa kape," tugon ni Sean. Pero, nanatili ito sa ganoong sitwasyon. Hindi nga nito magawang tapunan siya ng tingin. Napa buntong-hininga na lang si Collen at lumabas ng opisina at tumungo ito sa clinic ng company upang kumuha ng gamot para dito. "Sir.. Sir.. Ito po oh gamot. Para mawala iyang sakit ng ulo mo." Tapik tapik ni Collen ang balikat ni Sean, ngunit hindi naman siya pinapansin nito. "Sir.." Muling tinapik ni Collen ang balikat ni Sean. "Isang sir mo pa hahalikan na kita d'yan." Hinawakan ni

